Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
At ng magtagumpay ang TOFA
 
Nang maging matagumpay ang Twenty Outstanding

Filipino-Americans (TOFA 1) sa United States at Canada, sa kaunaunahang pagkakatatag nito noong ika-4
ng Hulyo, taong 1990. Labis din itong tinangkilik ng mga kapwa Pilipino sa loob at labas man ng Amerika.





Ang kasaysayan ng TOFA ay tinitik ng isang malikhaing kaisipan ni Nonoy Mendoza, editor at tagalathala ng
Filipino-American Magazine, kasama ang patnubay ng Maykapal at ng pagmamahal ng kanyang Asawa na si
Aida Mendoza at dalawang anak na babae na sina Rochelle at Rhonda.





Upang maging matagumpay ang kaunaunahang proyekto ng TOFA nina Nonoy at Aida Mendoza walang
atubili na ginugulan ng salapi ang bawat proyekto ng mag-asawa.  Habang ang karagdagan ay namula
naman sa Roxanne Andrea Mendoza (RAM) Foundation na nakabase sa Washington, D.C., nagpaabot din ng
tulong ang mga indibidwal at  korporasyon ng mga insponsor.





May dalawang simpleng dahilan si Nonoy Mendoza kung bakit niya tinatag ang proyekto ng TOFA. Una, ang
ipakita ang positibong imahe ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga kakayanan nito.  Partikular na ang
mga tagumpay ng mga kababayan na naninirahan sa lokal na rehiyon at Washington, D.C., kung saan ang
mga matatagumpay na mga Pilipino, talentado at maabilitad ay naninirahan.





Pangalawa, ang magsilbing modelo ang  TOFA Awardees at inspirasyon sa iba, lalo na’t higit sa kabataang
Pilipino na naninirahan sa ibang ibayo. At hikayatin silang huwag maging “utak talangka” (CRAB MENTALITY).





Sa kasalukuyang taon, umabot na sa tatlongdaan at animnapu(360) katao na ang kinilala at nabigyan
pagpupugay ng TOFA, na inaasahang dadami pa. Sa dami na rin ng mga Pilipinong may mabubuting
kaloobang maglingkod sa bayan, sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng karangalan sa lupang
pansamantalang iniwan.





Ang kinikilala ngayong proyekto ng TOFA (Twenty Outstanding Filipinos Abroad) ay sinisimulan sa
kalagitnaan ng buwan ng Septembre. Habang sa mamahaling J.W. Marriot Hotel sa Washington,D.C.,
kapitbahay lamang ng

White House ginagana ang lugar ng pagtitipon, sa loob ng tatlong araw.





Sa pamamagitan din ng TOFA, iniimpluwesiyahan nito ang mga kapwa Pilipino na gumawa ng paraan upang
mahikayat ang mga dayuhan na silipin ang magandang perlas ng silanganan. At tulungan ang Pilipinas sa
paraang naayon sa kakayanan at kalooban ng isang Pilipino na namumuhay sa ibayong dagat,  ang
katangiang ito ang isa sa  hinahanap ng TOFA upang mabigyan ng parangal.





Sa Pilipinas, bago ka-dakilaan ng kapwa mo kababayan o maging ng sariling pamahalaan, kailangan mo
munang maging bayani na binabaril sa Bagumbayan(Luneta), o di kaya’y magkaroon ng pitong titulo sa
pakikipagsuntukan. Kailangan mo rin magtulak na kariton upang ilapit ang edukasyon sa kabataan, na dapat
ang pamahalaan ang unang gumagawa. Pero sa lugar kung saan nandun ang pundasyon ng
makapangyarihang bansa sa mundo, may isang mumunting butuin, ang TOFA na magbibigay pagkilala, na
hindi  na kinakailangan pa ng matitinding pagpapasikat sa buong mundo. bagkus isang mumunting
katangian na gahigante ang tulong sa bansang inulila, ang manatiling Pilipino na nagmamahal kay
LuzViMinda(Luzon-Visayas-Mindanao) saan man dako ka na roon.





“Ang magsilbi sa kapwa Pilipino, kahit man sa maliit na paraan, pag-ibig na sa lupang tinubuan."

(jongmanlapaz@gmail.com)
 
GPS pinakakabit sa lahat ng sasakyang pangdagat
 
UPANG matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa tuwing maglalayag sa karagatan, ipipursige ngayon ng
mga Kongresista na mandato na ipatupad nag global positioning system (GPS) para sa mga barko at kahit
sa maliliit na sea vessel.



Ayon kina Agusan del Sur Rep.  Rodolfo “Ompong” Plaza at An Waray Rep. Florencio “Bem” Noel, kailangan
na maikabit na ang modernong aparato para sa sea navigation sa lahat ng mga saksakyang pangdagat,  
upang mabawasan ang trahedya sa karagatan.



Para kay Plaza,  hindi na umano natuto pa ang bansa sa mga nagdaang trahedya sa karagatan,  dahil na rin
umano sa talamak na kurapsyon at pagiging kulang sa kaalaman ng mga opisyales ng Maritime.



Pinagdiinan naman ni Noel na tunay na reporma ang kinakailangan na dapat ipatupad, upang hindi malagay
sa alanganin ang mga inosenteng buhay.



“We have to protect the lives of millions of passengers and properties by ensuring that sea vessels are not
sailing coffins,” sabi ni Noel, na maliban sa kaligtasan sa paglalayag,  kailangan matiyak din umano ang
proteksyon ng kalikakasan lalo na kung may nakakalasong kargo ang isang barko.



Sa pamamagitan ng GPS mabilis  na matutukoy ang tiyak na posisyon, dadaanan at bilis ng isang barko,
mainan din umano ito sa magiging  trapiko sa karagatan.



Kaugnay nito, naghain si   1-UTAK party-list Rep. Vigor D. Mendoza IIng  House Resolution (HR) No.  1505
upang panindigan ang kahalagahan ng GPS, na isang mabilis umanong tugon upang mapangalagaan ang
mga buhay ng pasahero maging ang milyong pisong halaga ng mga kargo.



"A GPS can be used by the Philippine Coast Guard since the GPS of a boat or ship in distress will
automatically send signals to the nearest coast guard station and can easily relay its exact location," ani
Mendoza . "GPS is currently used in cellular phones and motor vehicles in order to easily facilitate navigation
and is proven to be effective not only for the purpose of navigation but on promoting the safety of people as
well.”



Ayon kay Mendoza ang Pilipinas umano ay may tatlong uri ng serbisyong pangkuminikasyon, ito ang public
coast stations, private coast stations at government coast stations na maliit at luma at hindi na umano
magandang gamitin pa sa lumalaking pangangailangan sa kuminikasyon pangkaragatan.



"Sea accidents are common in the Philippine archipelago because of tropical storms, badly maintained boats
and weak enforcement of safety regulations," ani Mendoza.
 
Humanitarian team ng Pinas, minungkahing ipadala sa haiti
 
NANAWAGAN kahapon ang isang Kongresista mula sa Visaya sa mga mayayamang bansa na agad na
magpadala ng humanitarian team na binubuo ng mga doctor, nurse at relief worker upang tulungan ang mga
nabiktima ng magnitude 7 killer quake sa Haiti ng nakaraang Martes.



Nanawagin din si Leyte Rep.  Ferdinand Martin Romualdez sa gobyerno na magpadala ng kahantulad na
grupo upang tumulong sa mga biktima ng lindol, habang tinaya naman na aabot sa 100,000 ang patay.

"We pray that the many people trapped in the rubble will be rescued soon.  We appeal to rich nations to take
the lead role in the rescue and rehabilitation effort.  The government can also share its resources to help the
victims,” ani Romualdez.

Naghain naman si Nueva Ecija Rep.  Edno Joson ng House Resolution (HR) No.  581  na umuobliga sa
Kongreso na magsagawa ng isang imbestigasyon upang siguraduhin na matatag ang mga gusali ng
pamahalaan at matiyak na ito ay napapangalagaan mabuti.



“It is the duty of the state to provide the public with adequate social services ad the means to achieve an
improved quality of life for its citizens,” said Joson.



Minungkahi naman ni Susan “Toots” Ople sa lingguhan Usaping Balita media Forum, na tumatakbong
Senador sa ilalim ng Nacionalista Party ni Sen. Manny Villar, na magtayo ng command post sa  Department
of Foreign Affairs (DFA) maging sa  Haiti na siyang magiging kinatawan naman ng mga pamilya ng tinatayang
447 Pilipinong nagtragtrabaho sa garments, telecommunication at power sector sa bansang tinamaan ng
lindol.
 
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine