Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Papalit kay Puno mapapahiya lang
 
MAPAPAHIYA lamang ang itatalagang kapalit ni Supreme Court (SC) Chief Justice Reynato Puno, kapag
nagretiro na  ito sa Mayo 17, taong kasalukuyan.



Sa paliwanag ni Bayan Muna Rep.  Satur Ocampo, senatorial candidate ni Sen.  Manny Villar ng  Nationalista
Party(NP), na haharangin lamang ng High Tribunal ang itatalagang kapalit ni PAngulong Arroyo bago sumapit
ang nakatakdang pagbaba nito sa puwesto.





Hinalimbawa pa ni Ocampo ang naging desisyon ng Korte Suprema sa Villarta at Valenzuela na hinarang ng
Kataastaasang Hukuman ang  “midnight appointment” ng mga Hukom at Huwes ni dating Pangulong  Fidel
Ramos noong Mayo 1998.



“The Supreme Court has spoken.  In the case of In Re Villarta and Valenzuela (En Banc Resolution in A.M. No.
98-5-01-SCm November 9, 1998) the Supreme Court declared that the President cannot appoint any member
of the judiciary within two months from an election until the end of his term when it voided the appointment of
judges and justices by then Pres. Fidel V Ramos in May 1998,” ani Ocampo.



Dagdag pa ni Ocampo, “The Court based its decision on the prohibition under Section 15, Article VII of the
Constitution citing the case of Aytona vs Castillo where the Supreme Court declared void midnight
appointments by an outgoing president.”



Pinaalalahanan naman ni Baguio City Rep.  Mauricio Domogan  ang mga kritiko ng Pangulo na may 90 araw
ang Pangulo na magtalaga ng susunod na SC Chief, kung sakaling mabakante ang isang puwesto sa Korte
Suprema, batay na rin sa “Art. 8 of the Constitution.”



“The JBC is supposed to give a list of nominees to the President who is the ultimate appointing power in case
of vacancy or vacancies in the judiciary,” ani Domogan, na isang abogado.



Sinabi pa ni Domogan na kumuha ang  JBC ng tatlong nominado sa posibleng papalit kay Puno, at ipasa
ang kanilang mga pangalan sa mga appointing authority. “This could be the JBC’s shortlist. There’s no doubt
about the qualifications of our SC associate justices to the CJ post.”
 
Bansa magkakariot dahil sa taas ng presyo ng bilihin
 
RIOT ang kasasapitan ng bansa, kung sakaling hindi mapigilan ng  pamahalaan ang patuloy na pagtaas ng
presyo ng pangunahing pangangailangan ng tao.


Kinababahala ni Ilocos Norte Rep. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na posibleng matulad ang bansa sa
Haiti, na nagkaroon ng riot dahil sa lumalang kagutuman dala ng malakas na lindol.  Wala mang kalamidad
ngayon sa bansa, may pagtaas naman ng presyo  ng pagkain na magdadala din ng matinding kagutuman.


“The government should act now to prevent food riots. It must do something to lower food prices. It should not
wait for Haiti-like food riots to happen in the country,” ani Marcos.


Kinundina naman ni Agusan del Sur Rep.  Rodolfo “Ompong” Plaza  ang kabiguan ng pamahalaan na
matiyak na manatiling may laman ang  food basket ng bansa.


“The government was always insisting that there was no rice shortage, but why is it the Department of
Agriculture is importing rice abroad?  Why not allot more funds to support the sustainable growth of the local
farmers?” ani Plaza.


Naniniwala si Marcos na kapag lumala ang siswasyon ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain,
tulad ng bigas, asukal, harina, karne, mantika, at ibapa, na posibleng magkaroon na rin ng riot.


Minungkahi naman ni Marcos na damihan ng Pangulo ang umiikot na “rolling stores” sa bansa na
nagbebenta ng murang bilihin.


Nanawagan din ito na habulin at papanagutan ang mga nag-hoard ng mga pangunahing pagkain, tulad ng
bigas.


“The state must run after these hoarders and that they should be warned of being charged with economic
sabotage, which carries a life sentence,” ani Marcos
 
Balota minungkahing iksian at palakihin ang balota
 
“HUWAG MASYADONG MAHABA.”

Ito ang apela ng isang militanteng Kongresista sa Commission on Election (Comelec),  na huwag habaan
ang magiging balota ngayon eleksyon. Pangamba ni Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino na magdulot
ng kalituhan sa mga botante kung masyadong mahaba ang magiging hitsura ng kaunaunahang balota sa
Automated eleksyon.



Maliban pa sa pagkalito, mauuwi lamang umano sa wala ang “secret voting” ng bawat botante kung
masyadong mahaba ang balotang ang kanilang babasahin.



“Masuwerte kung mga bata pa ang mga botante, paano naman ang mga matatanda na na medyo mahina
ang kanilang paningin. Kaya dapat maikli lang ang ballots,” sabi ni Palatino.



Minungkahi rin ng Kongresista sa Comelec, na lakihan din ang letra ng mga nakasulat sa balota, upang
medaling mabasa ng mga nakakatanda at malalabo na ang mata.



“Paano kung maliit ang font ng mga candidate, tiyak mahihirapan ang mga elders natin,” sabi pa ng
Kongresista.



“Very important sa demoktratikong bansa ang secret voting kaya dapat maisip ito ng Comelec. Huwag nilang
habaan ang balota,” ani Palatino.
 
Diplomat Stephen Pollard, pinalalayas ng bansa dahil sa pagtatago sa suspek
 
PINALALAYAS na ng bansa ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod ang step dad ni Jayson Ivler na si Stephen
Pollard, matapos na sa mismong tirahan nila na huli ang akusado sa pagpatay sa anak na lalake ng
opisyales ng Malakanyang.


Minungkahi pa ni Maglunsod na palitan si Pollard bilang diplomat ng Asian Development Bank, dahil “unang-
una hindi niya nirespeto ang batas dito sa Pilipinas, totoo naman suspek ang anak niya, dapat sinuko niya,
ang ginawa nila tinago pa nila sa bahay.”


Sabi pa ng Kongresista na isip umano sana ni Pollard ang naging biktima ng kanyang step son, na sangkot
sa pagpatay sa anak ni Presidential  Usec. Renato Ebarle, dahil lamang sa away trapiko.


Upang hindi na muling maulit pa ang pagkakanlong ng isang indibidwal sa isang suspek,  minungkahi pa ni
Maglunsod na pabigatin ang parusa sa mga mahuhuling nagkakanlong ng isang kriminal.


“alam natin na mahal nila ang anak  nila, pero ang dapat ginawa ng mga magulang hindi na niya kinunsite,
dapat taasan ang parusa sa mga nagtatago ng suspek o kriminal, siguro mga 5 taon hanggang 10 ang
ipataw na parusa para hindi na pamarisan,”  ani Maglungsod sa isang panayaw sa plenaryo.


Alinsunod nito, hiniling naman ni Usec. Ebarle na ituring ng Department of Foreign Affairs(DFA) na persona
nan grata si Pollard, na isang British National, na magreresulta ng pagkakaalis ng immunity nito bilang
diplomat at pagtapon sa kanya pabalik sa kanyang bansa.


Posible rin maharap sa kasong illegal of possession of fire arms si Pollard sa pagkakahuli ng M16 riffles at
45 calibre pistol sa kanyang tahanan, na ginamit naman ng kanyang step son laban sa tumutugis sa kanya
ng mga kagawad ng Media.


Matatandaan na sasakyan ni Pollard ang gamit ni Ivler na umano’y mapatay nito ang nag-iisang anak na
lalake ni Usec. Ebarle.
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine