Press Secretary Serge Remonde pumanaw na
|
| |
PUMANAW ang isa na naman kagawad ng Media, na labis ngayon pinagdadalamhati maging ng isang militanteng Kongresista na kapwa din manunulat ni Secretary Serge Remonde na pumanaw kahapon.
Pinaabot ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo ang kanyang pakikidalamhati, kabilang na ang lahat ng progresibong grupo sa Kongreso sa Pamilyang naulila ni Sec. Remonde.
“We in the progressive party list bloc extend to Serge Remonde’s Family our condolences over his sudden demise,” ani Ocampo sa pamamagitan ng telepono.
Dagdag pa niya, “As a fellow journalist, I share the grief of our colleagues in Media n Serge’s friends.”
Para naman kay Speaker Prospero Nograles, pumanaw umano si Remonde na isang tunay na mamahayag hanggang sa kanyang kahulihulihang hininga. “media lost a truly dedicated media man.”
Pinapurihan din ni Nograles si Remonde sa dedikasyon nito sa trabaho, na unang sumasalo sa mga kontrebersya na pinupukol sa Pangulo.
“he was the administrations first line of defense and did his utmost best thru dedication hard work and service to the news and the media profession,” sabi ni Nograles.
Nagsimula ang propesyon ni Remonde sa isang himpilan sa radyo bilang reporter at commentator, hanggang sa makuha siya bilang miyembro ng gabinete at inaatang sa kanya ang pagiging hepe ng Government Mass Media Group, na namamahala sa lahat ng telebisyon at stasyon ng radyo na pinatatakbo ng pamahalaan, hanggang italaga siya ng Pangulong Arroyo noong Pebrero 1 taong 2009 bilang Press Secretary.
Naging Chairman din si Remonde ng Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas(KBP) sa loob ng anim na termino.
|
| |
Diskriminasyon sa relihiyon, lahi at kultura hiniling na ipasa na sa Senado
|
| |
UMAPILA ngayon ang isang muslim Congressman sa mga Senador na aprubahan ang isang bill, na naglalayong gawing krimen ang pag-discriminate laban sa isang indibidwal dahil sa kanilang relihiyon, kultura at lahi, sa natitira nitong pitong araw ng sesyon bago mag-adjourn sa Pebrero 5, upang bigyan daan ang eleksyon.
Apila ni Anak Mindanao(Amin) Rep. Mujiv Hataman sa mga Senador, ikunsidera umano ang House Bill (HB) No. 948 o maskilala sa tawag na "Anti-Religious or Racial Profiling Act of 2009” na pumasa sa huli at ikatlong pagbasa sa kalagitnaan ng taong 2009.
“I am appealing to our good senators to please give the bill (anti-discrimination) a chance because this would correct some of the flaws in our society where discrimination remains a problem nowadays,” ani Hataman, isa sa may akda ng bill.
Batay sa ulat, nangako umano si Sen. Jamby Madrigal, chairperson ng Senate committee on cultural minorities, sa mga Kongresista na nagsusulong ng panukalang batas na gagawa siya ng paraan upang maipasa ang bill sa isang pagbasa lamang.
“the bill prohibits the use in print and broadcast media of racial, ethnic or indigenous characterization which subjects such race, religion, ethnic or indigenous group to humiliation, fear, anxiety, resentment and cynicism,” ani Hataman.
Ayon naman kay Citizens Battle Against Corruption Rep. Joel Villanueva, na isa rin sa may akda ng bill, na kabilang sa layunin ng HB no. 948, na maiwasan ang hindi makataong pagsasailalim sa isang pagsusuri ang isang indibidwal o grupo, at pagdiskriminate sa mga pampublikong trasportasyon dahil sa kanilang lahi, relihiyon, at pinagmulang kultura.
“There should be no discrimination on opportunity for employment and advancement of their professional careers just because of race, religious affiliation, ethnic or indigenous background,” ani Villanueva.
Sinabi pa ni Villanueva na mapaparusahan din kung sino man lalabag dito, maging ang mga otoridad na paghinalaan ang isang idibidwal o grupo at sa pagsasailalim ng patuloy na imbestigasyon dahil lamang sa kanilang lahi, rehiliyon at kultura.
Sa ilalim ng bill, ang sinomang lalabag ay pagbabayarin ng hindi baba sa P200 at hindi lalagpas sa 6,000 na may pagkakakulong na isa hanggang anim na taon.
|
|