Pagpanaw ni Sec. Serge Remonde, inspirasyo ngayon ng mga Kongresista
|
| |
INSPIRASYON ngayon ng mga Kongresista ang yumaong si Press Sec. Cerge Remonde, upang maging madasalin at mas-mapag-alaga pagdating sa kalusugan.
Nabigla ang mga Kongresista sa pagpanaw ni Remonde, na sa kabila ng pagiging masigla at bata pa nito sa edad na 51 pumanaw ang kalihim dala ng sakit sa puso.
Para kay Speaker Prospero “Boy” Nograles Jr. pinaalala ng insidente na nangyari sa kanilang kaibigan, na maging relihiyo at inumin ang mga gamot at regular na mag-ehersisyo.
“Yes we are more health-conscious. We must religiously take our maintenance medicines as prescribed by the doctors and make sure we have time to exercise and take a few days break every now and then. Just go away far from the madding crowd,” tugon ni Nograles sa katunungan kung naging mag-conscious umanosiya matapos na pumanaw si Remonde.
Babaguhin naman ni House Deputy Majority Leader at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II ang estasdo ng kanyang “unhealthy lifestyle” upang maiwasan ang nakakamatay na sakit.
“In fact I changed my eating habits and added physical activities after the untimely death of my older sister October 30 last year. No more white carbohydrates for me, just wheat or whole grain bread. I try to avoid animal meat and fat,” ani Gonzales.
Sinabi pa ng Kongresista na iniwasan na rin umano ng mambabatas ang paninigarilyo simula pa noong 2001, nakapagbawas na rin umano siya ng malaking timbang.
“I already lost about 24 lbs. I also quit smoking almost nine years ago, not a single puff since then. Kaya I look and feel healthier, younger, sexier and ehem, handsomer,” ani Gonzales.
|
| |
Erap anti-mamamayan- solon
|
| |
NANAWAGAN kahapon ang isang Militanteng Kongresista sa taumbayan na iboto ang kandidatong makakatulong sa kanilang makaahon sa kahirapan.
Ito ang naging tugon ni Anakpawis Rep. Joel Manglunsod sa naging desisyon ng Commission on Election na hayaan na lamang ang mga botante ang humatol sa magiging kapalaran ni Dating Pangulong Joseph Estrada, sa muling pagsabak nito sa pangpanguluhang halalan sa pangalawang pagkakataon, matapos na mapalayas sa Malakanyang gawa ng Edsa Rebolusyon noong 2001.
“panawagan natin sa taumbayan na suportahan nila ang mga kadidato na makakatulon sa tutulong na makaahon sila sa tinding kahirapan, kagutoman at panunupil, hindi lang mga promise,” ani Maglunsod.
Nilinaw naman ni Maglunsod na walang malinaw na adhikain si Estrada para sa masang Pilipino, kung sakaling palarin ito na muling maging Pangulo ng Bansa.
“kay Erap walang malinaw na programa o plataporma binigay para masolusyonan ang usapin ng mamayan at may track record naman siya dati na anti-mamamayan kaya nagkaroon ng Edsa 2,” paglilinaw pa ng militanteng Kongresista.
Matatandaan na guilty ang naging hatol ng Sandiganbayan kay Estrada sa kasong pandarambong, na agad din naman pinalaya matapos mabigyan ng pardon ni Pangulong Gloria Arroyo.
Naging dahilan din ng pagkakalayas sa kanya sa Malakanyang ang umano’y pangungulekta nito ng milyong pisong payola, mula sa ilegal na jueteng.
|
|