Pagnatuloy ang no el, chair. Melo at comelec commissioner dapat ifiring squad
|
| |
“FIRING SQUAD AT KULONG!” ito ang dapat umanong sapitin ng mga Commissioner ng Commission on Election(Comelec), kapag hindi na tuloy ang halalan sa darating na Mayo 10, taong kasalukuyan.
Nababahala si Nueva Ecija Rep. Edno Joson na mauwi sa madugong senaryo ang pagkabigo ng Comelec na matuloy ang eleksyon, automated man o mano-mano.
“dapat kulong o firing squad nayan,” tugon ng Kongresista kung posibleng maharap sa kasong administratibo at impeachment case si Comelec Chairman Jose Melo kung sakaling magkaroon ng No election o no el.
“dahil sila ang magiging sanhi ng malawakang kaguluhan, kudeta people power at iba pang marahas na pangyayari kapag di natuloy ang eleksyon dahil sa kanilang kapalpakan,” dagdag pa ni Joson.
Pero para kay Anakpawis Rep. Joel Maglunsod, malaki ang posibilidad na maharap sa kasong administratibo at impeachment case si Melo, kasama ang kanyang mga commissioner kung sakaling hindi matuloy ang eleksyon.
Katwiran ni Maglunsod, kailangan na umanong papanagutin ang mga opisyales ng comelec, sa kabiguan nilang magampanan ang tungkulin na matupad ng mamamayan ang kanilang karapatan na mamili ng mamumuno sa kanila.
|
| |
Apat na partlist rep. pinatatanggal sa kongreso
|
| |
PINATATANGGAL kay Speaker Prospero “boy” Nograles Jr. bilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang apat na Kongresista mula sa Party list na tumatakbo bilang Senador.
Sa lingguhang Usaping Balita News Forum sa Serye Restaurant sa Quezon City Memorial Circle (QCMC), sinabi ni Henry Giron, chairman ng Article 64 Movement, na sina Akbayan Rep. Risa Hontiveros-Baraquel, Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Gabriela Rep. Liza Maza at Bantay Rep. Jovito Palparan, dapat na umanong ikunsiderang nagbitiw na bilang Kongresista ang apat.
“I am appealing to Speaker Nograles to remove their names from their roster. These lawmakers do not deserve to stay in Congress because they are no longer representing the marginalized sectors,” paliwanag ni Giron kasabay ng pangako sa mga reporter na maghahain siya ng disqualification case laban sa apat sa Commission on Elections (Comelec).
Si Giron ang isa rin sa naghain ng petisyon sa Supreme Court (SC) na humihiling na magbitiw sa puwesto sa pagsali nito sa halalan para sa pagkokongresista.
Giniit pa ni Giron na si Hontiveros-Baraquel umano ay hindi na kumakatawan sa Akbayan partylist matapos na sumali sa Liberal Party (LP) bilang senador ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III.
“Speaker (Prospero) Nograles should look into this anomaly. Baraquel cannot represent Akbayan when in fact, she is already part of LP,” ani Giron kasabay ng pagpapakita ng kupya ng certificate ng LP nomination at pagtanggap kay Hontiveros-Baraquel na may petsang Nobiyembre 25, 2009.
Tinanong din ni Giron si Hontiveros-Baraquel na paano umano nito ipapaliwanag na kinatakatawan pa rin nito ang isang sector ganun siya ay kabilang na sa LP, isa sa pinakamalaking partido political sa bansa.
Habang sila Ocampo at Maza ay tumatakbo sa ilalim ng Nacionalista Party (NP) ni Sen. Manny Villar at Palparan ay sumasabak bilang independent senatoriable.
|
|