Ang supreme court lamang ang magsasabi - solon
|
| |
“ANG KORTE SUPREMA LAMANG,” ito ang naging reaksyon ng mga Kongresista sa naging pagbabanta ni constitutionalist Father Joaquin Bernas, na masisira ang kredibilidad ng Kataas-taasang hukuman kung hahayaan itong magdesisyon kung sakaling kuwestyonin ang pagtatalaga ng Pangulo ng papalit kay Chief Justice Reynato Puno na magreretiro sa Mayo 17.
Naniniwala sina Speaker Prospero Nograles Jr., Camiguin Rep. Pedro Romualdo at Quezon Rep. Danilo Suarez na nasa Korte Suprema pa rin ang pagdedesisyon kung naayon o may kamalian ba sa batas ang gagawin ni Pangulo na magtalaga ng papalit kay Puno.
“Why it would be dangerous to the credibility of the Supreme Court when it is their function as the last bulwark of democracy to make final judgment on legal controversies?” tanong ni Romualdo.
Dahil pumapasok ang May 17, araw ng pagreretiro ni Puno sa dalawang buwang pinagbabawal ng batas na magtalaga ang Pangulo ng mga bagong opisyal bago ang presidential election mababakante ang iiwang puwesto ni Puno.
Nagbanta pa si Bernas na posibleng maharap sa isang impeachment case ang itatalaga ng Pangulo, Pero para kay Nograles, “Maybe the good priest is saying that in case a presidential candidate wins the mandate of being the next President and he is not satisfied with the appointment of the Chief Justice by President Arroyo because he made an offense that is impeachable then by all means he can be impeached.”
Kung sakaliman mangyari umano ang banta babala ng Pari sa itatalaga ng Pangulo, nanatili pa rin umano nakadipende sa numero kung ano ang kasasapitan ng reklamo “my point is impeachment is still a numbers game. If you don’t have the required number of votes, you cannot impeach the Chief Justice.”
|
| |
Senate President Enrile, delikado maging interim President
|
| |
“DELEKADO MAGING INTERIM PRESIDENT SI ENRILE,” ito ang pangamba ng isang militanteng Kongresista kung sakaling hindi matuloy ang pambansang halalan ngayon taon.
Paliwanag ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, bilang utak ng Martial law ng panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, delikado kung si Enrile umano ang pansamantalang hahalili bilang pangulo kung sakaling mag-No Election senaryo o no-el.
Nanawagan naman ang Kongresista sa Senador na bitiwan na lamang ang pagiging pangulo ng senado, alang-alang na rin umano sa ikabubuti ng mamayan. At dahil magtatapos ang termino ni Enrile sa Hunyo 30, mainan umano na maipasa na ang kanyang pamunuan upang masigurado na magpapatuloy ang nakasaad sa salinggang batas na puwedeng pagpasahan ng pangulo ng kanyang kapangyarihan kung sakaling hindi matuloy ang eleksyon.
“Yes, he (Enrile) should step down not only because he cannot succeed in case of failure of election because his term ends on June 30, and secondly, he is a dangerous interim president being the remorseless Martial Law administrator of (former President Ferdinand) Marcos,” ani Colmenares, kasabay ng pag-giit na ibigay niya ang kanyang termino sa isang Senador na magtatapos ang termino sa Hunyo 2013.
Kinundina naman ni Colmanares ang pahayag ni Enrile na puwedeng humalili ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police (PNP), kung sakaling hindi matuloy ang eleksyon.
“His (Enrile) statement that the AFP and PNP will take over in case of failure of election makes him more dangerous. He will not step down once he succeeds. If he will not resign, senators should replace him. The people will not forgive the senators if they refuse to replace him despite the threat he poses,” ani Colmenares.
Sa House Bill No. 3194 ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson o maskilala sa tawag na “succession bill” na sa kasalukuyan ay na aprubahan na ng House committee on revision noong Septembre 15, 2009, iminungkahing ang “most senior” sa labing dalawang 12 senator– na magtatapos ang termino sa 2013 – ang tatayong pansamantalang Pangulo kung sakaling mabigo ang 2010 automated election.
Ang sinasabing “most senior” ay kumakatawan sa isang Senador na may pinakamaraming botong nakuha sa nakaraang senatorial elections.
Batay sa opisla na resulta noong 2007 elections, na ngunguna si Sen. Loren Legarda na may botong 18,069,466.
Kasunod naman niya si Sen. Francis “Chiz” Escudero, na may botong 17,858,416.
|
|