Pilipinas tataas ang sex tourism, dahil sa gutom
|
| |
DAHIL sa paglala ng kahirapan at kagutuman sa bansa, naniniwala ang isang militateng Kongresista na tataas ang “sex tourism” ng bansa.
Sa paliwanag ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan at bilang tugon na rin sa dukumentaryo na ginawa ng Canadian Broadcasting Corp. na may pamagat na “Confronting evil” na tumalakay sa pagtaas ng bilang ng mga kababaihan na may edad na 15 hanggang 18 na pumapasok sa kalakaran ng pagbebenta ng aliw, maraming kababaihan na pikit matang papasok sa merkado ng pagbebenta ng laman upang may ipangtustos lamang sa kumakalam na sikmura.
Sinabi pa ng Kongresista na magpapatuloy pa ang nasabing kalakaran, dahil na rin sa paghina ng ekonomiya ng bansa. “Poverty in the rural areas will make more young girls vulnerable to sex trafficking. Runaways are increasing, as they dream of a better life only to fall prey to predators.”
Nalulungkot ang Kongresista sa pagdagsa ng mga turista sa bansa, hindi dahil sa magagandang destinasyon ng Pilipinas, bagkus ang pagtangkilik sa bentahan ng laman mula sa murang katawan ng mga Pilipinang biktima ng kahirapan.
“This is very sad. But a seasonal prostitution is common among those who want to finish schooling but can't due to financial problems,” sabi ni Ilagan.
Nanawagan naman si Cotabato Rep. Emmylou Taliño-Mendoza sa Judiciary na lakihan ang multa ng mga “convicted sex offenders” partikular na ang mga “child rapists”, bilang kabayaran sa kahalayan na ginawa sa biktima.
Paliwanag ni Taliño-Mendoza na ang isang biktima ng panggagahasa ay "psychologically battered, thereby lessening considerably her chances of living a full and normal life."
"In a way, a child loses a big part of her life even if she physically survives a rape, and for this, she deserves greater restitution," dagdag pa ni Taliño-Mendoza.
Sa kasalukuyan nakakatanggap lamang ng P150,000 ang isang biktima kabilang na dito ang P75,000 sa civil indemnity, P50,000 sa moral damage at P25,000 at exemplary damages.
"The sum is simply insufficient," ani Taliño-Mendoza.
|
| |
|