Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Bangayan sa senado lumalala
 
LUMALALA na ang bangayan sa Senado, dahil dito mauunahan  ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang
Senado sa survey, kung   ngayon gagawin ang pagsusuri sa dalawang Kapulungan batay sa kanilang
trabaho bago mag-adjourn.


Ipinagmalaki nina Nueva Ecija Rep.  Edno Joson at Romblon Rep.  Eleandro Jesus Madrona  na
masmaraming trabaho umano ginawa ang Kongreso, kumpara sa mga Senador na nagbabagayan.


Giniit pa ng dalawa na lulubog ang  performance rating ng  Senado,  dahil na rin sa umano'y pamumulitika
gamit ang isyu ng C5 road project ni Sen.  Manny Villar na pinaniniwalaan na may koneksyon sa darating na
2010 Presidential election.



“Mas maraming nagagawa ang mga kongresista ngayon kumpara sa mga nag-aaway na mga senador.  
Hindi talaga maganda ang nangyayri doon, sobrang politika,” ani Joson, na isang abogado at independent
lawmaker.


Sang-ayon naman si Madrona na sa pamumuno ni  Speaker Prospero “Boy” Nograles Jr. na ungasan na nila
ang performace ng Senado na pinamumunuan ni Senate President Juan Ponce Enrile na mula  pro-
administration bloc.


“Madalas na mas lamang sila sa ratings, pero sa dami ng aming ipinasang panukalang batas at patuloy
silang nagkakagulo na alam naman nating konektado sa halalan, tiyak na mas mataas ang rating ng House
in terms of performance,” sabi ni  Madrona.


Naniniwala si Joson na walang merito ang pagdinig ngayon ng Committee of the whole ng Senado, dahil
malinaw umano na nais lamang gamitin si Villar ng mga presidentiables at ng mga Senador na may
sinusuportahang kandidato sa Pagkapangulo para sa libreng publisidad.


“Malinaw naman na siraan ang nangyayari sa Senado.  They are trying to undermine’s Sen.  Villar’s
presidential bid.  Murang-mura nga naman kasi libre ang publicity.  Walang merit na pinag-uusapan doon,
klaro na gusto nilang sirain ang isang kandidato (Villar),” ani Joson.



Nanawagan naman si Madrona  sa mga Senador na imbes na gamitin ang nalalabing "session day" ng
Senado sa pamumulitika, mainan umano na gugulin na lamang ang oras sa pagpasa ng mga
mahahalagang panukala na hanggang sa kasalukyan inaamag pa rin sa mga komite.


“Masyadong magulo ngayon sa Senate, gawin na lang nila ang kanilang trabaho.  Hindi na maganda kapag
sobra ang politika,” ani  Madrona
 
Melo pinagdedesisyon na kung automated o manual eleksyon
 
PINAGDEDESISYON ng  isang Independent Congressman si Commission on Elections (Comelec) chairman
Jose Melo, kung tutuloy ba o hindi ang bansa sa isang automated eleksyon, o ibabalik na lang sa poll-fraud
manual system ang nalalapit na pangpanguluhang halalan.


Hinamon nina Nueva Ecija Rep.  Edno Joson at Romblon Rep.  Eleandro Jesus Madrona si  Melo, bilang
lider ng  Comelec na gumawa na ng isang pinal na desisyon kung ipagpapaliban ang nakatakdang poll
automated election.


Para kay Joson na isang abogado at independent, na ang pahayag ni Melo ay lalo lamang nagpataas ng  
pagdududa kung matutuloy ba ang eleksyon o mauuwi lamang sa failure of election.


“Why is it all of a sudden they are issuing such statement after claming before that the Comelec is very much
capable of handling the first nationwide modernized elections?” ani Joson.


“It is only proper for chairman Melo to make a decision now, are we going for full automation or hybrid or
manual? It only adds to political uncertainties,” dagdag pa ni Joson.


Matapos na  magpalabas ng pananaw ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hinggil
sa  automated elections na apat na buwan na lamang ang nalalabi bago sumapit ang  Mayo 10 eleksyon,
sinabi Melo na isang  worst case scenario kung mauwi ang halalan  sa mano-manong botohan.


Umapila naman si Madrona sa Comelec na tiyakin na magiging tapat at mapayapa ang eleksyon, sa
pamamagitan ng tamang sistema sa paghahalal ng bagong lider ng bansa.


“We appeal to Comelec to be firm.  Are they ready for a fully automated election?  If not, then let’s start to
prepare for the back up plans,” ani Madrona.



Matatandaan na ilang ulit ng na-delay ang paghahanda sa Mayo 10 eleksyon, hindi rin nasunod ang orihinal
na takdang panahon ng Comelec sa kanilang paghahanda sa halalan.


Magugunita na nangako ang  supplier ng Poll machine na  Smartmatic-TIM magde-deliver sila ng  42,200
PCOS units bago matapos ang  Nobiyembre pero nausog ito ng Disyembre pero tanging  7,200 unit lamang
ang kanilang naipadala gawa umano ng magastos na byahe at problema sa trapiko gawa ng holiday season.
 
Senado unahin ang pagpasa ng early voting keysa ang mamulitika -solon
 
NANAWAGAN kahapon ang isang Militanteng Kongresista sa mga Senador na bigyan daan ang pagpasa ng
“early voting” para sa mga mamahayag, matapos na makalusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang
Kapulungan ng Kongreso gabi ng Martes.



Sinabi pa ni Anakpawis Rep.Joel Maglunsod, na dapat hindi mapako ang mga Senador at masayang ang
nalalabing araw ng sesyon, dahil laman sa bangayan sa pulitika, bagkus gamitin ang nalalabing araw sa
maskapakipakinabangan bagay gaya na ng pagpasa ng pagbibigay pagkakataon sa mga media na
makaboto ng maaga.



Para kay Maglunsod, malaking tulong sa mga mamahayag ang nasabing panukala, lalo na't sa mga
madedestinong media na malayo sa kanilang presinto pagdating ng eleksyon.



“dapat ihabol nila yon dahil malaking tulong yon sa mga kasama nating media, dapat hindi itali ng mga
Senators natin interes ng bayan dahil a bangayang politikal,” ani Maglunsod sa pamamagitan ng telepono.



Pinaalala naman ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara na tungkulin ng Kongreso at Senado na unahin ang
trabaho at iwaksi ang mga personal na bagay lalo na 't kakauting panahon na lamang at magbabakasyon na
ang dalawang kapulungan.



“ang lahat ng miyembro ng lehislatura maging senador o kongresista ay tungkulin namin i-una ang trabaho
at wag payagan na ang personal na bagay ay ang umiral lang, lalo na rito sa huling mga araw ng session,”
ani Angara.




Nanawagan naman ang partylist group Alyansa ng Media at Showbiz, Inc. (AMS) sa Commission on Elections
(Comelec) na payagang makaboto ang mga kasapi ng media bago sumapit ang halalan sa Mayo kahit na
sila ay malayo sa lugar kung saan sila ay rehistrado.



Sinabi ni Rolando “Lakay” Gonzalo, presidente at unang nominado ng AMS, na maya kapangyarihan ang
Comelec na magapruba ng resolusyon para ituring na absentee voters ang mga media practitioners nang
sila ay makaboto kahit na isang linggo bago ang aktuwal na botohan.



“Ang mga reporter, correspondent, mga cameraman, photographers at iba pang maaring ma-assign na mag-
cover sa eleksiyon na malayo sa kanilang lugar ay hinihling naming makaboto sana. Maari namang bumoto
sila sa mga opisina ng Comelec na malapit sa kanila. Problema ng media lagi ito. Karamihan hindi na
nakakaboto. Sana ay mapagbigyan ang aming kahilingan,” ani Gonzalo.




Pinasalamatan naman ng grupo si Makati City Rep. Teodoro Locsin Jr., na isang dating mamamahayag, na
nasa likod ng early voting, ganun paman nainiwala ang AMS nominee na malabo ng maisama pa sa
deliberasyon ng Senado ang panukala.




Batay sa bill ni Locsin, ang sinumang mediaman na malayo sa kanyang presintong pagbobotohan bago
dumating o sa araw mismo ng halalan ay maaring makaboto sa mga munisipyo o siyudad kung saan siya ay
naka-assign. Ang puno ng media office ay maaring magbigay ng listahan ng mga apektadong mediaman 30
araw bago mag eleksiyon.




“Kung maipasa nila, napakaganda niyan pa sa atin. Pero masyadong abala na ang mga senador at
congressman natin sa pagbabangayan at pangangampanya. Umaasa pa rin tayo na bibigyang pansin ang
Locsin bill. Pero kung hindi ito mangyayari, sana Comelec na mismo ang gumalaw at magapruba ng mga
regulasyon para sa advance voting ng media. Puwede nilang bigyan ng absentee voter status ang mga
kasamahannatin,” dagdag pa ni Gonzalo.
 
Enrile kaduda-duda ang kredibilidad -solon
 
DUDA ang isang Militanteng Kongresista sa binulgar ni Senate President Juan Ponce Enrile, maging sa
kredibilidad umano nito na tinangka umano siyang suhulan ni Nationalista Party (NP) presidential aspirant
Senador Manny Villar kapalit ng isang desisyon na papabor sa kapwa senador hinggil sa imbestigasyon ng
C5 road controversy.




Malaki ang paniniwala ni Bayan Muna party-list Rep. Teodoro “Teddy” Casiño, na gawa-gawa lamang ni
Enrile ang nasabing isyu, pagpapaalala niya “You should remember that Enrile fake his own ambush to
justify Martial Law. So that should speak his crediblity in telling the truth.”




Nilinaw din ni Casino na hindi kabilang sa committee report ang alegasyon ni Enrile sa pagtangkang
panunuhul umano sa kanya ni villar.



“Ang masama kasi diyan nama-muddle ang isyu dahil sa kanilang siraan at nakakalungkot na umabot na sa
batuhan ng putik. They should stick with the isyu,” sabi pa ng kongresista.




Pinagtanggol pa ni Casiño si Villar na hindi umano na mahalaga ang pagdalo ng Senador ang mahalaga
umano ang mapatunayan kung talagang nagkaroon ng double insertion, illigal alignment, o nagkaroon ba ng
overprice sa naturang kotnrobersiyal na proyekto.



“Hindi issue diyan kung hindi personal na a-aatend si Villar sa sessiopn, hindi rin issue diyan ang bribery
dahil hindi naman iyan na-raise sa umpisang ng hearing,” sabi pang Kongresista.




Pinagtataka pa ng Kongresista kung bakit hindi sinama ni Enrile ang kanyang alegasyon sa ethics case o sa
committee report.



“Para kasing pinasok lang, nagalit siya dahil gusto siyang ipatanggal kaya bumira din siya,” ani Casiño.


Ganito rin ang paniniwala ni Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, na paniniwalaan sana ang
alegasyon ni Enrile kung noon pa niya ito sinabi.


“Kung sana nasabi nya yan earlier rather than later, mas malakas sana ang evidence,” dagdag pa ni
Colmenares.


Ang unang nominado ng Bayan Muna na si Cong. Satur Ocampo ay tumaktakbo sa ilalim ng partido ni Sen.
Villar bilang Senador.
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine