Smartmatic-tim, minungkahing huwag bayaran kapag hindi natuloy ang elesyon
|
| |
“DAPAT HINDI BAYARAN,” ito ang tahasang minungkahi ng isang militanteng Kongresista, na kung sakaling hindi matuloy ang kaunaunahang automated election, hindi dapat bayaran ng Gobyerno ang supplier ng poll- machine ang Smartmatic-TIM.
Apila ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod, bakit umano bayaran ang isang kumpanya na kabiguan lamang ang idinulot sa mga mamayan, na umaasa na magiging mabilis na ang proseso ng bilingan at maiiwasan ang malawakang dayaan gamit ang makabagong paraan ng halalan.
“dapat hindi bayaran dahil kinuha sila(smartmatic-tim) ng gobyerno para magkaroon ng automation,” ani Maglunsod
Bukod sa walang matatanggap na kabayaraan ang supplier ng peoples machines kung sakaling hindi matuloy ang automated election, pinagbabayad ni Maglunsod ang Smartmatic-TIM dahil sa hindi umano pagtupad sa kanilang obligasyon na nakasaad sa kontrata.
“dapat lang pagbayarin sila ng gobyerno dahil hindi nila ginagawa o tinupad ang obligasyon as provided in the contract,” sabi pa ng Kongresista.
Magugunita na nangako ang supplier ng Poll machine na Smartmatic-TIM magde-deliver sila ng 42,200 PCOS units bago matapos ang Nobiyembre pero nausog ito ng Disyembre at tanging 7,200 unit lamang ang kanilang naipadala, gawa umano ng magastos na byahe at problema sa trapiko gawa ng holiday season.
Ilang beses na rin napagpaliban ang mga paghahanda ng Commission on Election(comelec) sa darating na halalan, at pagsasanay sa makabagong paraan ng eleksyon, dahil na rin sa pag-antala ng pagdating ng PCOS.
Habang lalong lumala ang pangambang hindi matuloy ang automated eleksyon ng mismong si Comelec chairman Jose Melo ay nagpahiwatig na din ng pagdududa sa kalalabasan ng kaunaunahang makabagong halalan.
Kaugnay nito, minungkahi ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson na kung sakaling hindi makakarating ang lahat ng mga makina na gagamitin sa eleksyon, mainam umano na magkaroon na lamang ng “partial” o magtalaga na lamang ang comelec ng lugar na paglalagyan ng PCOS.
Tiniyak naman ng supplier ng PCOS na maididilever nila ang kabuoang bilang ng dami ng mga makina, bago sumapit ang nakatakdang araw ng botohan.
|
| |
Paggamit kay PGMA tigilan na ninyo -solon
|
| |
UMAPILA ngayon ang dalawang Kongresista sa mga kandidato sa pagkapangulo, na huwag ng gamitin pa ang Pangulong Arroyo bilang “punching bag,” para lamang makasungkit ng pogi points.
Giit pa nina House Deputy Speaker for Mindanao at Maguindanao Rep. Simeon Datumanong at Marikina City Rep. Marcelino Teodoro, na pagod na umano ang taumbayan sa sobrang pamumulitika ng mga kandidato.
Ang kinaiinis pa ni Datumanong, “They should contribute positively, hindi ‘yung bira ng bira,” na nagpapakita lamang umano na hindi maganda ang personal na galit para sa isang kandidato na tumatakbo sa mataas na posisyon.
Pero para kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares hindi gimik ang pagbanat kay pangulong Arroyo, bagkus isang tungkulin upang matiyak ang “transparency and accountability” sa pamahalaan. Panawagan pa niya sa publiko, “should always remain vigilant against controversies hounding the government and support all efforts to prosecute government officials after June 30.”
Minungkahi naman ni Teodoro sa mga kandidato na imbes na gamitin sa kanilang gimik ang pagbatikos sa kasalukuyang pamahalaan, mainam umano na magpakita na lamang ng kanilang plataporma.
Sinabi pa ng Kongresista na hindi umano dapat gamitin ng mga kandidato ang pamamaraang manira ng isang imahe para lamang maipilit ang kanilang pangpolitikang interes. Bagkus ipakita umano ang kanilang sarili na isang mabuting lingkod ng bayan, at ipaliwanag ang kanilang layunin para sa bansa kung sakaling sila ang palaring susunod na Pangulo.
“Those who push for moral ascendancy in politics must practice what they preach and not guise their self- serving interests as their way to serve the Filipinos,” dagdag pa nito.
Nauna nang nagbigay ng payo si Speaker Prospero “Boy” Nograles Jr. sa mga presidential candidate, tulad nina Senator Noynoy Aquino, Manny Villar, Richard Gordon at Jamby Madrigal maging kay Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva na “if they have a case to file this can be done at the proper forum and not in a presidential debate.”
|
| |
20% sa senior ciizens dapat ng pirmahan ng pangulo - solon
|
| |
NAGBANTA ang isang militanteng Kongresista kay Pangulong Gloria Arroyo, ikakapanya nila ang pangulo sa kanyang distrito upang hindi iboto bilang kongresista ng Pampanga, kapag hindi umano nito nilagdaan ang naipasang batas na nag-e-exempt sa senior citizens sa 12 % value added tax (VAT).
Nanawagan din si Anakpawis party-list Rep. Joel Maglunsod,sa mga nakakatanda ng ikalawang distrito ng Pampanga na huwag iboto ang pangulo na tatakbo sa sa darating na halalan, kapag hindi naaprubahan ang paglibre sa kanila sa VAT.
“Hindi siya dapat magdalawang isip na lagdaan iyon dahil sa kabutihin din iyon ng kanyang mga kababayang matatanda. Kung magmamatigas siya, mananawagan tayo sa mga cabalen niya na huwag siyang iboto sa Mayo,” ani Maglunsod.
Naniniwala pa ang militanteng Kongresista na hindi umano kawalan sa kita sa buwis ang 20 porsiyentong diskuwento ng mga nakakantanda sa mga prudukto, gamot at serbisyo na kanilang tinatangkilik.
“Barya lang naman iyan, hindi kawalan sa gobyerno,” saad pa nito.
Pinayuhan pa ng Kongresista ang pamahalaan na kung gusto umano ng pamahalaan na mapalaki ang kita sa buwis, pagtuunan umano nila ng pansin ang paghabol sa mga malalaking kumpanya sa bansa na numero umanong mandaraya sa buwis.
“Marami naming diyan mga multinational companies na hindi nagbabayad ng tamos, bakit hindi iyon ang habulin nila,” sabi pa ni Maglunsod.
Minungkahi rin ni Bukidnon Rep. Teofisto Guingona III sa Pangulong Arroyo na pirmahan na ang nasabing naaprubahang panukalang batas, bilang “pre Valentines gift” na rin umano para sa mga nakakatanda.
“This tax break will surely go a long way in helping the elderly, and primary consideration for the welfare of our senior citizens should always be a given. Providing them with this tax relief other benefits for the elderly should be a matter of national policy,” pagpapaliwanag pa ng Kongresista.
|
| |
|