Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Dolphy malaking tulong sa pag-angat sa survey ni villar
 
AMINADO ang tagapagsalita ng Nationalista Party(NP) na malaking tulong sa pag-angat sa survey ng
kanilang standard bearer na si Sen. Manny Villar, ang pag-indorso ng hari komedya ng pelikulang Pilipino na
si Rodolfo “Dolphy” Quizon.



Maliban sa kay Dolphy, nakatulong din aniya ang patok na political jingle ni Villar at ang pagpapakita ng mga
pangarap ng Senador kung sakaling maging pangulo ito ng bansa.



“Kasama na iyan sa buong communications strategy naming. Yung kanta, kaniyang vision at endorsement ni
dolphy,”  ani dating Cavite Rep. Gilbert Remulla, spokesman at tumatakbo bilang Senador sa ilalim ng NP.



Sa bagong survey na pinalabas ng Social Weather Stations(SWS),  nangunguna pa rin si Liberal Party (LP)
standard bearer Sen. Benigno “Noynoy” Aquino II na may 42 porsiyento, pero bumaba ito ng dalawang
porsiyento kumpara ng nakaraang December Survey na may 44%,  habang pumapangalawa pa rin sa kanya
si Sen. Villar na may 35 porsiyento at pitong puntos na lamang ang nalalabi upang mapantayan na nito ang
nag-iisang binatang tumatakbo sa pagkapangulo.



“Ang resulta ng pinaka huling survey ay ang resultang inaasahan naman base sa “trending” na nakita naming
sa nakaraang 5 buwan,” dagdag pa ni Remulla.





Inaasahan din ng NP na lubos na mauungasan na nila si Aquino sa mga susunod na Survey na lalabas,
“Dahil dito inaasahan din naming na magkaroon ng patas na numero sa susunod na survey sa katapusan
ng pebrero.”



Dahil sa patuloy na pag-angat sa survey ni villar, inaasahan na ng NP na dagdagsain na naman ng panibago
paninira ang kanilang pambato, pero positibo pa rin ang kanilang inaasang resulta sa survey dahil, “ nakikita
din naming na naniniwala na ang mga kababayan natin na ang mga paratang laban kay villar ay pulitika
lamang at walang katotohanan.”



Naniniwala naman si Agusan del Sur Rep. Rodolfo “Ompong” Plaza, tumatakbo bilang Senador sa ilalim ng
Puwersa ng Masa ni dating Pangulong Joseph Estrada na masyado pangmaaga upang mahulaan kung sino
ang mananalo sa darating na eleksyon.



“maaga pa,  masyadong malikot ang pangyayari. Anytime puwedeng magbago ihip nang hangin,”  sabi ni
Plaza.



Si Estrada ay pumangatlo sa SWS survey na may 13 posiyento, habang apat na porsiyento naman si Lakas-
Kampi-CMD standard bearer Gilbert “gibo” Teodoro.
 
Field trip sa school dapat may guidelines - solon
 
NANAWAGAN ang isang militanteng Kongresita sa Department of Education (DepEd) at sa Commission on
Higher Education (CHED) na magpalabas ng guidelines,  upang maiwasan ang sobrang mahal na field trip
ng mga estudyante.



Minungkahi rin ni Kabataan party-list Rep. Raymond “mong” Palatino na gawin boluntaryo na lamang ang
pagsama sa field trip, at hindi umano dapat ito makaapekto sa grado ng mga estudyante kung sakaling
tumangging sumama ang isang mag-aaral.



Pinaiimbestigahan din ni Palatino ang umano’y sobrang mahal na educational field trip ng mga architectural
students ng University of Sto. Tomas(UST) na obligadong magbayad ng P15, 000 upang makasama sa
Macau.



Maliban sa UST,  nagreklamo din umano ang mga magulang na may anak na nag-aaral sa Eulogio "Amang"
Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST)na inobliga din na sumama sa Eco-Camp pero hindi
nila kaya ang halaga.



Dahil sa mga reklamo na ito, naghain kahapon si Palatino House Resolution No. 1577 direktang humihiling
sa House committees on basic education at higher and  technical education na gisahin ang mga opisyales
ng ched at deped.


“CHED and DepEd should immediately order an investigation and put a stop to these illegal and unjust
impositions,” ani Palatino.



“Some schools apparently require students to join expensive and questionable recreational field trips that
have no merit or relevance whatsoever to their academic requirements,” dagdag pa niya.
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine