Kongresista nababahala sa kasasapitin ng automted election,sa pagpasok ng jamming devices
|
| |
NABABAHALA na ang mga Kongresista sa posibleng kakasapitin nang automated machine, sa pagpasok ng may limang libong cellphone jamming device sa bansa.
Nanawagan sina Aurora Rep. Juan Edgardo “sonny” Angara, Buhay Rep. Irwin Tieng at CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva na agad na gumawa ng paraan ang Commission on Election(comelec), upang maiwasan ang posibleng pagsabotahe sa makabagong halalan.
Minungkahi rin ni Angara na maliban sa jamming machine, dapat din umanong pag-aralan nang ahensya ang ibapang pamamaraan at kagamitan na puwedeng makasabotahe sa automated eleksyon, at makakatulong naman upang maging matagumpay ang halalan gamit ang makabangong pamamaraan ng pagboto.
“dapat pag-aralan din habang maaga pa ang iba pang makabagong teknolohiya na maaring gamitin o makatulong sa automated elections,” ani Angara sa pamamagitan ng telepono.
Nagtataka naman si Tieng, bakit hinayaan na makapasok ng bansa ang may limang libong jamming machines, na isa sa malaking balakid ngayon sa maayos na proseso ng automated election.
“kung alam nila pala na may pumasok eh dapat sana hinuli na nila,” dagdag pa ni Tieng, “talagang dapat mabahala di lang ang comelec pati dapat ang taong bayan dahil baka masayang ang ginastos natin sa automation kung hindi din magagamit.”
Nanawagan naman si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo sa Bureau of Custom(BOC) na higpitan ang pagpasok ng mga jamming device sa bansa, “Even now as we speak, hundreds of units could have already entered the country either through legal means or via smuggling."
Sinabi pa ni Ocampo na ang cellpone jamming devices na umano ang pinakamurang paraan para magulo ang eleksyon, hanggang mauwi sa pagpapaliban ng halalan.
Giniit pa ni Ocampo, na maging sa online maari umanong bilhin ang jamming devices sa halagang $79, habang $219 naman kung sa professional ka bibili.
“If the modus operandi is to completely disrupt the polls to justify the declaration of a failure of elections, all that's needed is P18-P50 million for 5,000 units," sabi pa ni Ocampo.
"Who has this kind of money at easy disposal? We are wont to remember the 2004 presidential elections when the administration spent billions to manipulate the election results. The lessons of the Hello, Garci scandal is not lost on us, only this time, there's more technology involved," dagdag pa ni Ocampo.
Lilinawin naman ni Villanueva sa Comelec sa gagawing pagdinig bukas ng Oversight committee kung malaking banta sa demokratikong eleksyon ang jamming device sa kaunaunahang makabagong botohan.
“I will ask comelec 2 things- one, was it the jammers can threaten democratic elections for first-timers in automation like the Philippines and two, does Comelec think jammers can sabotage our elections and what 3 thins they can do to prevent such from happening. Their job!” sabi ni Villanueva.
|
| |
Automated election, pinagpapaliban
|
| |
GIGISAHIN ngayon sa muling pagdinig ng Oversight Committee ang Commission on Election(comelec), dahil sa umano’y malaking posibilidad na mauwi sa wala ang lahat ng paghahanda para sa parating na halalan.
Ayon kay Anakpawis Rep. Joel Maglunsod, malaki na ang kanilang duda na mauuwi lamang sa “failure of election,” kung ipipilit ng comelec ang halalan, gamit ang makabagong pamamaraan.
Upang hindi mauwi sa kabiguan ang lahat, imumungkahi ni Maglunsod sa gagawing pagdinig na ipagpaliban na lamang ang automated na eleksyon, bagkus ibalik ang nakasanayang pamamaraan ng pagboto, matiyak lamang na matutuloy ang pagpili ng bagong susunod na mumuno sa bansa.
“talagang medyo, malakas ang kutob natin na magkakaroon ng failure of election, dapat sabihin na kung hindi kaya ang automated election,” paliwanag pa ng Kongresista na ang ibang bansa na may automated election ay gumugol umano ng mahabang panahon bago nila ma-eksakto ang paggamit ng mga makina.
“nag-aalala tayo sa mangyayari, kasi 30% na paglalayag ng mga makina walang signal, yung sistema ng seguridad sa eleksyon, pagpasok ng mga jamming device sa bansa, at ngayon pagkakadelay ng pag- imprenta ng mga balota,” ani Maglunsod sa pamamagitan ng telepono.
Matatandaan na unang tinakda ang pag-imprinta ng nakalipas na Enero ng 25, at inuusog ng 31 ng kaparehong buwan, hanggang sa maitakda muli ngayong ang pag pag-imprinta ng mga balota ng comelec sa darating na Pebrero 7.
Habang nakatakda naman baguhin ng Comelec ang disenyo ng balota, upang mapaliit ang talo piyeng haba ng papel na pagbobotohan.
|
| |
|