Right of reply bill hindi na matatalakay pa -Nograles
|
| |
PANALONG maituturin para sa mga kagawad ng media ang katiyakan na hindi na matatalakay pa sa ika-14 na Kongreso ang right of reply bill, kasabay ng reproductive health, sa ngayon.
Sinabi ni House Speaker Prospero “Boy” Nograles Jr. napagkasunduan nila na hindi na tatalakayin pa ang mga makontrebersyal na panukalang batas, dahil na rin sa kawalan ng panahon at ang katamaran ng mga Kongresista na dumalo ng sesyon na nagreresulta ng kawalan ng quorum.
“The right of reply bill will not be discussed anymore. We don’t have enough time to discuss and deliberate on controversial matters,” unang na rin inamin ni Nograles na ililibing na lamang ang reproductive health bill sa Kongreso.
Matatandaan na sakabila ng matinding pagliligaw ng mga iba’t ibang organisasyon ng Media na tumututol sa right of reply bill, umusad pa rin ang nasabing usapin hanggang makarating ang talakayan sa plenaryo.
Giniit naman ni Zamboanga del Sur Rep. Antonio Cerilles na hindi na pag-aaksayan pa ng mga Kongresista na itulak pa ang right of reply bill, sa pangambang bigyan sila ng espasyo sa pahayagan ng mga editor at maging ng mga mambabasa.
“Confiscatory because the space is going to be forcibly taken from the newspaper,” ani Cerilles na una ng nakipagdebate sa plenary kay Bacolod City Rep. Monico Puentevella, punong may akda ng nasabing panukalang batas.
Dahil sa matinding debate, binura ang pinakahuling bersyon ng House Bill (HB) No. 3306 o ang RoRB na naglalayong ipakulong “media outfits” na tatanggi na ilabas sa pahayag, o i-ere sa radyo ang kanilang tugon sa pagbatikos sa kanila, kung sila ay pinangalanan o tinukoy.
Maliban sa kulong pinagbabayad din ng P10, 000 sa unang paglabag, P20, 000 sa pangalawang paglabag at P30,000 sa ikatlong paglabag ang mga editor-in-chief, publisher ng dyaryo, station manager at nagmamay- ari ng himpilan ng radyo maging ng telebisyon kung “fails or refuses to receive.”
Batay pa rin sa panukala, na kasamang binasurang bersyon ang pagbabayad ng P200,000 at pagkakakulong ng na hindi lalagpas ng 30 araw at bantang pagsasara sa mga himpilan ng radyo, telebisyon o pahayagan kapag lumabag ka sa ikalimang pagkakataon.
Na una ng pinanukala ni Puentevella na pagbayarin ng P100,000 at suspendihin ang prangkisa sa pag- broadcast o pag-imprinta ng dyaryo para sa may limang paglabag at paulit-ulit na paglabag.
|
| |
Senado naging busy sa pamumulitika, kopya ng Expanded Senior Citizen Act of 2009 nalimutan
|
| |
DAHIL sa matinding bangayan at pamumulitika ng mga Senador sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso, gamit ang proyekto ni Nationalista Party(NP) Standard bearer Sen. Manny Villar ang C5 road project, tila nalimutan nila ang pag-imprinta ng kopya ng panukalang batas na magbibigay luwag sa mga nakakatanda ng lipunan.
Tinukoy kasi ni Speaker Prospero “Boy” Nograles Jr. ang Senado na sanhi ng pagkaka-delay ang pagpirma ng Pangulong Gloria Arroyo sa bill na magbibigay-exemption sa mga Senior Citizen mula sa 12-percent expanded value-added tax (VAT), dahil sa ngayon hindi pa rin umano na iimprinta ang kopya ng Panukala.
Paliwanag ni Nograles na nagbolentaryo umano ang Kongreso na sila ang mag-imprita ng kopya, pero nagpumillit umano ang mga Senador na sila na ang magpapaimprinta para mapirmahan na ng Pangulo.
“We offered to print the copy for enrollment so that President Arroyo can sign it immediately. But they insisted on printing it,” ani Nograles.
Tiniyak naman ni Nograles sa mga nakakatanda ng lipunan na mapipirmahan ang panukala bilang “Valentine’s gift” umano ng Kongreso.
“Mas magandang Valentines day natin sa mga matatanda, procedural matter na lang iyan,” ani Nograles natinutukoy ang na aprubahan ng “Expanded Senior Citizen Act of 2009.”
Sa ilalim ng “enrollment process” ang pinal na kopya ng isang bill matapos na maimpritan ay pipirmahan ng Pangulo ng Senado at Speaker ng Kongreso at ng Senate at House of Representatives Secretary General bago dalhin kay Pangulong Arroyo para naman malagdaan upang tuluyan ng maging batas.
Batay sa panukala, magkakaroon ng 20 porsiyentong diskuwento sa medicine at essential medical supplies, accessories at equipment; fees sa mga physicians; medical, dental fees at diagnostic at laboratory fees; pamasahe sa bus at jeep, taxis, AUVs, shuttle services, public railways, domestic air transport at iba pang sasakyang pandagat.
Napapaloob din sa panukalang batas na bigyan ng diskuwento ang senior citizen sa mga hotel, restaurant at iba pang establisyimento. Bayad sa sinehan, sa mga teatro at maging sa mga amusement; kabilang din ang funeral at burial services para sa mga namatay na senior citizen.
|
| |
|