Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
El Nino sa Pilipinas, na nanalansa na
 
NANAWAGAN ngayon ang isang magsasakang Kongresista na magpalabas ng P7.8 bilyon ang
pamahalaan, upang matulungan ang mga magsasakang na lubos na maapektuhan ng El Nino.



Paliwanag ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod na napakahalaga na magpalabas ng pondo ang
pamahalaan,  upang maging kaagapay ng mga magsasaka, at upang mapaghandaan na rin umano ang
posibleng kakulungan sa produktong pang-agraryo kapag tuluyan ng manalansa ang el nino sa bansa.



“Kailangan talaga masubsidize ang mga magsasaka natin lalo na may el nino ngayon, posible mga P7.8
bilyon ito ang damage estimate panahon ng bagyong ondoy at pepeng,” ani Maglunsod.



Pero para kay Nueva Ecija Rep. Edno Joson, kailangan umano na mapag-aralan mabuti kung saan gugulin
ang ilalabas na pondo ng pamahalaan, para sa mga magsasakang maapektuhan ng el nino.



“Timing ang mahalaga, kung para sa patubig either meron o walang 2nd crop irrigation ang affected farmers,
so huli na kung walang patubig,” sabi ng Kongresista.



Maari din umano na guguling ang halagang ilalaan ng pamahalaan para sa krudo ng mga electric powered
pumps,  upang manatiling may dumadaloy na tubig sa mga mga palayan, nang sa ganun hindi maapektuhan
ang mga aanihing palay o pananim.



“kung meron at kukulangin fuel subsidy o krudo na ibigay o kung electric powered pumps pambayad sa
kuryente sa marketing o price support naman sa harvest season na ang costing depende sa assessment
above,”  dagdag pa ng Kongresista.



Batay sa ulat tinatayang nasa P725 million halagang pananim ng palay at mais ang sa lambak Cagayan ang
nasira, sanhi ng sobrang tag-init dala ng El Niño phenomenon.

Habang sa Tuguegarao tinataya umano na nasa 77,548 na hektarya ng maisan at palayan ang hindi
pinaglagpas ng sobrang init ng panahon.

Nasa P43 milyon naman ang sinira ng tanim na palay at gulay ng el nino sa iba’t ibang panig ng Isabela.


Sa kasalukuyan,  upang maibsan ng bahagya ang sobrang tag-init walang humpay ang pamahalaan na mag-
cloud seeding upang pansamantalang umulan.
 
LP pinabulaanan na nasa panic mode sila
 
PINABULAANAN ng Liberal Party(LP) na nasa “panic mode” na umano sila, matapos na pumantay na sa
survey si Sen. Manny Villar ng Nacionalista Party(NP) sa kanilang pambato na si Sen. Benigno “noynoy”
Aquino III.



“We are not in panic mode!,” pagtanggi ni LP Spokesman at Quezon province Rep. Lorenzo Erin Tañada.



Bagkus naghahanda na umano ang kanilang partido sa panibagong taktika, upang bumulusok papaitas ang
survey ng Senador.



“No, we're not. We are presently preparing the political advertisements that are to come out in a few days,”
sabi ni  Tañada.



Maliban sa panibagong strategy campaign magdadagdag pa umano sila ng “frequency” ng lalabasan ng
kanilang political advertisements, kapag nagsimula na ang pormal na kapanya sa susunod na linggo.



“The LP and the Noynoy-Mar team are ready to hit the campaign trail and next week to galvanize and energize
the volunteers throughout the country and bring their message that “Kapag walang corrupt, walang mahirap!,”
dugtong pa ng tagapagsalita ng LP.



Pero para kay San Juan Rep. Ronaldo Zamora, nababahala na umano ang kampo ni Sen. Aquino sa patuloy
na pagtaas sa rating ng kanilang pambato na si Sen. Villar.



“But indeed, they are now panicking,” ani Zamora.



Mataandaan sa bagong pulse Asia survey, dalawang puntos na lamang ang lamang ni Aquino kay Villar, pero
kung susumahin umano halos pantay na ang dalawa. Si Aquino ay nakakuha ng 37 porsiyento na pagpabor
sa kanyang kandidatura, samantalang 35 porsiyento naman ang kay Villar na nagnanais siyang maging
pangulo.
 
Susuportahan naman si Gibo - Aquino
 
MARIING itinanggi ng mga Kongresista na mula sa administrasyon, na bibitbitin nila si Nacionalista Party
presidential candidate Sen. Manny Villar sa May 2010 elections.




Tiniyak  nina Agusan del Norte Rep. Jose Aquino at Camiguin Rep. Pedro Romualdo na si dating Defense
Secretary Gilbert Teodoro ang kanilang sususportahan, at maling-mali umano ang ibinulgar ni Liberal Party
standard bearer Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III na babaligtad sila kay Teodoro para suportahan si  Villar.




“It is nothing but rumor mongering and political maneuvering,” tugon Rep. Aquino sa paratang ni  Sen. Aquino.
“Gibo Teodoro is the candidate of Lakas-KAMPI-CMD and the party is working very hard to
guarantee our bet’s victory.”



Sinabi pa ni Aquino na isa umanong “cheapest political gimmick” sa ngayon ang ginawa ni Sen. Aquino, at
nanatili umano na  matibay ang mahigit isang daang kongresista na sumusuporta kay Teodoro na pawang
mga miyembro ng  Lakas-Kampi-CMD.


pinayuhan pa ni Aquino na huwag magturo ang Senador kung bakit bumabagsak ang kanyang rating,  
bagkus dapat umano niyang sisihin ang nauubos niyang karisma sa taumbayan.



Malaki naman ang tiwala ni Romualdo na kakain ng alikabok si Aquino kung maghaharap sila ng kanyang
pinsan na si Teodoro sa isang debate.



“Gibo is proving to be the best presidential candidate there is and the people will see that, especially come
election time,” ani  Romualdo.


Hindi rin naniniwala si businessman Joey de Venecia III, tumatakbong Senador sa ilalim ng partido ni dating
pangulong  Joseph Estrada na  iiwan ng administrasyon si Teodoro upang lumipat kay Villar.


“He (Teodoro) is the standard-bearer of Lakas-Kampi-CMD, Gibo is the standard-bearer of the President.  I
don’t have any basis for that (Villar’s unholy alliance with Malacañang) or heard any conversation about it,” ani
de Venecia III sa mga mamahayag na dumalo sa Usaping Balita News Forum sa Serye Restaurant sa
Quezon City Memorial Circle (QCMC).
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine