Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Sino ba ang iboboto mo? (unang bahagi)
 
“Sino ba ang iboboto mo?”  Ito ang madalas nating tanong na naririnig tuwing na lalapit o sa araw mismo
nang botohon, nagkakapalitan ng kuro-kuro sa mga lamesa ng inuman, o di kaya sa mga pagupitan upang
paghimay-himayin ang mga kaalaman hinggil sa napupusuang kandidato. Dahil sa ganitong aspeto nating
mga Pilipino, nagkakakaroon ng isang mahusay na kaisipan ang bawat isa na naipapasa sa umpukan ng
mga magkakapitbahay habang hinihimas ang manok, o humihigop ng mainit na kape, habang ang
hulumigmig ng umaga ay yumayakap pa sa bukangliwayliway,  almusal ang pagsusuri sa mga kandidato sa
kanyang kakayanan na mamuno sa bansa.



Bilang isa sa nanahan malapit sa mga kandidato nais kung ikuwento sa inyo ang aking napapagmasdan at
nakukuhang mga talino mula sa mga abang mamayan ng Perlas ng Silanganan. Sabi sa umpukan si Sen.
Benigno “Noynoy” Aquino III na umano ang pinakasikat na kandidato na tumatakbong Pangulo, bakit nga
naman hindi magiging laman ng usapan sa tambayan, ang kanyang mga magulang ay nakaukit sa ating
kasaysayan, baka nga kahit sa pagpanaw ng Senador, hanggang sa huling lupa na tatabon sa kanyang
huling hantungan naalala pa rin ng mga Pilipino ang mga kadakilaan kanyang Ama na si bayaning Sen.
Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at Ina ng demokrasya na si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.



Maliban pa sa kanyang mga magulang bentahe din ni Noynoy ang kanyang bunsong kapatid na si Kris
Aquino, na masmakontrebersyal pa keysa sa daming panukalang batas na ginawa ng Senador ng ito ay
Kongresista pa. “Si Kris yun,”  sabi ni Ka Andoy sa umpukan habang nagbabalak na ilaban ang kanyang
patpating na panabong manok.



“malaki ang pinagkaiba, ni Kris at ni Noynoy, maging sa mga magulang niya, kung hindi Aquino si Noynoy
baka kahit na magsisigaw siya sa daan hindi siya papansinin, ano ba ang ginawa niya ng siya ay
Kongresista pa?” tanong ni Ka Andoy, “dapat nirespesto niya ang unang napag-usapan ng kanilang partido
na si (Sen.)Mar Roxas ang patatakbuhin,  matalo man o manatalo.”



Pag-aanalisa ng sabungerong pilit na si Ka Andoy,  pero hindi nagpadaig si Ka pule, habang nagkakape na
isang masugid na tagahanga ng mag-asawang si Ninoy at Cory at isa siya sa milyong Pilipino na nagtipon
sa Edsa upang patalsikin ang rehimeng Marcos,  ika niya, “saksi ako ng makipaglaban si Ninoy kay Marcos,
naroon ako sa edsa ng manawagan si Cory ng people power, kaya malaki tiwala ko na ipagpapatuloy ni
Noynoy ang sinimulan ng kanyang mga magulang.”



“masyado pang bata si Noynoy, sana pinaubaya na lang niya kay Mar(Roxas), aminin na niya, na natukso din
siya sa ibibigay na kayamanan at katanyagan ng pagiging pangulo,”  sagot naman ni Ka Andoy na hindi na
daw boboto sa pagkapangulo, dahil sa pag-atras ni Mr. Palengke na si Sen. Roxas.



Para naman kay Ka Pule, mainan na umano na piliin si Sen. Aquino kumpara sa kanyang mga katugali, sabi
niya “less evil.”



Sino ba talaga si Sen. Aquino?  Upang makatulong ang Pinoy Global Online News sa pinagtatalunan, sa
pangunguna ng patriyarkong si Nonoy Mendoza, naghanap kami ng kasagutan.



Kung dati-rati walang pumapansin sa  anak ng bayaning si Ninoy na si Sen. Benigno Simeon “Noynoy”
Cojuangco Aquino III, na sa loob ng 12 taon o tatlong termino ng kanyang panunukalan bilang mambabatas,
siyam lamang na panukalang batas ang naibahagi nito sa Kongreso, ni isa dito ay walang naisabatas.
nagbago ang takbo ng pulitika sa kanya ng pumanaw ang kanyang Ina na si Cory na pumalo pa sa 60
porsiyento ang survey ng umano’y nagnanais na siya ay maging pangulo.  Dumami ang pumansin at
nanawagan na tumakbo siya bilang Pangulo mula sa mga trapong(traditional politician)  talunan na mga
politiko at mga gabineteng nabigo sa pag-aaklas na nais makabalik sa puwesto. Kahit pa nauna ng
nainguso ng Liberal Party(LP) na si Sen. Roxas ang kanilang ilalaban sa pambato ng administrasyon at ng
kanilang kapwa oposisyon, tinalikuran si Aquino ang naunang napagkasunduan ng kanilang lapian, kapalit
ng pagtupad sa tila demonyong buyo mula sa mga nagsasabing sila ay nasapanig ng kabutihan at  
lumalaban sa kasamaan.



Madalas na isilip sa Senador ang pagsakay umano nito sa kataniyagan ng kanyang mga magulang, pero
para Senador hindi niya piniling maging Aquino o magkaroon ng mga tanyag na mga magulang at kapatid.
Pero kung paghihimayhiyin, tila hindi magkakaroon ng isang talumpati o komersyal sa telebisyon ang
Senador na  hindi niya mababanggit ang kanyang mga magulang.



Ginagamit din ng mga kritiko ni Aquino ang tila pagiging mama’s  boy umano nito, dahil sa edad na
limangpung taon, wala parin itong asawa o anak, at nanatiling nakatira sa tahanan ng kanyang Ina hanggang
sa mamatay si Ginang Aquino.



Isa pa sa mga binabatong isyu kay Sen. Aquino ang 7,500 hektaryang Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng
kanilang pamilya. Ang kanyang Ina si dating Pangulong Aquino ay binatikos din sa nasabing usapin. Nabigo
umano ang Pangulong Aquino na maipamahagi sa mga magsasaka ang lupain nararapat sa kanila. Ilang
beses narin naritipikahan na dapat ng ipamahagi sa magsasaka ang nasabing lupain, na  nauwi pa sa
pagproprotesta nang mga magsasaka noong 2004, na humangtong sa marahas at madugong pagpapaalis  
sa mga nagproprotestang magsasaka, na ikinamatay ng 14 nagwewelgang magsasaka, dalawang bata at
pagkasugat ng daang katao.


Iniuugnay din ang Senador sa umano’y maanomalyang Subic-Clark-Tarlac Expressway(SCTEX), batay sa
binulgar ni Cavite Rep. Crispin Remulla sa House oversight committee biniyaran umano ng pamahalaan ang
may  83.9 hektaryang lupain sa loob ng Hacienda Luisita na madadaanan ng  SCTEX, ganun may ibang ruta
naman umano ang masmainan na daanan.


Ang Hacienda Luisita ay pinatatakbo ng  Cojuangco family nang Tarlac, kung saan si Sen. Aquino ay
nabibilang.



Giniit pa ni Remulaa,  na binayaran lamang ng  P75 per square meter ang kalapit na lupain na apektado din
ng SCTEX, samantalang ang Hacienda Luisita ay binayaran umano ng  P100 per square meter, P83.9 milyon
para sa  83.9 hektarya.



Sinabi pa ni Remulla, dahil sa SCTEX nagkaroon umano ang pamahalaan ng karagdagan P32 bilyong
pagkakautang,  ang nasabing mga paratang ay una ng itinanggi ng kampo ng Aquino.(any comment email at
jongmanlapaz@gmail.com)
 
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine