Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Sen. Aquino walang pakinabang pagnaging pangulo
 
“WALANG PAKINABANG,” ito ang turing ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod kay Liberal Party(LP) standard
bearer Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, kung sakaling maging Pangulo ito ng Pilipinas.



Dahilan ni Maglunsod, magpapatuloy lamang umano ang kahirapan at kagutuman, maging ng mga
panunupil at kawalan ng hustiya kung isa pang-Aquino umano ang maupo sa palasyo ng malakanyang.



“Walang substansyal na pakinabang ang mamayan natin kay noynoy walang hustisya pa rin ang mga
manggagawa ntin sa hacienda luisita titindi pa rin ang kahirapan kagutuman at panunupil ng ating masang
anakpawis,” ani Maglunsod.



Tinawag pa ng militanteng Kongresista si Sen. Aquino na “Tuta pa rin ng imperyalistang dayuhan
panginoong maylupa at komprador si noynoy kaya hndi pa rin makamtan ang tunay na pagbabago at
demokrasya sa ating bayan.”



Ayon naman sa kalatas na pinalabas ng lapian ng Liberal, nakikipag-usap na umano si Aquino  sa kanyang
“extended family” na humanap ng paraan upang mailipat ang ari-arian ng Hacienda Luisita sa mga
benepisyaryong magsasaka.







“This should be done debt-free to allow the farmers to begin without any financial baggage,” ani Aquino sa
kalatas.





Nilinaw naman ni Aquino na karapatan ang kanyang pamilya na boluntaryong ibenta ang lupain batay na rin
sa ilalim ng CARPER,

“At P10 per square meter, which would be 4.5 billion pesos for 45,000 hectares. That will take care of our
debts. Wala nang maibabatikos sa aking issue. But if we do that, the 10,000 farmers will only get less than
one hectare and that will not be enough for a single individual, much less an entire family to live on,” the LP
bet explained.





Paniniyak pa ni Aquino na kakumbinsi na umaano siya ng  .996 na porsiyento ng  shareholders, kasama na
ang mga  farmer-beneficiaries, ganung .0004 porsiyento lamang ng Korporasyon ang kailangan.





“So doon sa transfer, ang gusto ng aming pamilya, huwag mailipat ang burden sa kanila. Huwag naman
gawing mission impossible ito para magkaroon sila ng magandang simula. ‘Yun lang po ang habol namin
doon,” sabi pa ni Aquino.
 
Sen. Aquino, nagpasaring sa unang araw ng eleksyon
 
NAGPASARING si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III sa mahigpit niyang katunggali sa pagkapangulo,
matapos na dumalo ng Misa sa Conception, Tarlac bago simulan ang unang araw ng kanilang kampanya.



Nagbabala si Aquino sa mga taong dumalo sa misa sa loob ng simbahan ng Immaculate Conception, na sa
pag-usad ng kampanya marami umano ang maglalabasan ng mga magagandang “packaging” ang kanyang
makakalaban sa pagkapangulo, pero kung susuriin umano ay wala naman umanong nilalaman.



“Sa mga darating na araw, lalo ninyong makikita, lalo na sa karamihan sa aking mga kalaban magaling ang
packaging. Ang problema nang binuksan ang ballot, wala palang laman,” ani Aquino.



Matatandaan na bukod tangi lamang si Sen. Manny Villar ay maituturing ngayong mahigpit na kalaban ni
Aquino,  matapos na halos tumabla ito sa mga survey.



Nangako din si Aquino sa mga taga-Tarlac na hindi nito sisirain ang magandang imahe na pinamana ng
kanyang mga magulang na sina bayaning Sen. Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino, “sa harap po
ninyo mga ginagagalang kong kababayan at Cabalen, dito po sa tahanan ng Diyos ako po ay nangangako sa
inyo na hindi ko po sisirain ang pagkakakilala ninyo at pagmamahal ninyo sa aking mga magulang.”



Nagbalik tanaw naman ang pambato ng Liberal Party(LP) na “Noong 1976 po, kasagsagan ng Martial Law,
dito po sa Concepcion, sa pangunguna ng butihing Mayor Feliciano, minabuti ng ating mga kababayan,
kinulong ang tatay ko, binigyan ng parangal maski na Martial Law, at yun po ang unang-unang pagkakataon
na ako’y nagsalita sa publiko.”
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine