Kabataang botante, hindi mahihikayat ng mga artista
|
| |
HINDI maiipluwensiyahan ang boto ng mga botanteng kabataan ng mga artistang nag-iindorso ng mga kandidato.
Para kay Kabataan Partylist Rep. Mong Palatino, hindi basta masusungkit ng mga artista ang mga boto ng mga kabataan pabor sa kanilang binibidang kandidato, kahit gamitin pa nila ang kanilang star power.
Katwiran ni Palatino, “youth vote is a thinking vote.”
Maspinaniniwalaan ng pinakabatang Kongresista ng ika-14 na Kongreso na boboto ang mga kabataan botante, sa pamamagitan ng kanilang konsensya at sariling pananaw.
“sa araw ng eleksyon, I believe that young people will vote according to their conscience,” ani Palatino.
Aminado naman si Palatino na malaking tulong sa isang campaign rally ang mga artista, nakukuha nitong aliwin ang mga nag-aabang na mga botante sa mga kandidato na maglalatag ng kanilang plataporma, “yes entertained sila ng mga artista,” pero “iba ang pamantayan sa pagpili ng mga iboboto.”
Ganun paman, hindi pabor si Palatino sa mungkahi ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na magbakasyon muna ang mga artista nag-iindorso ng mga kandidato sa kanilang television show.
“kabuhayan nila mag-artista, wag sila gipitin,” dagdag pa niya, paalalahanan na lamang ang mga artistang nag-iindorso ng mga Kandidato na “huwag mag-endorso sa kanilang mga shows. Huwag gamitin ang mga programa para mag-direct endorsement.”
Mapapansin na nagtatagisan sa dami ng artista na mag-iindorso sina SEn. Manny Villar at SEn. Noynoy Aquino na nangunguna sa mga survey. Habang sina Bro. Eddie Villanueva, dating Defense Sec. Gibo Teodoro at maging ang artistang si dating Pangulong Joseph Estrada ay hindi kumbinsido na gumamit ng artista sa kanilang kampanya.
|
| |
Ping duwag at takot kapag hindi lumabas bago bumaba sa puwesto si PGMA
|
| |
LALABAS na duwag o takot si Sen. Panfilo “Ping” Lacson, kung hihintayin pa nito na bumaba sa puwesto ang pinagtataguan niyang administrasyon bago lumantad at harapin ang kasong isinampa sa kanya sa Department of Justice(DOJ).
“lalabas na duwag o takusa siya pagganun,” tugon ni Independent Nueva Viscaya Rep.Edno Joson, sa katanungan na posible bang lumitiw si Lacson kung pormal ng bumaba sa puwesto ang Pangulong Gloria Arroyo sa darating na Hunyo 31.
Pero para kay Joson, posible umano na lumantad na si Lacson kapag nakakuha na ito ng ng Temporary Restraining Order(TRO) sa korte, o di kaya sa araw ng eleksyon para bumoto.
Maari din umano na magpakita rin si Lacson sa muling pagbubukas ng sesyon ng Senado.
“Posible pa rin sa eleksyon, babalik yun, at sa resumption ng session ng Congress o sa pinakahihintay niyang TRO sa Korte,” ang problema dagdag pa ni Joson, “ginagapang na ngayon ng DOJ ang korte at ng Malakanyang.”
Nauna ng minungkahi na isailalim si Lacson sa house arrest upang mapalabas lamang ito, pero mariin namang tinutulan ng mga Kongresista.
Para sa chairman ng House committee on revision of laws na si Isabela Rep. Giorgidi Aggabao na labag sa batas at hindi sinusuportahan ng Salinggang batas ang mungkahing sa bahay ikulong si Lacson.
“That can’t be. No law allows a murder suspect to be detained under House arrest. It is illegal and a violation of the equal protection clause of the Constitution,” ani Aggabao.
Tinuturin naman ni Quezon Rep. Lorezo “Erin” Tañada, spokesman ng Liberal Party (LP), na isang masamang ideya na isa ilalim sa house arrest si Lacson.
“I believe Sen. Lacson should not be placed under House arrest. If Sen. Lacson is placed under house arrest, the poor people will say that there are two standards of justice ---- one for the powerful and one for the weak,” ani Tañada.
|
| |
Kahirapan sa ARMM, epidemiya na
|
| |
BAGSAK sa Human Development Index (HDI) standards ng United Nations Development Program (UNDP) ang Autononimous Region for Muslim Mindanao(ARMM).
Sa pamamagitan ng HDI, masusukat hindi lamang ang revenue o kita ng isang bansa ang sinusukat. Kasama rin dito ang life expectancy, school enrolment, at literacy.
Matutulad na umano ang ARMM sa Mauritania, Nigeria, Ghana, Senegal, at Pakistan na isang epidemiya ang kahirapan. Na batay sa kalatas na pinalbas ng Liberal Party(LP) nakapagtala ang probinsiya ng 52.8% ang antas ng kahirapan sa rehiyon, na hamak na mas mataas kung ikukumpara sa antas ng kahirapan ng buong bansa na nasa 30% lamang.
Dahil sa nakakaalarmang kahirapan sa ARMM, nais papanagutin ni Liberal Party (LP) standard bearer Sen. Noynoy Aquino ang mga opisyales ng Autonomous Region for Muslim Mindanao(ARMM), dahil sa talamak na kahirapan sa nasasakupan probinsiya sa kabila ng bilyong pisong nilalaan na pondo ng pamahaalan.
Nais din ipasuri ni Aquino ang P9.44 bilyon na pondo ng ARMM noong nakaraang taon, na P6.17 bilyon ditto ang nagamit para sa personnel services, P2.09 para sa maintenance at operating expenses, at P1.18 bilyon naman ang para sa capital expenditures.
“Despite the infusion of billions of pesos in the ARMM, all the five provinces are in the bottom 10 of the Human Development Index (HDI). We need to know why the people have remained poor and the region largely undeveloped,” sabi ni Aquino.
Ang ganitong pangungurakot umano sa ARMM ang nagtutulak sa kanyang mga mamayan na umanib sa bandido at rebelde, upang mapunan lamang ang kumakalan na sikmura.
“We must find where the money went and if they were misappropriated, punish those who stole them. Sabi nga natin, kung walang korap, walang mahirap,” ani Aquino.
Matatandaan na pinamumunuan ng pamilya Ampatuan ang ARMM, kasama na ang maraming probinsiyang nasasakupan nito. Nakaraang taon din pinatay ang may 57 katao kabilang na ang 31 mamahayag sa Ampatuan, Maguindanao.
|
| |
Recto walang utang na loob
|
| |
“WALANG UTANG NA LOOB,” mistulang ganito ang naging paratang ni
Agusan del Norte Rep. Jose Aquino ll, tagapagsalita ng Lakas-Kampi sa tumatakbong Senador na si Ralph Recto, kaugnay sa pagbatikos sa dati niyang boss na si Pangulong Gloria Arroyo para lamang maisulong ang kanyang kandidatura.
Pinalalahanan pa ni Aquino si Recto na hindi dapat niya kalimutan na ang binabatikos niyang Pangulo ang siya ring tumulong sa kanya noong 2001 eleksyon, upang maluklok siya bilang Senador, “It’s really disgusting to hear him now hitting the very person who helped him win the senatorial election then and advance his political career.”
Maliban kay Recto, kinudina din ng mga maka-administrasyon na Kongresista si Makati Mayor Jejomar Binay sa pag-atake sa Pangulo gamit ang isyu ng paglaki ng pambansang pondo ngayon dahil sa “impounded pork”, na gagamitin naman umano ng pangulo para makabuo siya ng coalition sa Kamara, kung sakaling maging Kongresista na siya.
Pinayuhan naman ni Aquino sina Recto at Binay imbes na gamitin ang Pangulo sa kanilang agenda, pagtuuna na lamang nila ang kanilang pangangampanya at plataporama.
“It’s a desperate and wrong move to be exaggerating the budget issue and link it to President Arroyo’s congressional bid just to gain publicity,” sabi pa ni Aquino.
Nilinaw naman ni Rep. Pedro Romualdo (Lakas-Kampi-CMD, Camiguin) chairman ng House committee on good government and public accountability, at pinaliwanag na rin umano ni Budget Secretary Rolando Andaya, ang P64 bilyon na halaga na sinisilip nila Recto at Binay ay mananatili na lamang pondo bilang contingent fund na dapat pang hanapan ng Kongreso saan kukunin ito.
“We cannot force government to automatically implement projects under the contingent fund without the available funds, at the same time we cannot discard projects intended for this contingent funding because of their noble purpose to help the people,” ani Romualdo.
Ganun paman, sinabi pa ni Romualdo walang mali kung sakali mang gamitin ang nasabing halaga para sa isang napakahalagang proyekto, na magpapagaang sa pamumuhay ng mamayan at magpapaangat sa kasalukuyang antas ng ekonomiya.
“The projects will boost development in the different districts nationwide. Constituents of opposition, not just administration lawmakers, will benefit from these vital projects,” paliwanag pa nito.
|
|