Kongresistang Bisaya, umapila na kilalanin ng LCP ang bagong 16 na syudad
|
| |
UMAPILA kahapon ang isang Mambabatas mula sa Visaya sa League of Cities of the Philippines (LCP) na kilalanin ang naging desisyon ng Supreme Court (SC)na kinikilala ng Salinggang batas ang bagong 16 na syudad na pumasa noong 11th Congress. Para kay Cebu Rep. Eduardo Gullas na pakahalaga na maipasa na ng LCP ang desisyon ng SC, dahil labag umano sa 16 cityhood law, kung hindi papansinin ang naging pasya ng Korte Suprema.
“It is very important that the new laws should be implemented with dispatch because the Supreme Court has already spoken to it,” ani Gullas.
Pinaliwanag pa ni Gulas na kailangan na maipatupad na ang nasabing desisyon, upang hindi malagay sa alanganin ang pamumuhay ng mga residente sa kanilang bagong syudad.
“Any delay in the implementation of the decision would compromise the interest of the residents of the new cities,” sabi ni Gullas.
Sa pinakabagong desisyon ng Korte ng nakalipas na Disyembre 2009, inatasan nito ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng plebisito sa 16 na munisipalidad upang matiyak na pabor pa ang residente na gawin syudad ang kanilang pamayanan.
Pinagtibay ni Associate Justice Presbitero Velasco kautusan na sinusuportahan naman ng Republic Acts 9389, 9390, 9391, 9392, 9393, 9394, 9398, 9404, 9405, 9407, 9408, 9409, 9434, 9435, 9436, and 9491 o maskilala sa cityhood laws, habang hindi naman nilalabag ang Section 10, Article X o ang “equal protection” na nakasaad sa ilalim ng Section 1, Article III ng Kongtitusyon.
Nakasaan sa Section 10, “no province, city, municipality or barangay shall be created, divided, merged, abolished or its boundary substantially altered, except in accordance with the criteria established in the local government code and subject to approval by a majority of the votes cast in a plebiscite in the political units directly affected.”
|
| |
Pag-acting chief justice lang, hustisya sa bansa maantala - mendoza
|
| |
NABABAHALA ang isang dating Abogado ng nasipang Pangulong Joseph Estrada na mauwi sa pagkakaantala ang pangangawisa sa hustisya sa bansa, dahil sa kabiguan ng Pangulong Gloria Arroyo na makapagtalaga ng susunod na Chief Justice ng Supreme Court (SC) bago matapos ang kanyang termino.
Nagbabala pa si dating solicitor General Estilito Mendoza, dating abogado ni Estrada na magkakaroon umano ng “bankruptcy” ang mga korte ng Administrasyon. Dahil limitado lamang umano ang umiiral na ban sa kapangyarihan ng Pangulo na magtalaga ng opisyal bago magkaroon ng eleksyon.
“Kapag may katakot-takot na bakante sa husgado, it would result to the bankruptcy in the courts and delayed in the administration of justice,”ani Mendoza.
Inaalala pa ni Mendoza na sa kanyang karanasan, nauwi sa pag-kaantala ang pagngangasiwa ng hustisya sa bansa, dahil ang isang huwes ay humahawak ng maraming hukuman dala ng malaking kakulangan sa mga hukom.
Pinaliwanag pa ni Mendoza na sinasaad sa Salinggang batas, na kinakailangan na magkaroon ng ang Korte Suprema ng Chief Justice at ng 14 Associate justices.
“Sabi ng Constitution, express provision ito, the SC shall consists of Chief Justice and 14 Associate Justice, samakatuwid kung walang Chief Justice hindi kumpleto ang Supreme Court. The Constitution intended that the positions should not be left vacant for a minute also. That the President can appoint, so that the position will not be left vacant, just like the position of the President and Congress,” paglilinaw pa ni Mendoza .
Sinabi pa ni Mendoza na kahit kailan walang naging acting Chief Justice sa kasaysayan ng bansa, dahil lalabag lamang umano ito sa pagiging patas ng Hudikatura.
“Kailangan maintindihan, walang p’wedeng ma-appoint na acting judge, nakarinig na baka kayo ng acting judge sa judiciary? Walang acting justice because that will violate the requirement that the justice should be impartial and one cannot be partial if one only holds temporary or acting appointment,” dagdag pa ni Mendoza.
Nilinaw pa ni Mendoza na napakahalaga ng pemanenteng Chief Justice sa darating na elesyon, dahil siya ang mamumuno sa Presidential Electoral Tribunal (PET) o mangunguna sa sangay na hahawak sa mga problema ng pangpanguluhang halalan.
|
| |
Noynoy pikon, talo. Hindi dapat maging pangulo - maglunsod
|
| |
“HINDI puwedeng maging Pangulo ang isang pikon,” ito ang naging reaksyon ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod sa inaasal ngayon ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, standard bearer ng Liberal Party(LP) sa tila pagkapikon nito sa bumababa niyang survey.
Matapos na halos pumantay na ang manok ng Nationalista Party na si Sen. Manny Villar sa survey, hindi na naubos pa ang patutsada ng pambato ng LP sa kanyang matinding katunggali.
Una ng napansin ang pagiging-pikon ni Aquino ng sabihin nito na may nabibiling survey sa Quiapo, na inalmahan naman ng Social Weather Station(SWS) isang pribadong grupo na nagsasagawa ng survey, kung saan nangunguna ang Senador at humahabol naman si Villar.
Pero para kay Maglunsod, malinaw umano na nadala lamang ng buyo si Aquino kung bakit hanggang sa ngayon, walang malinaw na plataporma siyang sinusubo sa taumbayan, na dahilan naman umano ng pagbaba niya sa unang niyayabang ng LP sa pangunguna sa survey.
“Ang pagbaba ng rating ni Aquino sa survey, dahil walang malinaw na plataporma siya lalo na sa masang anakpawis kaya kung pikon siya mas dapat hindi siya iboto ng mga masa,” ani Maglunsod sa pamamagitan ng telepono.
Nababahala pa si Maglunsod, na kung si Aquino ang naupo bilang pangulo, titindi umano ang problema ng kahirapan sa bansa, lalo na’t madaling mapikon si Aquino na hindi marunong umanong makinig o kumunsulta sa iba’t ibang pananaw upang matimbang niya ang mga nangyayari.
“Maslalong titindi ang problema, dapat isang katangian na magaling na pangulo ay diplomatiko, kinikonsulta lahat ng mga sectors upang makuha, matimbang ang kapakanan ng mayorya kaya hind uubra ang pikon,” dagdag pa ni Maglunsod.
Matatandaan na sa unang araw ng kampanya ng Senador sa loob pa mismo ng Simbahan ng Immaculate Conception sa Tarlac, nagpakita ng pagkapikon si Aquino matapos na pasaringan nito si Villar na may magandang packaging, pero wala naman umanong laman.
Nang magtungo naman ang LP sa Iloilo, panibagong isyu naman nais palitawin ng lapian, may isa pa umanong proyekto si Villars sa probinsiya na matutulad umano sa makontrebersyal na C5 extension project.
Pero para sa NP, pahiwatig lamang umano na nababahala na si Aquino, maging ang pamunuan ng LP sa pagpatay sa survey ni villar kay Aquino.
|
| |
Separation ng simbahan at estado nais pa amiyendahan
|
| |
DAHIL hindi naman nasusunod, nais paamiyendahan ng isang independent congressman ang nakasaad sa Salinggang batas, na nagtatakda ng pagkakahiwalay ng Simbahan at Estado.
Ayon kay Nueva Ecija Rep. Edno Joson, na kung sakaling wala ng nagpipigil na makialam pa ang Simbahan sa Estado o ang Estado sa Simbahan, baka sakaling magkaroon ng isang moral leader ang bansa.
“Amendahan na yung constitutional provision on separation of church and state para leaders natin baka sakaling maging moral leaders na,” ani joson sa pamamagitan ng telepono.
Kapansin-pansin ang pagiging abala na ngayon ang mga kandidato sa pagkapangulo sa panliligaw sa mga lider ng simbahan sa bansa, si Sen. Manny Villar ng Nationalista Party(NP) ay nagtungo pa sa Hongkong, na nagbabakasakaling masungkit ang makapangyarihang pag-indorso ni Bro. Mike Velarde ng El Shaddai.
Habang ang grupo naman ni Pastor Quiboloy ang nililigaw ng pambato ng Lakas Kampi na si dating Defense Sec. Gilbert Teodoro.
Matatandaan din na malaki ang naging tulong ng Inglesia ni Cristo (INC) sa pagkapanalo ni Dating Pangulong Joseph Estrada at ng kasalukuyang Pangulong Gloria Arroyo sa pangpanguluhang halalan.
Habang inaasahan naman ng Liberal Party(LP) ni Sen. Benigno “noynoy” Aquino III na susuportahan sila ng Simbahang Katoliko, na una ng sumuporta sa kanyang Ina na yumaong si dating Pangulong Cory Aquino.
“Yang ang realidad, wala ng separation of church and state, pondo ng bayan pondo ng Dios, talagang democratic competition ng mga organizations of all kinds,” sabi pa ng Kongresista.
Aminado naman ang mga presidentiable na malaking tulong kung sakaling suportahan sila ng isang lider ng simbahan, na may daan libo o mahigit isang milyong miyembro.
Pero ayon sa isang source na mataas na lider ng isang simbahan, may malaking kapalit na halaga ang pag- indorso ng isang lider ng Simbahan, aniya “ hindi baba sa P50 milyon piso ang donasyon na kanilang ilalatag, upang masigurado lamang ang pag-indorso.”
Dagdag pa ng source, “maliban pa sa pagprotekta sa mga interes ng simbahan.”
|
|