Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Noynoy takot kay Gibo - solon
 
“TAKOT,” ganito ang pag-akusa ng mga Kongresista kay Sen. Noynoy Aquino, pambato ng Liberal Party(LP)
kung bakit ganun na lamang ang pag-iwas niya na makadebate ang kanyang pinsan na si Lakas Kampi
standard bearer at dating defense sec. Gilbert “Gibo” Teodoro Jr., at bukod tangi lamang si Sen. Manny Villar
ang kanyang hinamon.



Kung hindi nababahag ang buntot ang pambato ng LP, hinamon  nina Lakas-Kampi-CMD Reps. Pedro
Romualdo ng Camiguin at Mitos Magsaysay ng Zambales at ni House Deputy Speaker for Mindanao Simeon
Datumanong si Aquino na makipag- one-on-one debate kay  Teodoro.



At kung tumanggi umano na makipag-debate si Aquino,  nagpapakita lamang umano na takot ang Senador
na makipagtalakayan sa matalino at mahusay na pambato ng administrasyon.



“Noynoy is only afraid of Gibo because he can’t match him. But you cannot force one to fight another if he
believes he has no chance of winning the debate,” ani Romualdo.



Hindi umano patas ang naging hamon ni Aquino na isantabi si Teodoro, at tangi lamang sila ni Villar ang
magdebate, dahil sila lang dalawa ang nangunguna sa mga survey, ganun si TEodoro naman umano ang
pinakamatalino sa lahat ng tumatakbong Pangulo.



“That’s not fair. Gibo tops the mock polls and he is the most intelligent among the candidates,” Romualdo
said.



Tinawag naman ni Datumanong na arogante si Aquino, na pagbasihan sa survey kung sino ang puwede
lamang niyang makadebate.



“That’s not fair for the public who should hear all the presidential candidates on the issues and programs of
government as basis of whom to vote for,” sabi ni Datumanong.



Tahasan namang sinabi ni Magsaysay na takot hamunin ni  Aquino  si Teodoro na magdebate,  dahil alam
umano ng Senador na hamak na masmatalino sa kanya ang kanyang pinsan.



“Ayaw niya hamunin si Gibo kasi Gibo is more articulate and intelligent than him and doesn’t need codigos,”
ani Magsaysay.




dagdag pa niya na inutil na rin na makipagdebate pa kay Aquino, kung ang payo lamang ng kanyang mga
taga bulong ang magiging tema ng debate,  “A debate should be freewheeling and no prepared questions
and no one should be allowed to use codigos.”




Matatandaan na naghamon si Aquino sa tinuturin na pinakamatindi niyang katunggali sa pagkapangulo na si
Sen. Villar ng isang mano-manong debate.



Ang dalawang Senador din ang nag-uunahan sa mga survey ng Social Weather Station(SWS) at Pulse Asia,
habang pumapang apat lamang si Teodoro.
 
Brownout sa araw ng botohan, baka mauwi sa kaguluhan
 
NANAWAGAN ang isang Kongresista sa mga Mamahayag maging sa mga mamayan pati na sa Kongreso,
na beripikahin kung may maayos na generator ngang ilalagay sa mga presinto pagsumapit na ang botohan
ang Comelec at Smartmatic.



Ang panawagan ay ginawa ni Aurora Rep. Sonny Angara, matapos na mabahala ang buong Luzon sa banta
ng sampung oras na brownout, dahil sa kakulangan ng kuryente.



Nilinaw naman ni Angara na tiniyak ng Commission on Election(comelec) at ng Smartmatic,  kumpanyang
magsusuply ng poll machine na may nakalagak  na generator sa bawat presinto pagdating ng botohan at
bilangan. Pero ayaw pasiguro ni Angara kung kaya nanawagan siya sa mamahayag at mamayan na maging
mapagbantay sa darating na eleksyon.



“ang sabi ng Comelec and Smartmatic bawat presinto may kanya kanyang generator so dapat beripikahin ng
media, Kongreso at citizens arms kung totoo nga ito dahil may expectasyon na baka nga magkabrowout sa
eleksyon,” ani Angara.



Nababahala naman si Cibac Party list Rep. Joel Villanueva sa posibleng pagtindi ng kahirapan sa bansa,
kapag hindi na hanapan ng solusyon ang kakulangan sa kuryente, “ ang isyu ng kuryente o ang kawalan ng
kuryente ang mga pinakamaling impact sa buhay ng Pinoy, kung walang kuryente babagsak ang negosyo at
maghihirap tayo.”



Posible rin umano na mauwi sa kaguluhan,  kung sakaling hindi makaboto ang mga mamayan dahil sa
kulang na supply na daloy ng kuryente,  maari din umano na maging daan ito upang lubusan ng maglaho
ang demokrasya sa bansa.



“kapag naging rason ang brownout para di makaboto ang tao parang sinasabing kahit pag-asa na lang ng
pagbabago mawawala pa, hindi malayong magkagulo at may magtangkang ibagsak nang tuluyan ang
naghhingalo na nating demokrasya,” sabi ni Villanueva sa pamamagitan ng telepono.



Samantala, nagpatawag naman ng meeting si House Speaker Prospero Nograles sa house committee on
enery at house committee on oversight and suffrage,  upang magsagawa ng pagdinig hingil sa kakulangan
ng kuryente sa bansa.



Nais din makatiyak ni Nograles na maydadaloy na kuryente pagsapit ng eleksyon,  upang maalis na ang
pangambang hindi matuloy ang automated election dahil sa brownout.



“I call upon third term congressmen and those who are running virtually without opposition in their districts to
activate and attend these hearing,”  panawagan ni Nograles sa mga miyembro ng Kongreso.
 
Pagiging speaker ni PGMA, puwede - oposisyon
 
KAHIT ang ilang miyembro ng oposisyon ay naniniwalang “qualified” na maging speaker ng KOngreso si
Pangulong Gloria Arroyo.



Pero para sa militanteng Kongresista, hindi pinag-uusapan ang abilidad, bagkus kung tama bang maging
Kongresista ang naging Pangulo na.



Ayon kay Paranaque Rep. Roilo Golez, miyembro ng House minority bloc, nakadepende kung sino ang
magiging Pangulo ang magiging speaker ng ika-15 kongreso.





“Qualified naman si Presidente kasi naging senador siya at alam niya ang mga nangyayari sa Kongreso pero
it (speakership) would depend sa mananalong presidente sa eleksiyon,” ani Golez.



Sa pananaw naman ni Gabriela Rep.  Luzviminda Ilagan, “said it should not be a question of capability.  The
question is: is it right?  Is it moral?  Is it ethical? It is clinging to power shamelessly, any congressman can be
capable.”



Inamin  naman ni Palawan Rep. Abraham Mitra, tumatakbong Gobernador sa Palawan sa ilalim ng  Liberal
Party (LP), “shoo-in” o sigurado na ang Pangulo sa pagka-Speaker kung mananalo siya sa Pampanga.





“President Arroyo is a shoo-in for House Speaker.  If ever she does win, it's probably her destiny. And I see
nothing wrong with that as long as she'll get the job of House Speaker efficiently done. I believe she has the
capacity given her good track record as President,” ani Mitra.



Naniniwala naman si House Deputy Speaker for Women and Occidental Mindoro Rep. Ma. Amelita Villarosa
qualified ang puwesto ng Speakership kay Pangulong Arroyo.



“(She is) very much qualified. Remember President Arroyo is President for more than six years and so well-
managed that our country was not even affected by the economic meltdown,” dagdag pa ni Villarosa.



Itinanggi  naman ni Isabela Rep. Rodolfo “Rodito” Albano III, na kaya naglalaway ang palasyo sa puwesto ng
pagka-Speaker, dahil naghahabol ito sa Charter Change (Cha-cha).



“ Malabo iyung agenda na Cha-cha sa pagtakbo ni Pangulong Arroyo bilang Speaker kasi hindi naman
papayag ang mananalong presidente. Besides, may Senado pa,” paliwanag ni Albano.
 
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine