Meralco at ERC pinakakasuhan ng pagnanakaw sa taumbayan
|
| |
PINAKAKASUHAN ng mga Militanteng Kongresista ang Meralco, maging ang mga opisyales ng Energy Regulatory Commsission(ERC), sa umano’y pagnanakaw sa taumbayan sa pamamagitan ng sobrang singil sa kuryente.
Tahasan sinabi ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod na malinaw pa sa sikat ng araw ang pagnanakaw na ginawa ng Meralco sa mga costumer nito, “malinaw na pagnanakaw yan sa taongbayan.”
Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, tumatakbo bilang Senador sa ilalim ng lapian ni Nacionalista Party Standard bearer Manny Villar, maraming beses ng dinaanan ng bayan ang sobrang singil ng Meralco, pero wala naman nakakasuhan o naasunto kahit pa tiniyak ng kOrte Suprema na may sinadyang sobrahan ang singil sa kuryente.
“ilang beses na tayong dumaan dyan at madalas umabot hanggang korte suprema. Ang ginawa lang ng korte pina-refund ang sobrang sinigil,”
Kaya hiniling na ni MAglunsod na sampahan na ng kaso ang Meralco at ang ERC dahil sa umano’y tila pagsasabawatan nito, upang maisahan ang taumbayan.
“dapat makasuhan sila kasama ang ERC,” dagdag pa niya, “as per meralco wala daw overcharging dahil may approval daw ng ERC.”
Minungkahi naman ni Ocampo na muling pag-aralan kung nararapat bang magdagdag pa ng batas na hindi na maulit ang patuloy na overpricing ng Meralco sa mga konsyumer nito.
“dapat siguro aralin ang dagdag na batas na pipigil sa pag-uulit ng sobrang singil sa kuryente,” ani Ocampo.
Aminado din si Ocampo na tila walang habol ang mamayan, kahit pa ulit-ulitin ng Meralco ang paniningil ng buwan kunsumo ng kuryete sa taumbayan.
“nasa batas ang kahinaan, kaya dapat aralin anong puwedeng gawin sa batas para di naabuso ng Meralco at ng ibapang utility firms,” pagdiin pa ng Kongresista.
Batay sa Commisision On Audit(COA) report na isinumite sa ERC, lumabis umano ng mahigit P6 bilyon ang siningil ng Meralco noong 2004 at 2007 nang payagan ng ERC ang nasabing kompanya na isama sa operating expenses ang mga pensyon at iba pang benepisyo na ibinigay sa mga empleyado at opisyal nito.
Lumabas sa report ng nasabing ahensya na lumaki ang kanilang operating expenses bunsod ng isinamang pensyon at benepisyo ng mga tuhan nito na nagkahalaga ng P3.48 bilyon noong 2004 at P2.92 bilyon noong 2007.
|
| |
Comelec, ano ba talaga, tuloy ba autated o hindi?
|
| |
PINASUSUKA ng “timeline” ng isang militanteng Kongresista ang Commission on Election(Comelec), upang malaman kung ano ba talaga ang plano nito sa parating na eleksyon?
Sa dahilan na rin na hindi matapos, tapos ang problema ng komisyon hingil sa makabagong paraan ng pagboto sa pamamagitan ng automated eleksyon.
kabilang na dito ang tila atrasadong serbisyo ng PLDT at Globe na magiging daan para ma-transmit ang “electronic results” ng Mayo 2010 eleksyon, kaya tanong ni Akbayan Party-list Representative Walden Bello ano ba talaga ang magiging takbo ng halalan?
Sa dami ng problema na kinakaharap ng comelec, nababahala na ngayon ang Kongresista kung masusubukan na ba ng mga Pilipino ang makabagong paraan ng pagboto, o mauuwi lamang sa failure of election.
Kabilang sa tinukoy ni Bello ang mga problema na niyakakap ngayon ng COMELEC ang pagka-delay ng pag- deliber PCOS machines sa tamang panahon, na tanging 5000 sa kabuoang 82,000 makina pa lamang umano ang nakakarating sa bansa; problema din ng ahesya ang 71% na mga botanteng Pilipino ang wala pang nalalaman hingil sa magiging proseso ng Automated Election; at kakaunti pa lamang umano ang nasasanay ng Comelec para maging Board of Election Inspectors.
"When the success of the automated elections depend on the people's trust in the entire system that will operate it, and with COMELEC unable to assuage the people's fears, and instead, weekly, they are treated to an array of electoral problems that seems to have no end, the elections is a train-wreck waiting to happen," dagdag pa ni Bello.
Nais naman malaman ni Akbayan Party-list Legal Counsel Ibarra Gutierrez, kung ano pa ang magiging takbo ng ahesya sa 79 na araw na lamang na nalalabi bago maghalalan.
Nais din malaman ng abogado kung kailan pa darating ang mga PCOS at kung matatapos pa ba ang sinasagawang pagsasanay ng Comelec sa mga mamahala sa makabagong botohan.
"What is the new over-all schedule for all the 79 days left before elections? When will all the PCOS machines arrive and the program be installed? When will the nationwide teachers' training commence and finish? When will they start identifying all possible problematic scenarios for elections and plot out definite, feasible solutions?" pagtatanong ni Atty. Gutierrez.
|
| |
FOREIGN POLL OBSERVERS target ng terorista
|
| |
Sasamantalahin ng mga teroristang grupo ang darating na eleksiyon at malamang na magsagawa ito ng mga pag-atake sa mga foreign poll observers at gawin ang ilan sa mga ito na kanilang hostage.
Ito ang ginawang babala ngayon ni Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng Ilocos Norte kaugnay sa inaasahang pagdagsa ng mga foreign observers para makatulong sa pagpapanatili ng isang matapat, malinis at maayos na eleksiyon sa Mayo 10.
Ayon kay Marcos, isang pagkakataon sa mga teroristang grupo na nakabase sa Mindanao na makapaghasik ng lagim sa panahon ng eleksiyon kasabay ng kanilang propaganda mileage at maipakita ang lakas ng kanilang grupo.
“Kailangang higpitan ng PNP at AFP ang seguridad ng mga foreign observers. Target sila ng mga teroristang grupo. Walang masamang mangyari dapat sa kanila,” pahayag ni Marcos.
Nanawagan din si Marcos sa Commission on Elections (Comelec) na mahalagang maipaliwanag at maipaintindi sa mga foreign observers ang panganib na kanilang susuungin lalu na kung ang ilan sa kanila ay maitatalaga sa mga critical areas lalu na sa lugar ng Mindanao.
“Ang Pilipinas ang isa sa madalas na mapulaan ng international community lalu na kapag nagdaraos tayo ng eleksiyon. Sana naman, matigil na ito at walang mangyaring masama sa mga foreign observers sa pagbabantay nila ng eleksiyon natin,” dagdag pa ni Marcos.
Idinagdag pa ni Marcos na ang inaasahang malaking halaga ng pera na makukuha sa ransom ng mga bandidong grupo ang isa rin sa mga dahilan kung bakit maaaring umatake ang mga ito.
|
| |
| |
|