Metro manila, pinakamaraming kaso ng rape sa buong bansa
|
| |
NABABAHALA ang isang babaeng Kongresista sa naitatalang panggagaha sa bansa, na umabot na sa 3,159 noong 2009, kung saan lumbo ito mula sa 2, 585 ng nakalipas na taong 2008.
Sinabi ni Cotabato Rep. Emmlylou Taliño Mendoza, na batay sa talaan ng Philippine National Police, bawat dalawang oras at kalahati o araw-araw may siyam na katao ang nagagahasa.
"The actual number of rape cases is of course much higher than those reported, possibly as many as 6,000, since many women and girls still opt not to complain to the authorities," sabi ni Taliño-Mendoza.
Ang kinalulungkot pa ng Kongresista, kalahati ng mga biktima sa datus ng PNP ay hindi nakakapaghain ng reklamo, dahil sa takot o kahihiyan na magiging bunga ng kalupitang naranasan.
"Study also shows that half of rape victims would not file a complaint because of the stigma and the embarrassment of recalling their ordeal to the authorities” ani pa ng Kongresista.
Sa datus ng PNP ang Metro Manila ang may ang may pinakamaraming manyakis, dahil nakapagtala ito ng 466 ng kaso ng panggagahasa, pumangalawa naman ang Western Visayas na may 429; 316 Central Luzon, 312 sa CALABARZON, 293 naman sa Bicol, 203 sa Southern Mindanao, habang 160 naman sa Central Visayas, at 153 sa MIMAROPA.
Habang ang Ilocos ay 145 na kaso ng panggagahasa, 144 sa Northern Mindanao, 119 sa Eastern Visayas, 109 sa Western Mindanao, Cordillera nakapagtala ng 93; Caraga ay 78; 73 sa Central Mindanao, 53 sa Cagayan Valleyat sa Autonomous Region of Muslim Mindanao ay 13.
Dahil sa nakakaalarmang insidente ng panggagahasa, hiniling ng mambabatas na magtayo ng rape crisis center sa bawat siyudad o lalawigan sa bansa, na siyang tutulong upang mapababa ang insideten ng pag- aabuso sa kababaihan kababaihan, bata man o matanda.
“It is mandated by the Rape Victims' Assistance and Protection Act,” mungkahi pa ng Kongaresista na magtayo din ng complaint center sa bawat barangay sa buong bansa.(joma)
|
| |
| |
|