Noynoy, umapila na huwag ng gamitin pa ang kanyan pamangkin
|
| |
MARIING kinundina ni Liberal Party (LP) standard-bearer noynoy Aquino ang paggamit sa kanyang pamangkin ng ilang katunggali sa politika para sirain siya.
Pumalag kasi si Aquino sa kumakalat ngayong text na si Joshua, anak ng kanyang bunsong kapatid na si Kris Aquino ang magigign adviser umano niya sa kasal.
"Noong isang araw po, may text na dumating sa telepono ko. Sa dami nilang pera, tatlo beses pong pumasok sa telepono ko. Nakalagay po du’n, ‘yung pamangkin ko raw hong si Joshua, adviser ko sa kasalan,” ani Aquino.
Dagdag pa niya, "Alam n’yo naman po si Joshua, special child. ‘Yan po inaaruga, minamahal. Pero itong mga kalaban natin pati ‘yung special child pinapatulan, hindi naman kasama dito. Anong klaseng mga tao naman ‘yan?".
Malaki ang paniniwala ng Senador na gagawin ang lahat para lamang sirain siya sa taumbayan, "So wala pa ho tayo sa election, talaga hong gagawin nila lahat para tayo magkaroon ng hidwaan, pagdududahin kayo.”
Aminado naman ang Senador na sakabila na tinanggap niya ang hamo sa pagkapangulo, hindi pa rin umano nito mapapantayan ang perang inuubos ng administrasyon at mga kaalyado nito para lamang tirahin siya.
"Hindi po natin mapapantayan ‘yung ads sa TV dahil kailangan ng salapi,” sabi pa ni Aquino.
Si Aquino ay tanging anak na lalaki nina yumaong dating pangulong Cory Aquino at dating senador Ninoy Aquino.
"Kailangang iparamdam natin sa kanila na ang dami n’yong lolokohin. Huwag n’yong subukan at tatayo kami at maninindigan at may kalalagyan kayo,” dagdag ng pambatong kandidato ng LP.
|
| |
Tugon sa sobrang tag init sa Pilipinas, magtanim ng puno
|
| |
“MAGTANIM ng puno” ito ang naging mungkahi ng isang Kongresista upang malaban sa mga susunod na panahon ang pananalansa ng sobrang tag-init dala ng El Nino.
Giniit ni House Deputy Majority Leader at Aurora Rep. Juan Edgardo M. Angara, pangunahin may akda ng “Tree for Legacy Act,” na napakahalaga na mapanatili ang balanse ng kapaligiran, sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno na siyang pipigil din sa matinding sikat ng araw.
“there is no single solution to all the ecological and economic disasters but the “Tree for Legacy Act” as a Forest Management Program is certainly one of them" ani Angara.
Minungkahi din ni Angara na tustusan ng pondo ng Pamahalaan ang paghuhukay ng mga alternatibong pagkukunan ng tubig, gaya ng mga poso na puwedeng gamitin para sa mga irigasyon na puwede din gamitin sa pamatid uhaw.
Binatikos naman ni CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva ang Department of Agriculture(DA) sa kabiguan na maproteksyunan ang mga magsasaka sa mga ganitong katinding pag-init.
Kinundida din ni Villanueva ang kapalpakan ng Department of Energy na magkaroon ng pangmatagalang solusyon sa kakulangan ng kuryente, tuwing bumababa sa kritikal na level ang tubig sa mga dams.
“hindi naman na ngayon lang natin naraamdaman ang El Nino, ang nabibigyan pansin lang pagganito ang panahon ay ang kabiguan ng Department of Agriculture na maging forward looking at bigyan proteksyon an gating mga magsasaka, gayundin ang kapalpakan ng DOE,” ani Villanueva.
|
| |
|