Pagkapikon ni Sen. Aquino, senyales ng pagiging diktador - anakpawis
|
| |
DESPERADO na umano ang pambato ng Liberal Party(LP) na si Sen. Noynoy Aquino, kung bakit napapadalas ang pagkapikon nito sa mga pasaring ng kapwa niya presidentiables.
Sa pananaw ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod, ang pagiging pikon umano ay isang ugali ng isang diktador na tao.
“ang pagkapikon, arogante katangian ng diktador yon,” dagdag pa ni Maglunsod sa pamamagitan ng telepono, “ ang pagkapikon ay senyales yan nang pagkadeperado.”
Matatandaan na napaulat na muling napikon si Sen. Aquino ng kundinahin ni Ang kapatiran standard bearer Councilor JC De los Reyes ang pamunuan ng kanyang Ina na si Dating Pangulong Corazon Aquino.
Nagpakita na rin ng kaparehong ugali si Aquino ng halos magpantay na sila ni Sen. Manny Villar sa survey habang bumababa naman siya, at nasabi nito na may mga survey na nabibili sa Quiapo.
Sumunod nito, napikon din si Aquino sa isang forum na nagsalita pa siya mismo sa emtemblado upang kundinahin ang umano’y pagiging bias ng main host ng presidential forum na pinangisiwaan ng mga negosyante.
Pinaliwanag naman ni Maglunsod na nagpapakita lamang si Aquino ng kanyang tunay na pagkatao bilang elistista at panginoon ng may lupa, na hindi dapat umano tularan ng sino man.
“dapat hindi tularan at napakanegatibong imahe yan sa mga mamayan nagpapakita lamang yan sa katangian bilang elitist at panginoong may lupa,” sabi ni Maglunsod.
Matatandaan na tinutulan ng kanyang Ama na si Bayaning SEn. Benigno “Ninoy” Aquino ang katagian ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang isang diktador, na pinagpatuloy naman ng kanyang Ina sa mahinahon na pamamaraan ng peoples power.
|
| |
Bacolod bishop Navarra suportado si Ang Kapatarian Standard bearer JC Delos Reyes
|
| |
MAGBIBITIW umano bilang Bacolod chairman ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting(PPCRV) si Diocese of Bacolod Bishop Vicente Navarra, upang suportahan ang sumisinghap-singhap sa mga survey ang pambato ng Ang Kapatiran na si Councilor JC De Los Reyes.
Ayon kay Atty Jo Imbong, senotoriable ng Ang Kapatiran, na nagdeklara na umano Obispo ng suporta sa layunin ng kanilang partido na naninindigan sa mabuting asal at batay na rin pagiging maka-Diyos ng partido.
“Bishop Vicente Navarra declared he is resigning as Chair of PPCRV in Bacolod and expressed his full endorsement and support for what Ang Kapatiran Political Party stands for-virtue and duty-and its moral foundations,” ani Imbong sa lokal na istasyon ng Radyo sa Bacolod.
Pinuri naman ni atty. Imbong si Navarra na isang umanong mabuting lingkod ng Diyos, na nagsusumikap umano na maibalik ang tao sa maykapal, ang hakbangin umano nang ito ang kailangan ngayon upang maibalik ang moralidad sa lipunan.
“ bishop Navarra has taken God’s cause in his hands, working to bring God back into the public square, where the nation’s moral crisis demands moral solutions. The raging culture war demands of us extraordinary solutions. Benedict XVI calls this the politicization of mechanism,” ani Imbong na sa kasalukuyan ay nasa Bacolod.
Nakilala si Bishop Navarra sa mga hakbangin nito, halimbawa ng pagtutol niya sa pagsusulong ng Charter Change (ChaCha), sinuportahan din nito ang pagpapalawig sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Pinangunahan din nito ang paghingi ng tulong para sa mga nasalanta ng matindin lindol sa bansang Haiti.
|
| |
|