Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Kiss of death sa pangulo, minaliit lamang ng pro-admin solon
 
MINALIIT lamang ng mga maka-administrasyong Kongresista ang pinakabagong Pulse Asia survey na
nagpapakita na sinoman umano ang iindorsong politiko ni Pangulong Gloria Arroyo ay magkakamit ng   “kiss
of death”.


Tiwala sina House Deputy Speaker for Women Ma. Amelita Villarosa at Lanao del Norte Rep. Abdullah
Dimaporo na ang kahusay ng isang kandidato na huwak ng pampublikong opisina ay susuriin ng mga
botante at hindi kung sino ang mag-iindorso.


“I believe the candidates’ competence and qualifications will be evaluated by the people,” ani  Villarosa.


Sinabi pa ni Villarosa, na hindi naman umano kinatakatawan ng isang survey sa tunay na pulso o kung sino
ang iboboto ng mamayan.


Paliwanag ni Villarosa, hindi maari na katawanin ng 1,000 hanggang 3,000 katao ang magiging sistimiyento
ng  tinatayang 50 milyong botante.


Sa paniniwala naman ni Dimaporo sa kalidad ng isang kandidato titingin ang mga botante.


Kinontra naman ni Dimaporo ang ulat ng  Pulse Asia survey na makakaranas ng “kiss of death” ang iindorso
ng Pangulo, dahil marami umanong “strong believers” ang punong ehekutibo partikular na sa mga
probinsiya.


Ayon sa resulta ng  Pulse Asia survey na ginawa ng nakaraang buwan, tatlo sa apat na Pilipino o 74 na
porsiyento ang hindi iboboto umano ang iindorsong kandidato ng Pangulo.


Sa pananaw naman ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod na pinapakita lamang ng survey na wala ng tiwala pa
ang taumbayan sa pamumuno ng kasalukuyang administrasyon.


“Isa lang ang big sabihin niyan, nagpapakita lang iyan na talagang wala ng tiwala ang mamamayan sa
gobyerno ni Pangulong Arroyo,” sabi ni  Maglunsod.


Kaya payo ng militanteng Kongresista kay Pangulong Arroyo na umatras na sa pagtakbo sa
pagkakongresista, dahil baka sa huli mapahiya lamang siya na kaunaunahang Pangulo na tumakbo sa
pagkakongresista at natalo.



“Sadsad na nga ang trust rating niya, tatakbo pa siya. Talagang walang delikadesa, walang kahihiyan,” ani
maglunsod.(joma)
 
Matcho mentality, dahilan ng pag-aabuso sa kababaihan
 
“MACHO mentality” ang isa sa umano’y dahilan kung bakit lumalaki ang mga bilang ng  mga kababaihan sa
bansa ang naaabusong sexual.



sa paliwanag ni Buhay Partylist Rep. Irwin Tieng,  kawalan ng respeto sa kababaihan at ang kaisapan ng
pagiging matcho ang nagtutulak sa maraming  kalalakihan upang abusuhin ang isang babaeng walang
kalaban-laban.



“ang pinaka dahilan sa tingin ko ay ang kawalan ng respeto sa kababaihan at ang pagiging macho mentality
nating mga pinoy. Palagi tayong may gustong patunayan,”  ani Tieng sa pamamagitan ng telepono.



Isa pa sa paniniwalaan ni Tieng na nagtutulak sa mga kalalakihan na gumawa ng isang krimen laban sa
mga kababaihan, gaya ng panggagaha ang talamak at ng naglimpanang malalaswang papanoorin,
babasahin at madaling maka-access na porno site sa internet.



Sinisisi naman ni Anakpawis Rep. Joel Maglusod ang mahinang sistema sa bansa, at ang patuloy na
pamamayagpag ng bentahan ng bawal na gamot, na isa sa sumisira sa utak ng kabataan o kalalakihan
kung bakit naiisipan na gumawa ng isang kahalayan.



“epekto na lang yong paglaki sa bilang ng rape, hindi lang sa pagdami ng pornographic na babasahi at kahit
sa internet kung di sa atrasadong at dekadanteng sistema ng lipunan na umiiral ngayon,”  dagdag pa niya,
“at isa pang contributing factors yong pagdagsa ng (illegal)drugs para diversion sa lumalalang problema ng
lipunan maliban sa isang malaking negosyong ito sa ngayon.”





Matatandaan, na kinabahala ni  Cotabato Rep. Emmlylou Taliño Mendoza ang mabilis na paglobo ng bilang
ng kaso ng rape sa bansa, na mula sa 2, 585 ng  taong 2008 halos dumoble ito ng 3,159 ng nakalipas na
taong  2009.



Sa datus ng PNP nanguna ang   Metro Manila sa may pinakamaraming naitalang kaso ng panggagahasa,
dahil nakapagtala ito ng  466 ng kaso ng panggagahasa, pumangalawa naman ang  Western Visayas na
may  429; 316 Central Luzon, 312 sa CALABARZON, 293 naman sa Bicol, 203 sa Southern Mindanao,
habang 160 naman sa Central Visayas, at 153 sa MIMAROPA.



Habang ang Ilocos ay 145 na kaso ng panggagahasa, 144 sa Northern Mindanao, 119 sa Eastern Visayas,
109 sa Western Mindanao, Cordillera nakapagtala ng 93; Caraga ay 78; 73 sa Central Mindanao, 53 sa  
Cagayan Valleyat sa  Autonomous Region of Muslim Mindanao ay 13.
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine