Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Erap binatikos sa walang kabuluhang payo kay PGMA
 
BINATIKOS ng mga maka-administrasyong Kongresista ang napatalsik na Pangulong Joseph Estrada, hingil
sa walang kabuluhang payo kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Bagkus minungkahi ng mga ito na
hintayin na lamang kung ano ang magiging pasya ng kataas-taasang hukuman.


"We should leave it to the Supreme Court to decide on the issue," ani Lakas-Kampi-CMD Rep. Danilo Suarez
of Quezon.


sinabi pa ni Suarez sa kasalukuyan, nasa proseso ngayon ang Supreme Court(SC) sa pagdinig ng mga
petisyon hingil sa ang kasalukuyang Pangulo ba ang nararapat na magtalaga ng bagong susunod kay Chief
Justice Reynato Puno o ang bagong maihahalal ng bayan na susunod na pangulono.


"As I predicted, the Supreme Court will ultimately decide on the issue. All we need to do right now is to wait for
its decision and respect whatever it is," pagdidiin ni Suarez.


ganito rin ang pananaw ni Lakas-Kampi solon, Marikina Rep. Marcelino Teodoro na nasa kamay na ngayon
ng SC ang magiging landasin ng Korte Suprema hingil sa kung sino ang dapat magtalaga ng mamumuno
sa kanila.


giit pa ni Teodoro, "The law of the land should prevail in any circumstance and it must be upheld by any
individual."


Isang pang miyembro ng Lakas Kampi CMD na si Camiguin Rep. Pedro Romualdo, na natatangi lamang
ang karapatan na magdesisyon hingil sa kung sino ang susunod na mamumuno sa Korte Suprema,
mismong ang SC na rin na nagbibigay ng pinakahuling hatol sa bansa.


ganun paman, malakas ang paniniwala ni Romualdo na ang Pangulo ang dapat magtalaga ng bagong Chief
Justice "given the crucial role he or she will play after the May 10 elections."


nababahala din ang Kongresista sa posibleng kasasapitan ng bansa na bakante ang posisyon sa
pinakamataas na puwesto sa SC, dahil ang Chief Justice umano ang mabibigay ng kaayusan sa bansa
kapag nagkakaroon ng pagpapalit ng Gobyerno.


"The President has the power to appoint and anyone who questions that should let the Supreme Court to
decide," dagdag pa nito.


matatandaan na pinayuhan ni Estrada ang Pangulong Arroyo na hayaan na lamang ang susunod na Pangulo
ang magtalaga ng bagong chief justice ng bansa.
 
Noynoy ayaw maging pangulo ng mga magsasaka
               
 
MALAKI ang paniniwala ng may 27 pamilya ng magbubukid na nakaranas ng kalupitan ng Hacienda Luisita
massacre na hindi nila makukuha ng hustisya kung si Liberal Party presidential bet Benigno "Noynoy" Aquino
ang mapupuwesto bilang susunod na Pangulo ng bansa.


Nanindigan ang lider ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at the Central Azucarera de Tarlac Labor Union,
na kabilang sa nasugatan sa Mendiola at Hacienda Luisita massacre na hindi nila iiaatras ang kanilang mga
kaso upang mapakulong lamang ang pinakautak ng kalupitan na sinait ng mga abang magsasaka sa
Hacienda Luisita.


Ang kaba lamang ng pamilya ni Jesus Laza, biktima ng karumaldumal na hacienda Luisita Massacre, "Pero
kung si Noynoy ang mananalo, wala na talaga kaming maaasahang katarungan. Bukod sa katarungan, tiyak
rin na ang kanilang sakripisyo ay hindi mapapalitan ng tunay na repormang panlupa."


ganito rin ang pananaw ni Bayan Muna Rep. Teodoro Casino na kung sakaling mapuwesto sa palasyo si
Aquino, hindi na umano kailangan pang umasa na magkakaroon ng tunay na reporma pagdating sa
panglupa o sakahan para sa mga magsasaka.


"I don’t know about Aquino. What is clear to us is that (Sen. Manuel) Villar has committed to pursue genuine
agrarian reform under his administration, including the physical distribution of plantations like Hacienda
Luisita," paliwanag ni Casino.


Matatandaan na 27 magsasaka ang napatay sa dalawang magkahiwalay na protesta ng mga magsasaka,
kabilang dito ang 13 magsasakang napatay sa Mendiola noong 1987, habang 14 naman sa Hacienda
Luisita sa tarlac noong 2004 , habang daang katao naman ang nasugatan.
 
Matinding kakulangan sa pagkain nagbabanta dahil sa matinding tagtuyot
 
NANAWAGAN ng isang food summit si Agusan del Sur Rep. Rofolfo "Ompong" Plaza kay Pangulong Gloria
Mapacapagal Arroyo, upang duon talayakin ang katiyakan na maysapat na pagkain ang bansa, habang
nanalasa ang matinding tag-init na dala ng El Niño phenomenon.


giit ni Plaza na kagyat na magpatawag ng food summit ang pangulo, at i-convene ang National Security
Council (NSC) upang maglatag ng plano upang hindi na maulit pa ang mahabang pila para sa bigas dala ng
matinding kakulangan sa palay dala ng tagtuyot.


"National security does not only apply to armed threats. El Nino now threatens our country with hunger.
Without food security, there will be instability. Famine is a disaster of the most horrible proportion," sabi ni
Plaza.


giniit pa ni Plaza na hindi tama na ipaubaya na lamang ng Pangulo ang magiging solusyon sa nakaambang
problema ng kakulangan ng pagkain sa bansa sa Department of Agriculture o ang El Niño Task Force.


"El Nino is a disaster worse than typhoons Ondoy and Pepeng. This early, damages due to drought are
estimated to reach P10 to P20 billion. It’s always better to be prepared than sorry," paglilinaw pa nito.


maliban sa pamahalaan, dapat din umano na makipagtulungan ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan,
maging ang mga non-governmental organizations, civil society groups at private sector upang pagtulungan
ang problemang dala ng El Niño.


"We are all stakeholders here. The government and the private sector included. All must do their share. A food
summit is now in order. I repeat, this is now a national security concern," ani Plaza
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine