Hairstyle ni Noynoy gagayahin ni Villar
|
| |
NAG-AALALA ang Pambato ng Liberal Party(LP) na si Sen. NOynoy Aquino na baka ang istilo naman ng buhok niya umano ang gagayahin ni Nacionalista Party(NP) standardard bearer Sen. Manny Villar.
“baka hairstyle ko naman ang gayahin ni Villar,” pabirong pahayag ni Aquino, matapos na makitang kinopya umano ng kanyang mahigpit na katunggali na si Villar ang kanyang ads at campaign materials.
Batay kay Aquino mismong siya ang nakakita sa mga kalsada sa Cebu City ang mga kulay kahel ang opisyal na kulay ng kampanya ng NP na laso na nakatali sa mga poste at puno.
“’Yung sabi nga, lahat raw ay nakuha na. Siguro sa akin, nakuha na rin ang sa ating talumpati. Kanina, napakinggan ko sa radio, may panata ako, may panata din ang aking katunggali. Bigyan ninyo ng isang buwan, pati hairstyle ko kukunin din nila,” patukoy ni Aquino sa kanyang buhok na manipis.
“nakatataba ng puso ang kanilang ginagawa panggagaya,” sabi pa ni aquino.
Naniniwala din si Aquino na posibleng magpalabas din ng isang kantang “tie a orange Ribbon” na tulad ng “Tie a Yellow Ribbon.”
Samantala tinawag naman ni Aquino na Copycat ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo “na ginagaya naman nito ang mapaniil na dating pangulo na si Ferdinand Marcos.”
“Si Marcos noong araw, akala niya kaya tayong lokohin. ‘Yung nasa Palasyo ngayon, nangongopya, copycat. Eh, alangan bang makalimutan natin kung paano natin tinuruan ng tamang asal ang ginagawa sa atin? Gising na ang sambayanan, mulat ang mamamayan, maninindigan ang taumbayan,” ani Aquino.
|
| |
Pondong ilalaan sa kampanya, ibigay na lang sa mga magsasaka
|
| |
MINUNGKAHI ngayon ng isang Militanteng Kongresista na gastusin na lamang sa pagtulong ng nasasalanta ng matinding tagtuyot dala ng El Nino Phenomenon ang perang gugulin sa eleksyon.
Para kay Anakpawis Rep. Joel Maglunsod na napakahalaga ng perang ilalaan ng mga kandidato na uubusin lang nila sa kampanya kung ilalaan ito sa pagtulong sa mga magsasakang nasasalanta ng matinding tag- init.
“dapat lang ang 1.7 bilyon pesos na pondo para sa el nino, dapat maibigay sa mga magsasaka” sabi ni MAglunsod sa pamamagitan ng telepono.
Sa pagtataya, aabutin ng bilyong piso ang gagastusin ng kung pagsasamahin ang gastos ng mga kandidato na ilalan nila sa kampanya.
Pinalalaan din ni MAglunsod ang PDAF(priority development assistant fund) ng mga KOngresista upang ilaan naman sa mga mamayan.
“ ang pdaf dapat isubsidize yan sa mga mamamayan,” sabi ni Maglunsod.
Naniniwala naman si Nueva Ecija Rep. Edno Joson na malabo na maidonate ng mga kandidato ang kanilang perong gugulin sa kampanya, “private money malabong madonate yun ng mga kandidato” pero “kung government funds na lahat aspesto ng eleksyon baka puwede pa.”
Pero ang malinaw aniya dito, “kulang sa anticipation” ang gobyerno pagdatin sa kalamidad, gawa man ng tao o kalikasan.
Samantala, kumikilos na ngayon ang mga Kongresista mula sa Mindanao upang bigyan ng emergency power ang Pangulong Gloria Arroyo.
Kasabay nito, umapila din si House Deputy Speaker for Mindanao Simeon Datumanong sa mga kritiko ng pamahlaan na isantabi muna ang pamumulitika at pagtuunan na lamang ng pansin ang problemang kinakaharap ngayon ng bansa.
“I urge the government to adopt measures to address the power problem in Mindanao which is very critical now. Let us now grant the President with emergency powers to quickly solve the crisis,” ani Datumanong.
Pinaliwanag naman ni Agusan del Norte Rep. Jose Aquino II, tagapagsalita ng Lakas-Kampi-CMD, na napakahagang mabigyan ng solusyon ang problema ng enerhiya sa Mindanao lalo na at paparating na ang eleksyon.
“The people in Mindanao are more concerned about their plight as more and more people in the province are being affected by the power problem,” giit ni Aquino.
Dagdag pa nito “Mindanaoans have been bearing the brunt of the power crisis caused by the dry spell. In fact since last week, the daily power interruptions in Agusan del Norte have been lasting up to 10 hours.”
|
| |
|