Bangayan ng Militante at LP lumalala
|
| |
MARIING pinabulaanan ng militanteng Kongresista ang akusasyon ng tagapagsalita ng Liberal Party na si Quezon Rep. Lorenzo Tañada III, na ginagamit sila ng partido ni NAcionalista Party Standard bearer Sen. MAnny Villar para siraan ang kanilang pambato na si Sen. Noynoy Aquino.
“hindi totoo yon, lehitimo ang hinihiling ng masang anakpawis tulad ng hustisya ng masaker sa hacienda luisita, masaker sa mendiola sa panahon ni (dating pangulong) Cory Aquino nilalaba namin yan,” ani Maglunsod.
Nauna ng sinabi ni Tañada na nagmimistulan umanong tagabanat ni Villar ang mga makakaliwang grupo para sa kanilang “hate campaign” laban kay Sen. Aquino.
“Unfortunately, the Left has become the battering ram of the Villar hate campaign. I hope that they have not turned a blind eye to the findings of the Senate committee of the whole that their principal has used public funds to benefit himself,” ani Tañada.
Imbes na tirahin si Aquino, minungkahi ng Kongresista na siyasatin din nila ang umano’y mala-emperyong lawak ng mga lupang pag-mamay-ari ni Villar na sakop ng mga lupang pang-agrikultura.
“Villar’s class-war tactics bring to mind what a disgraced billionaire-politician did in a neighboring Southeast Asian country. In the end, he was unmasked for what he really is – a capitalist-turned-bureaucrat out to make more money from the public treasury,” sabi ni Tanada.
Sinumbatan naman ni Tanada ang mga makakaliwang grupo na una umanong nakinabang sa naging tagumpay ng Edsa 1, aniya “Let me remind my colleague, Bayan Muna party-list solon Teddy Casiño, that the Left was a major beneficiary of EDSA 1. One of the very first acts of President Cory was to order the release of political prisoners including former CPP chair Jose Ma. Sison and Bayan Muna Representative Satur Ocampo.”
Pinasinungalingan naman ni Maglunsod ang pahayag ni Tanada na nakinabang sila sa naging tagumpay ng Edsa 1, bagkus “hindi kami naging benepisaryo kundi hanggang ngayon tuloy parin ang sigaw ng masang anakpawis sa kabuhayan at panlipunang katarungan.”
Dagdag pa niya, “tuloy parin ang pakikibaka naman sa tunay na repormang agraryo, dagdag na sahod, trabaho, pagkain, tirahan at katarungan yan ang sigaw naming mula sa diktadurang Marcos hanggang ngayon.”
|
| |
Tarlac Rep. Jose Yap, pumanaw na
|
| |
NAGLULUKSA ngayon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpanaw ni Tarlac 2nd district Rep. Jose Yap dahil sa sakit na prostate cancer sa edad na 81.
Sinabi ni House Secretary General Marilyn Barua-Yap kahapon, kamag-anak ng yumaong Kongresista, nakalagak ang labi ng nakakatandang Kongresista sa Sta. Maria Della Strada Church, sa Katipunan Avenue sa Quezon City.
"Congressman Aping Yap succumbed to complications due to prostate cancer on early Morning of March 2,” ani Yap.
Dinagdag pa nito na dadalhin ang labi ng Kongresista na naglingkod din bilang ng siyam na termino bilang Gobernador ng Tarlac sa Huwebes ng umaga sa Kongreso para sa neurological service.
Mula sa Batasan Pambansa, iuuwi naman ang labi ni Yap sa kanyang bayan sa Victoria, Tarlac at doon siya mananatili hanggang ilibing Marso, araw ng Linggo.
Maliban sa pagiging Kongresista, na una nang naglingkod si Cong. Yap, at sa kasalukuyan, pinamumunuan niya ang House committee on National Defense bilang chairman.
Pinangunanahan din ng Kongresista ang usaping pangkapayapaan sa timog katagalugan sa pagitan ng pamahalaan at kumunistang grupo.
Si yap ay pangpitong Kongresista na pumanaw sa ika-14 na Kongreso, at pangalawa ngayong pagpasok ng bagong taon. Ang prostrate cancer na pumatay kay Yap ang siyang kinamatay din ni dating Sen. Raul Rocco.
Binigyan pugay naman ni Nueva Ecija Rep. Sonny Angara ang pumanaw na Kongresista na “si Manong Aping ay kilalang malapit sa kanyang mga kababayan sa Tarlac at kilalang madaling lapitan.”
|
| |
Bumili ng boto kung gusto manalo sa automated election- solon
|
| |
“BUMILI ng boto,” ito ang naging payo ni Makati Rep. Teddyboy Locsin kung gusto umano nila mandaya ngayon automated election.
Malaki ang paniniwala ni Locsin, chairman ng HOuse committee on electoral reforms and suffrage, na napakahirap umano na makapandaya ang mga kandidato ngayong automated elections.
Kahapon sa ginawang joint hearing sa House of Representatives, nagsagawa ng isang demostrasyon ang Commission on Elections (Comelec) at ang Smatmatic-TIM ng precinct count optical scan (PCOS).
Personal na sinubukan ng mga miyembro ng House committee of electoral reforms and oversight ang PCOS na ilang segundo lamang binasa na agad ang balotang kanilang sinubukan bomoto.
sinabi pa ni Locsin na napakahirap na ma-hack ang 82,000 PCOS na gagamitin sa nationwide automated election sa Mayo 10.
“The comfort levels were raised tremendously, very good and very high. It is so hard to cheat. In fact it is virtually impossible to cheat,” ani Locsin sa panayam ng mga reporter.
“I urged through media, I urge our candidates who want to cheat, please, please bumili na lang kayo ng botante kasi sayang ang pera if you try to cheat through the machines, you won’t do it, you won’t succeed,” dagdag pa ni Locsin.
Ayon naman kay Comelec Chairman Jose Melon na hindi papayagan na lumapit ang isang indibidwal na hindi naman otorisadong lumapit sa PCOS machine, na mahigpit namang babantayan ng Pulis at military.
Pero aminado naman si Melo na posibleng hindi matuloy ang eleksyon, “Magkakaruon ng failure of election kung kunyari lindol tayo.”
Payo naman ni Melo sa mga kurap na kandidato, huwag ng gumastos pa ng malaki para subukan ang ma- hack ang PCOS machine dahil mabibigo lamang umano sila, bagkus mainan umano na bilhin na lamang nito ang kanyang makakalaban.
“kung ako ang mag corrupt, at hack ko ang machines na ito eh bilhin ko na lang ang election, kc malaki ang gastos,” ani Melo.
|
| |
|