Pakikipagtalik sa iba't ibang kapareha, sanhi ng pagkamatay ng mga kababaihan
|
| |
DAHIL sa pagiging hindi tapat sa asawa o sa kapareha umano ang isang dahilan, kung bakit ang HIV/AIDS ang isa sa pinakadahilan ng pagkamatay ng mga kababaihan na nasa reproductive age sa buong mundo.
Batay sa ulat ng UN program on HIV/AIDS(UNAIDS) sa pasimula ng AIDS conference sa New York, sinabi ni UNAIDS Executive Director Michel Sidibe na sa pangkalahatan, 70 porsyento umano ng mga kababaihan ang napipilitan sa unprotected sex.
"By robbing them of their dignity, we are losing the opportunity to tap half the potential of mankind to achieve the Millennium Development Goals," ani Sidibe.
Sa paniniwala naman ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay, epekto umano ito ng pakikipatalik ng kalalakihan sa magkakaibang kapareha. Dagdag pa niya, “men and women should practice restraint when it comes to sex. Morality and monogamous relationships should be strengthened.”
Dahil sa nakababahalang ulat ng UN, muling minungkahi naman ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson ang pagsusulong ng Reproductive Health Bill upang maiwasan ang pagkalat at paghawa ng nasabing sakit.
“kaya kailangan yung RH bill as a public health measure against diseases especially aids,” ani Joson.
Nabatid pa sa ulat na nagiging balakid sa pagsugpo ng AIDS sa kababaihan ang nararanasang karahasan na nagreresulta ng hindi ligtas na pakikipagtalik.
Sa kasalukyan, wala parin natutuklasan pamamaraan ang mga dalubhasa kung anong serbisyo ang nararapat na tutugon sa pangangailangan ng mga kababaihan pagdating sa sakit na HIV/AIDS.
Batay pa sa tala ng UN, ang sub-Saharan Africa ay nakapagtala ng 60 porsiyento ng populasyon na may AIDS ay pawang mga babae.
Dahil sa nakakaalarmang paglaki ng kaso ng HIV/AIDS sa kababaihan, mas higit pang pag-iigtingin ng UN ang pangangalap ng datus at analisa kung paano nakakaapekto ang AIDS sa mga babae, at kung anong paraan upang mapigilan ang paglaganap ng karahasan laban sa female population sa mundo.
|
| |
| |
|