Meralco magtataas ng singil sa kuryente
|
| |
“MAGBAYAD MUNA KAYO!” ito ang nanggagalaiting pahayag ng isang militanten Kongresista, sa panibong banta ng pagtataas ng kuryente ng Meralco.
Giit ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod, may overcharge pang dapat ibalik ang Manila Electric Company (MERALCO), kaya wala pa umano silang karapatan na magtaas ng buwanang singil sa kuryente.
“dapat bayaran nila ang overcharging ng Meralco,” ani Maglunsod sa pamamagitan ng telepono.
Nilinaw din ng Kongresista na walang karapatan na magtaas ng generation charge ang Meralco dahil hindi umano nila ito saklawa bilang distributor ng kuryente.
“dapat tutulan natin yan dahil hindi responsibilidad ng Meralco na magpataas ng generation charge dahil ang prangkisa nila ay sa distribution at dapat i-rollback pa ang presyo ng kuryente dahil sa overcharging ginawa nila mula 2003 as per COA audit report,” sabi pa ng KOngresista.
Matatandaan na pinaliwanag ni Ivanna de la Peña, Meralco vice president for utility economics, na magkakaroon ng malaking karadagan singil sa generation charge para sa buwan ng Marso, dahil umano sa mahal na benta generation company na pinagmumulan ng kuryente.
Sa nakaraang buwan ng Pebrero tumaas na umano ng P4.9303 per kilowatt-hour ang generation charge , hamak na mataas ng P1.01 per kWH ng mga nakalipas pang buwan.
Paliwanag pa ni De la Peña na asahan na tataas pang hingit ang generation charge ngayon buwan, dahil na rin sa pahirapang pagkuha ngayon ng pagmumulan ng enerhiya, ang pasisimula ng tag-init at ang mahal na presyo ng kuryente mula sa independent power producers (IPPs).
|
| |
Speaker Nograles nababahala sa pagdami ng zombie sa buong bansa
|
| |
NABABAHALA si SPEAKER Prospero “Boy” Nograles Jr. sa patuloy na pagdami ng zombie sa Davao City maging sa buong bansa.
Kaya umapila ito sa Commission on Elections na tanggalin na sa listahan ng mga botante ang mga maraming beses na nagparehistro at zombie registrant.
Nagbanta din si Nograles ng failure of election kapag hindi tuluyan na sugpo ng Comelec ang mga zombie sa voters list, bilang mandato ng KOngreso na umakto bilang Board of Canvassers para sa eleksyon sa pagkapangulo at Bise Presidente na pinagtitibay ng Omnibus Election Code, magdudulot umano ng pagbagal ng pruseso ng eleksyon na na posibleng mauwi pa sa failure of election.
sa pagtataya ni Nograles tinatayang nasa 3 milyon hanggang 5 milyong boto umano ang manggagaling sa mga multiple at zombie registrant na magdadala ng tagumpay o kabiguan sa mga kandidato mapalokal man o sumasabak sa national position, particular na ang tumatakbo sa pagkapangulo at bise president.
"I fully subscribe with the observation of congressmen that this decision of the Comelec to simply put up a watchlist to check these multiple registrants and zombie registrants is an invitation to civil chaos. We are thirsting for a clean and credible elections and this is the very reason why Congress pushed for the full automation of our electoral process so I find it very ridiculous and very unacceptable that they rely on a highly unreliable watchlist," ani Nograles.
Nababahala din si NOgrales sa talamak na zombie sa Davao City na una ng binulgar ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting(PPCRV). Na sa paniniwala ni Nograles na ang isang kuwesyonableng resultang ng eleksyon ay magdudulot umano ng pagkakaantala ng proclamation ng nanalo na posibleng mauwi pa sa “civil unrest”.
Sinabi ni Nograles na natuklasan ng PPCRV na sa Davao City ang may pinakamaraming multiple registrants kabilang na ang kapatid anak at kamag anak ng mga kaalyado ni Mayor Rodrigo Duterte.
"Our various surveys indicate that we will be expecting a very close fight especially in the presidential race and I'm sure the leading contenders will do anything and everything to win. This issue on multiple and zombie registration can be used as an excuse to sabotage the proclamation of winners. The Comelec should leave any room for such scenario because this is very, very dangerous to our democracy," ani Nograles na tumatakbo bilang Mayor ng Davao City.
|
| |
Mall na mawawalan ng kotse dapat managot
|
| |
May-ari ng mall dapat managot sa nawala o nasirang kotse na nasa kanilang paradahan Hiniling ngayon ng isang mambabatas ang agarang pagsasabatas ng panukalang naglalayong magpataw ng pananagutang sibil sa mga krimen na naganap o magaganap sa loob ng parking spaces ng mga commercial establishments.
Ayon kay Rep. Irwin C. Tieng (Party-list, BUHAY), may akda ng House Bill 7176, nararapat lamang ito sa mga shopping malls, hotels, restaurants, hospitals at iba pang commercial establishments dahil naniningil naman ang mga establisimyentong ito ng bayad sa bawat oras na mag-iiwan ng sasakyan ang kanilang parokyano.
“Ang mga establisimyentong ito ay nagawa pang makaisip ng paraan upang kumita ng malaki at ito ay parking spaces business, samantalang dapat lamang na sila ay nagbibigay ng libreng serbisyong ito dahil parokyano naman nila ang gagamit ng mga espasyong ito,” ani Tieng.
“Ang mas nakakadismaya pa e kahit na nagbabayad na ang mga nag-iiwan ng kotse sa kanilang paradahan para makapamili sa kanilang shopping mall, o sa kaso ng hospital, makapagpagamot, aayaw pang panagutan ng mga establisimyentong ito kapag me nasira o nanakawan sa iniwan mong sasakyan sa kanila,” dagdag pa niTieng.
“Hindi ito naaayon sa nilalaman ng R.A. 7394 ng Consumer Act of the Philippines na naglalayong bigyan ng proteksiyon ang mamimili at parokyano laban sa mga pang aabuso ng mga negosyente,” paliwanag pa ni Tieng.
Ayon pa sa mambabatas marami ng insidente ng nakawan sa loob ng kotse at ng mismong kotse sa mga parking spaces ng malls at iba pang katulad na establisimiyento kahit na mayroon pang guwardiya na nakatalaga ditto.
Sa ilalim ng panukala, na mas tatawaging Parking Liability Act, kabilang na sa maaaring managot sa mga nakawang nagaganap sa mismong loob ng bayarang parking spaces ang may ari, nagpapatakbo, at namamahala ng mga parking lots na ito.
“Ang panukalang ito ang siyang magpapatatag sa layunin ng pamahalaan na bigyang proteksiyon ang interes ng mamimili, isulong ang kanilang pangkalahatang kapakanan at magtatag ng patas na batayan sa pagnenegosyo at industriya,” ayon pa kay Tieng.
|
| |
Grant covering fire safety technology for long term care service institutions sought
|
| |
Nursing homes, hospice facilities and other residential care program institutions may finally be protected by latest fire safety technology once a bill authored by a Party List Representative is approved.
Rep. Narciso D. Santiago (Party-list, ARC) said House Bill 7064 mandates the Secretary of Health to extend grants to institutions providing long term health care in order to help secure the needed fire safety technology for their establishments.
“A state grant to promote and provide professional retrofit installation of fire alarm detection system and other fire detection and prevention technologies in long term health care facilities will go a long way towards protecting both the institutions and our loved ones in their care,” Santiago said. Citing data from the Bureau of Fire Protection, Santiago there was a total of 8,823 fire incidents nationwide in 2006 which resulted in 271 deaths, 596 injuries and an estimated of P3.2 billion worth of damage to properties.
“Institutions providing long term care services find themselves in a constant dilemma of having to choose between allocating their resources on safety facilities and addressing the needs of their clients directly,” Santiago said.
“As most of the institutions cater to the less fortunate, the establishments are often forced to make the decision of having to take only one of the more urgent options,” Santiago added.
Upon approval of the measure, the Secretary of Health shall establish a program to award grants to licensed or certified nursing homes, hospice facilities, assisted living facilities, residential care program facilities, board and care facilities, and any other long term care facilities, for the purpose of retrofitting such homes and facilities with any professionally installed fire alarm detection system or other fire detection and prevention technology
|
| |
|