MALING PAGPAPATUPAD NG EPIRA DAHILAN NG POWER CRISIS
|
| |
PINAGTANGGOL ng isang Kongresista ang makontrebersyal na EPIRA law, na kung maayos lamang na naipatupad ang EPIRA law na naisabatas noon pang 2001, hindi sana mahaharap sa kasalukuyang problema ang bansa, partikular na sa Mindanao.
Ang pahayag ay nanggaling kay Deputy Speaker Arnulfo Fuentebella na naninindigan na hindi na kailangan pa ang emergency powers para sa pangulo.
“I made this conclusion following an analysis of the power supply demand and dependable capacities at that point in time and projected growth demand,” ani Fuentebella sa kanyang sulat na ipinadala kay Speaker Prospero C. Nograles nitong March 4, 2010.
Sa paniniwala ni Fuentebella “delays in the implementation of EPIRA.” Sinisisi naman ng Kongresista ang Energy Department at ang Energy Regulatory Commission (ERC) na siya sana umanong dapat magpatupad ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Ang mga pagkaantalang ito, dagdag pa ng mambabatas.
Batay pa sa sulat ni Fuentebella sa mga unang mga ERC official na dapat magpatupad ng EPIRA ay nagakawa ng kung ilang maling desisyon na nakaapekto sa financial viability ng mga distribution utilities. Ilan sa mga maling desisyon ay ang pagpapataw ng generation rate automatic mechanism (GRAM) at incremental currency exchange rate adjustment (ICERA) na sanhi upang hindi mabawi ang buong generation cost.
“This uncertain regulatory environment discouraged potential investors from coming in,” dagdag pa ni Fuentebella.
Dahil sa kamaliang ito, naantala umano ang pagsasa-pribado ng independent power producer administrator (IPPA), nasa 70% na umanong kumpleto noonh 2004. Nito lamang 2006 at nang ma-appoint na si Mr. Jose Ibazeta’s sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSLAM) nagkaroon ng linaw ang pagsasapribado.
“We are close to 70% once the ILIJIAN IPPA contract is privatized. Still, that’s almost nine (9) years in the making. We wasted several years (the overcapacity years) before we were able to privatize,” ani Fuentebella.
Pero ang hakbangin ito ang mariing tinututulan ng mga militanteng Kongresista, sa panayam kay Anakpawis Rep. Joel Maglunsod sa pamamagitan ng Telepono, sinisisi ng Kongresista ang mga may likha ng EPIRA law na siyang nagbibigay problemang pang enerhiya sa bansa.
“dahil nga sa Epira law may tumitindi ang power shortages sa mindanao ang layunin ng Epira for privatization at layunin ng privatization ay profits wala sa interes ng mamayan,” ani Maglunsod.
Binigyan diin naman ni Fuentabella na malaki din ang pagkukulang ng Department of Energy (DOE), mandato umano na taun-taon na gumawa ng power development plan upang makasabay ang enerhiya sa asalukuyang panahon, pero dahil sa hindi nito nagamapan mabuti ang kanilang trabaho na harap ang bansa sa matinding krisis sa enerhiya.
|
| |
Villar gumastos ng bilyong piso sa tv ads
|
| |
MALAKI ang paniniwala ni Liberal Party stalwart Sen. Kiko Pangilinan na ang paggastos ng bilyong piso sa ni Nacionalista Party(NP) Sen. Manny Villar sa kanyang political ads ang dahilan kung bakit hindi niya maungasan sa survey ang pambato ng LP na si Sen. Noynoy Aquino.
"Despite being the first candidate to run in the presidential derby, and an unprecedented ad buy of over one billion pesos since November of last year, Sen. Villar continues to fall short of his ultimate objective––that of overtaking Sen. Noynoy," ani Pangilinan.
Sa apat umanong survey malaki umano ang pagkakaiba ni Aquino at Villar, pero iisa lamang umano ang malinaw na sinasabi “Sen. Noynoy consistently leads in all of them.”
Sa bagong Pulse Asia Survey nanguna si Aquino kay Villar na may datus na 36-29; ang sa SWS Survey naguna pa rin si Aquino ng dalawang puntos (36-34); sa Manila Standard Survey na nanguna pa rin si Aquino na may 36 kontra kay Villar na 34; habang sa TNS Survey labing isang puntos ang nagging layo ni Aquino sa bilyonaryong si Villar (41-30). Ang mga nasabing survey maliban sa TNS Survey ay ginawa bago matapos ang buwan ng Enero at ng buwan ng Pebrero.
"The numbers themselves are rather inconsistent; in one survey Sen. Noy's numbers in Mindanao are double that of Sen. Villar's; in another, Sen. Noy's lead in the same island is only three points. We are, however, happy to see that our people have not allowed themselves to be swayed by the deluge of Villar ads on TV," pagmamalaki ni Pangilinan.
Ayon sa AGB Nielsen, gumstos umano si Villar ng P120 million mula Pebrero 9 hanggang Marso 2 sa TV advertisement pa lamang. Na kung susumahin umano mula unang araw ng Nobiyembre ng nakaraang taon hanggang Marso 2 ngayon taon aabot umano sa P1.3 bilyon ang ginagastos na ni Villar, na masmalaki pa rin kahit pagsamahin pa ang ginastos ng apat niyang karibal sa pagkapangulo sa kanilang tv ads.
Si dating Pangulong Joseph Estrada ay pumangalawa kay Villar na may gastos na P88 milyon, sumunod si Sen. Aquino na may P87 million at Sen. Richard Gordon na may P67.3 milyon, habang si Administration party bet Gilberto Teodoro Jr. ay gumugol na ng P60.4 milyon para sa TV commercials simula ng campaign period.
"This only proves that our people will not support a leader who has been tainted by corruption nor one who is associated with the corrupt. The surveys show that Filipinos want a decent, honest leader they can trust––and they see that in Sen. Noy," sabi ni Pangilinan.
|
| |
|