Mapanirang text message laban sa kandidato, dapat imbestigahan ng NTC at comelec
|
| |
MARIING kinundina ng isang Kongresista ang paggamit ng SMS(Short message system) or text upang siraan ang karibal sa politika.
Kung kaya, hiniling ni buhay partylist Rep. Irwing Tieng sa National Telecomunication Commission(NTC) at maging sa Commission on Election(Comelec), na imbestigahan ang makabagong pamamaraan upang magpalabas ng black propaganda.
Hindi lang sa nakakasira sa pagkatao ng pinatutungkulang kandidato, malaking abala din umano ito para sa mga subscribers na walang kaalam-alam na nakuha na pala ang kanilang numero kahit wala silang pagsang-ayon.
"dapat siguro tignan nila dahil kawawa naman ang mga subscribers," ani tieng sa pamamagitan ng telepono.
Minungkahi din ng Kongresista na pagtulungan ng NTC at ng Comelec maging ng mga Telecos na mamonitor ang mga paglaganap ng mapanirang text messages.
"dapat siguro magtulungan ang NTC at Comelec at siguro ng mga telecos ang pagmonitor dito sa mga text blast na to na hindi lang nakakasira nakakaabala pa ng mga cellphone users," dagdag pa ni tieng.
Matatandaan na una ng umalma si Liberal party (LP) standard bearer Sen. Noynoy Aquino sa mga paninira sa kanya gamit ang SMS, partikular na ang paggamit sa kanyang pamangkin nasi Joshua na anak ni Kris Aquino at may kapansanan naman sa pag-iisip.
mahihirapan naman na maghabol ang isang indibidwal na tinukoy sa mapanirang text messages, dahil hindi naman batid kung kanino galing ang SMS.
|
| |
Noynoy, Obsessed na maging Pangulo
|
| |
"OBSESSED sa kapangyarihan," ito ang paniniwala ng mga Kongresista kay Liberal Party presidential bet Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, matapos na magbanta na lilikha siya ng isang body upang patunayan ang umano'y mga katiwalian ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Para kay Rep. Pedro Romualdo (Lone District, Camiguin) masyado umanong "presumptuous" si Aquino para magbigay ng ganitong pahayag, ganung hindi pa naman siya nauupo bilang pangulo ng bansa. “Such statement comes from someone who is not ambitious but obsessed with power.”
Payo naman ni romualdo na subukan muna niyang mahalal bilang Pangulo, bago magbilang ng sisiw si Aquino.
Giit pa ni Romualdo na masyado umanong bukas si Aquino, hindi sa kung ano ang kanyang plataporma para sa mamayan, bagkus sa matinding galit nito sa kay Pangulong Arroyo. "His is a politics of vengeance and that is frightening.”
Tila ginising naman ni Romualdo si Aquino na hindi lamang siya nag-iisang kandidato sa pagkapangulo, at marami siyang katunggali na nais din masungkit ang pinakamataas na puwesto sa bansa.
Hindi pa rin umano nakakatiyak si Aquino na siya ang mananalo, dahil lamang sa pangunguna sa survey, at hindi umano niya dapat makalimutan na ang kasalukuyang Pangulo ay nanalo kahit hindi nangunguna sa survey.
naniniwala naman si Rep. Danilo Suarez (3rd District, Quezon) na dapat tularan ni Aquino ang mabuting asal ng kanyang pinsan na si administration bet Gilbert “Gibo” Teodoro, na hindi naninira sa kanyang mga pahayag.
“Gibo is an exemplary candidate because he never throws mud even at his perceived fiercest rival. He’s so unlike Noynoy who’s taking everyone down with his statements so unbecoming,” ani Suarez.
Nanawagan din si Suarez kay Aquino na tigilan na ang paggamit ng mga makasaysayang nakaraang, tulad ng pakikipaglaban ng kanyang mga magulang upang maingat lamang niya ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo.
“Noynoy should write his own story, be his own man and present what he has to offer. If he cannot do that, then he has no business getting elected to lead this country,” sabi ni Suarez.
|
|