Hindi nagbabayad ng buwis, mananagot kay Noynoy
|
| |
MANANAGOT kay Liberal Party (LP) standard-bearer Noynoy Aquino ang mga manloloko sa buwis at kahit pa ito ay kabilang sa kanyang mga sumusuporta sa kanya, kabilang na ang ilang malaking korporasyon, kung hindi magbabayad nang tamang buwis kung siya ay mauupong pangulo.
Layunin ni Aquino na makalikha ng bilyon-bilyong pisong kita na higit na kinakailangan para mapondohan ang mahahalagang programa ng kanyang administrasyon.
“We have no choice. Lahat naman ng negosyanteng kausap natin, sabi, apektado sila dahil masama ang negosyo at may pinapaborang iilang negosyante,” ani Aquino.
“Karamihan naman, ‘di pinapaboran. Nagbabayad nang tama, ba’t hindi parehas?” dagdag pa niya.
Naniniwala si Aquino na hindi na kinakailangan pa ng panibagong pagpapataw ng ng buwis ang kailangan umano ang mabawi ang nawawalang kita ng gobyerno, na nagkakahalaga ng P280 bilyon kada taon, dahil sa smuggling at tax evasion.
Giniit pa ni Aquino na hindi na umano mahihirapan pa ang kanyang administrasyon na habulin ang mga hindi nagbabayad ng buwis, dahil batid na umano ng mga ahensiya kung sino-sino ang bigtime smugglers at evaders.
Idinagdag ni Aquino na kanyang ilalatag ang mga epektibong pamamaraan ng pangongolekta ng buwis para lumaki ang kita mula sa 12-13 porsiyento ay maging 17 porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP).
“My vision is to transform our country into one where we have lower tax rates enjoyed by all, rather than have some enjoy absolute tax exemptions while we burden the rest of the economy with very high tax rates,” sabi ni Aquino.
Pero hindi naniniwala dito si Anakpawis Rep. Joel Maglunsod na gagawin ni Aquino na singilin ng tamang buwis ang kanyang mga negosyanteng sumusuporta sa kanya.
“hindi po ako naniniwala gagawin niya yon lalo na sa negosyanteng supporter ni Aquino,” dagdag pa niya, “bahagi kampanya ngayong eleksyon yan at may karanasan kami na hindi naipatupad mga pangako tulad ng hacienda luisitsa hanggang ngayon wala pang hustisya ga biktia ng masaker.”
Bagkus minungkahi ni Maglunsod na “i-repeal ang eVat at rvat para mabenepisyo ng mayoryang mamayan.”
|
| |
NO EL LUTO NA, DAHIL SA RULLING NG SC
|
| |
HINDI matutuloy ang eleksyon at lalawig pa ng panunungkulan ni Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo, ito ang nakikita ng mga militanteng Kongresista sa naging pasya ng Korte Suprema na maari pang magtalaga ng Chief Justice ang kasalukuyang administrasyon.
Naniniwala si Gabriela party-list Rep. Luzviminda Ilagan dahil sa rulling ng Kataas-taasang hukuman, kinumpleto umano nito ang lahat ng rekado para magkaroon ng failure of election sa Mayo, na magreresulta ng pananatili pa sa poder ni Pangulong Arroyo.
“It’s already complete. We’re just waiting the announcement of failure of election,” ani Ilagan.
Kabilang din sa sahog ng nilulutong failure of elections at pagpapalawig sa puwesto ng Pangulo, ang pagkakatalaga kay Gen. Delfin Bangit bilang bagong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines.
Pangpalasa naman ang mga pekeng party list na uupuan ng mga kaalyado ng Pangulo at ang walang katiyakang magtatagumpay ang makabagong paraang pagboto.
At kung kapag nabigo na umano ang automated election, at mauwi sa kaguluhan ang lahat, saka umano papasok ang Korte Suprema bilang unang kakampi ng pangulo.
“kung magkakagulo o kaya ay may question about election results, no doubt ang SC ang unang kakampi ni President Arroyo,” sabi ni Ilagan.
Nagbanta naman si Anakpawis party-list Rep. Joel Maglunsod, na magreresulta sa malakang kilos protesta ang naging rulling ng Korte Suprema. dagdag pa niya, “Kung gagamitin lang ni Pangulong Arroyo ang SC para sa failure of election, magkakaroon ng pagkilos ang mamamaya dahil tutol ang tao sa plano niyang manatili sa kapangyarihan.”
Para naman kay Ilagan, possible din mauwi sa panibagong People Power, kung sakaling magkaroon ng failure of elelection.
“Mukhang patungo tayo diyan. Kung matutuloy iyan plano nila, magkaka-People Power na naman dahil tiyak na magagalit ang tao,” giit niya.
Umaasa naman si AKbayan party-list Rep. Walden Bello sa Korte Suprema na maskilalanin nila ang naunang desisyon.
“All is not lost. The Supreme Court has the power to settle this peacefully. I hope they will reconsider their decision,” ani Bello.
|
|