CIA survey minaliit ni Noynoy
|
| |
MINALIIT lamang nina Liberal Party (LP) standard-bearer Noynoy Aquino at Mayor Hernani Braganza ang resulta ng Center for Issues and Advocacy (CIA)survey na pumapagalawa lamang ang Senador kay Nacionalista Party (NP) presidential candidate Manny Villar.
Dinurog naman ni Aquino ang kredibilidad ng CIA ni Ed Malay na dating tagapagsalita ni dating pangulong Fidel Ramos, na noong 1998 presidential elections umano
isang sarbey ang inilabas na nagsasabi na ilalampaso ni Jose de Venecia Jr., na noo’y kandidato ng administrasyon sa pagkapangulo si PMP stadard bearer at dating Pangulong Joseph Estrada.
“It was Malay who said, with all due respect to Manong JDV, he will win by a landslide. So I hope Mr. Malay is consistent, if (Villar) is number one that means I will be the winner,” ani Aquino.
“I don’t know him (Malay), I never met him, I don’t know if he has any ill will towards me. All I can say is he has not been consistent with the rest of the surveys that were already established. According to his detractors in 1998 he predicted not only Manong JDV’s victory but a landslide victory for him,” dagdag pa ni Aquino.
Matatandaan na halos pakainin ng alikabok ni Estrada si De Venecia, makaraang lumabas ang resulta na nagsasabi na si Estrada ang tinanghal na Pangulo noong 1998.
Pinagdiinan naman ni Braganza, pamangkin ni Ramos, na itinatwa na ng opisina ng kanyang tiyuhin ang anumang koneksiyon sa CIA ni Malay.
“Let me reiterate and repeat, the former president had issued a statement that he is not in any way connected with those surveys nor did he commission Ed Malay to conduct those surveys,” ani Braganza.
|
| |
Listahan ng papalit kay Chief Justice Puno, pagbobotohan na
|
| |
INAASAHAN na pagbobotohan na ng Judicial and Bar Council (JBC)sa darating na Abril 5 at 6, kung sino ang maihahanay sa listahan ng posibleng pumalit kay Supreme Court (SC) Chief Justice Reynato Puno Jr.
Kahapon sinabi ni Quezon City Rep. Matias “Mat” Defensor, kinatawan ng Kongreso sa JBC, na nasa finishing stage na umano ang grupo bago sila magsubmit ng mga pangalan sa Pangulo sa lalong madaling panahon.
“Ang update sa JBC is that we are just continuing the process of nominating. Nasa halos huling stage na kami and by April 5 or 6, we will vote for it,” ani Defensor, chairman ng House committee on justice.
Una ng nagdesisyon ang Korte Suprema na pinapayagan ang Pangulo Arroyo na magtalaga ng posibleng pumalit kay Puno na magreretiro sa darating na Mayo 17, habang ang apila naman ay nanatili pa ring dinidinig.
Binanggit naman ni Defensor na pinagpipilian ng JBC sina SC Justices Antonio Carpio at Conchita Carpio- Morales at Justices Arturo Brion, Renato Corona, at Teresita de Castro kabilang din si Sandiganbayan Associate Justice Edilberto Sandoval.
Nilinaw naman ni Defensor na sinama pa rin nila ang pangalan ng magpinsan na sina Carpio at Carpio- Morales kahit pa una na nilang sinabi na tatanggapin lamang nila ang nominasyon kung hindi si Pangulong Arroyo ang magtatalaga.
“Hindi pa napapag-usapan (to delist Carpio and Carpio-Morales) but I think kung personally, dapat sila ay ma- nominate rin dahil we cannot preempt President Gloria Macapagal-Arroyo. She might not appoint, so the incoming President will be able to appoint,” ani Defensor.
|
| |
Villar na duwag kay noynoy, hamong debate, inisnab
|
| |
MISTULANG nabahag ang buntot ni Nacionalista Party(NP) standard bearer Sen. Manny Villar sa hamon ni Liberal Party(LP) bet Sen. Noynoy Aquino na mag-one-on-one debate sila.
Sa tagal kasi ng tugon ng kampo ni Villar sa hamon ni Aquino, at sa dami ng emisaryong pinadala nanatili umanong tikom pa rin ang bibig ng NP kung saan gaganapin ang debate at kailan.
Dahil dito, mistulan ng nainip si Aquino at pagtutuunan na lang umano niya ng pansin na maproteksyunan ang kanyang boto, sa posibleng vote buying.
"Tinanong ko uli over the weekend an gaming pinadalang emisaryo, hanggang ngayon walang sagot. Pero may ibang debate, baka pag natanong sila baka pwede kami bigyan ng kopya ng format at petsa at lugar baka pwede namin i-fit ang schedule," ani Aquino.
"Sa ngayon klaro sa akin pinadala ko ang spokesperson namin ang emissary si Edwin Lacierda at 2x ko tinanong I think in succeeding weeks ang feedback sa akin, walang response. But at some point in time kung ayaw niya, di ko na pag-aksayahan ng oras na hintayin siya sumagot. Mas mabuti kausapin ko ang aking supporter at maghanda para sa vote protection," dagdag pa niya.
Matatandaan na hinamon ni Aquino si Villar na magdebate, makaraan na halos magtabla sila sa mga survey.
|
|