Mangangampanya sa mahal na araw, hindi dapat iboto - solon
|
| |
“HUWAG IBOTO,” ito ang panawagan ng isang militanteng Kongresista sa mga botante na iboykot ang kandidatong hindi marunong rumespeto sa kabanalang araw ng semana santa.
Sa pananaw ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod, nagpapakita lamang ng kawalan ng respeto at pagiging oportunista ang mga kandidatong gagamitin pa ang panahon ng pagtitika ng mga krisyano ngayon mahal na araw, para lamang makapagkampanya.
Isa rin umano itong malinaw na palatandaan ng isang delikadong lider kung sakaling maupo sa puwesto sa pamahalaan.
“Dapat iboykot at hindi iboto dahil simpleng pagrespeto nagpapakita ang yaong kandidato na oportunista mas lalong delikado manalo ang oportunistang kandidato dahil vulnerable sa korupsyon,” ani Maglunsod.
Nauna ng pinagbawal ng Commission on Election (comelec) sa binaba nilang Resolution 8758 ng Fair Elections Practices Act, “It is unlawful for any person, whether a voter or a candidate, or for any political party, or association of persons to engage on election campaign or partisan political activity on Maundy Thursday, Good Friday, on the eve of elections and on election day.”
Nilinaw din ng Comelec na possible na ma-disqualify ang mga kandidato at mapatawan ng parusa ang sinomang mahuhuli na namimigay ng political paraphernalia’s, maglulunsad ng mga campaign rallies.
Suportado naman ni Maglunsod ang hakbanging na COMELEC na nagpapakita lamang umano ng pagrespeto sa tradisyon ng simbahang katoliko, na may pinakamalaking miyembro sa buong bansa.
“Dapat lang suportahan ang panawagan para mabigyan din ng respeto ang tradisyon ng ating mamamayan bilang kristiyano mga dalawang araw lang yon,” ani Maglunsod.
|
| |
Civil revolt sa eleksyon, kapag hindi na linis ang voters list
|
| |
MAUUWI umano sa isang “civil revolt” kung hindi mabubura ng Commission on Elections (Comelec) sa listahan ng mga botante ang mga multiple at dead registrants.
Hinala ni Anakpawis party-list Rep. Joel Maglunsod, kung magpapatuloy na magmatigas ang Comelec na linisin ang kanilang voters’ list, malaki umano ang posibilidad na mauwi sa kaguluhan ang halalan sa Mayo 10.
“Magkakagulo talaga iyan dahil obvious na magkakaroon ng dayaan. Dapat noon pa nila nilinis iyan, hindi dapat nila ipasawalang bahala iyan,” sabi ni Maglunsod.
Dismayado naman si Speaker Prospero Nograles sa Comelec sa patuloy na pagsasawalang bahala nito na maalis ang mga “flying voters” sa master list ng ahensya.
Ganun sapat umano ang panahon ng Comelec maging ang pondo nito, para matiyak ang malinis na halalan gamit ang makabagong paraan ng pagboto.
“The Comelec seems to be providing the right excuse for some people to stir civil chaos. The Comelec's lack of pro-active thinking is also very frustrating,” ani Nograles.
Matatandaan na ibinulgar ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na may 40,000 multiple at double registrants sa Davao City at Davao del Sur.
Kasunod nito ang paghahain ni Nograles na tumatakbong alkalde ng Davao City nang isang “petition for mandamus” sa kataastaasang hukuman, upang utusan ang Comelec na kumilos na at linisin ang nakatakdang dayaan sa halalan.
“Instead of relying on a so-called “watchlist” which the poll body said would be adequate to address the problem on multiple/double registrants and dead registrants,” sabi pa ni Nograles.
Sa pagtataya ng PPCRV, 2.3 milyon hanggang 5 milyon ang double/multiple registrants sa buong bansa. Para kay Nograles na kung makakalusot ang mga mandarayang botanteng ito, sasapat na umano ang bilang na ito para makahalal ng isang Pangulo o Bise Presidente.
|
|