Pagpapalaya sa mga Ampatuan, alam ng Pangulo?
|
| |
BATID umano ng Pangulong Gloria arroyo na mapapawalang sala sa kasong rebelyon ang pamilya Ampatuan na kinabibilangan ni Datu Andal Ampatuan, Sr. At Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. Na pinaghihinalaang pumatay sa 57 katao, kabilang ang 31 mamamahayag sa Ampatuan Maguindanao.
Sa pagtataya ni independent Nueva Ecija Rep. Edno Joson, simula umano na magbaba ng martial law ang Pangulong Arroyo, na nagresulta ng pagkakadakip ng mga Ampatuan at paghahain ng kasong rebelyon, alam umano ng pamahalaan na mapapalaya din ang mga ito sa kaso na ang gobyerno din ang naghain.
“drawing lang, o sinadya ang martial law para mapawalang sala ang mga Ampatuan, pinaikot-ikot lang tayo,” dismayadong pahayag ni Joson na isa ring abogado.
Dahil dito lumakas ang hinala ni Joson na bahagi ng pagpapalaya sa mga Ampatuan ang napipitong failure of election, na malaki umano ang maitutulong ng pamilya ampatuan para maikasatuparan ito.
“kasama sa script yan ng failure of election,” giit pa ni Joson sa pamamagitan ng telepono.
Kahapon pinawalang sala ng Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) sa kasong rebelyon ang angkan ng Ampatuan na kinabibilangan. Sa 18-pahinang kautusan ni Presiding Judge Vivencio S. Baclig ng QC RTC Branch 77, sinasaad dito na nabigo ang prosekusyon na patunayan na nagplanong mag-ipon ng puwersa ang mga Ampatuan upang mag-aklas sa pamahalaan.
Matatandaan na napalaki ng tulong na ginawa ng pamilya Ampatuan kay Pangulong Arroyo, matapos na sa Maguinadanao nakakuha ng pinakamalaking boto ang Pangulo noong 2004 eleksyon.
Nakikita naman ni Joson na si Mayor Unsay Ampatuan Jr. ang isasakripisyo ng pamilya, kapalit ng pagpapalaya masnakakaraming miyembro ng ankan na pansamantalang nakakulong.
“ang sacrificial lamb dyan si Andal Jr., kapalit ng pagpapalaya sa masmaraming miyembro,” sabi pa ni Joson.
|
| |
Pag si Villar ang manalo, PGMA magiging Speaker - Noynoy
|
| |
MAUUWI umano sa isang “civil revolt” kung hindi mabubura ng Commission on Elections (Comelec) sa listahan ng mga botante ang mga multiple at dead registrants.
Hinala ni Anakpawis party-list Rep. Joel Maglunsod, kung magpapatuloy na magmatigas ang Comelec na linisin ang kanilang voters’ list, malaki umano ang posibilidad na mauwi sa kaguluhan ang halalan sa Mayo 10.
“Magkakagulo talaga iyan dahil obvious na magkakaroon ng dayaan. Dapat noon pa nila nilinis iyan, hindi dapat nila ipasawalang bahala iyan,” sabi ni Maglunsod.
Dismayado naman si Speaker Prospero Nograles sa Comelec sa patuloy na pagsasawalang bahala nito na maalis ang mga “flying voters” sa master list ng ahensya.
Ganun sapat umano ang panahon ng Comelec maging ang pondo nito, para matiyak ang malinis na halalan gamit ang makabagong paraan ng pagboto.
“The Comelec seems to be providing the right excuse for some people to stir civil chaos. The Comelec's lack of pro-active thinking is also very frustrating,” ani Nograles.
Matatandaan na ibinulgar ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na may 40,000 multiple at double registrants sa Davao City at Davao del Sur.
Kasunod nito ang paghahain ni Nograles na tumatakbong alkalde ng Davao City nang isang “petition for mandamus” sa kataastaasang hukuman, upang utusan ang Comelec na kumilos na at linisin ang nakatakdang dayaan sa halalan.
“Instead of relying on a so-called “watchlist” which the poll body said would be adequate to address the problem on multiple/double registrants and dead registrants,” sabi pa ni Nograles.
Sa pagtataya ng PPCRV, 2.3 milyon hanggang 5 milyon ang double/multiple registrants sa buong bansa. Para kay Nograles na kung makakalusot ang mga mandarayang botanteng ito, sasapat na umano ang bilang na ito para makahalal ng isang Pangulo o Bise Presidente.
|
|