Adam Corolla, persona non grata - solo
|
| |
MARIING kinundina ng mga militanteng Kongresista ang pag-alipusta ng isang Italian-American Comedian at TV/radio host kay peoples champ Manny Pacquiao, maging sa sambayanang Pilipino.
Nagkakaisa ng pananaw sina Anakpawis Rep. Joel Maglunsod at Nationalista Party(NP) guest Candidate at Gabriela Rep. Liza Maza, na nararapat lamang na ideklerang persona non grata si Adam Corolla sa pagmamaliit nito kay Pacquiao at pagtawag sa Pilipinas na sex store.
Para kay Maglunsod na napalaking paghamak hindi lamang kay Pacquiao maging sa sambayanang Pilipino, “dapat lang kondenahin at ideklarang persona non grata ng Gobyerno sa Pilipinas.”
Dagdag pa niya, “napakairesponsable at arogante ginagawa nya, napakababa ang pagtingin niya sa ating mga Pilipino.”
Humihiling naman si Maza ng public apology kay Corolla sa hindi nakakatawa niyang kumento hinggil sa mga Pilipino, dapat din umano kundinahin ng mga Pilipino at hindi tanggkilikin ng mga Pinoy na naninirahan sa America ang kanyang mga programa.
“dapat kondenahin si Adam Corolla at ideklarang persona non grata. Dapat siyang magbigay ng public apology, siya ay isang racist,” ani Maza sa pamamagitan ng telepono.
Matatandaan na minaliit ni Coralla ang kakayanan ni Pacquiao na isa umanong illiterate, “All you ____ got is just an illiterate guy who happens to smash other guys in the head better than other people."
Maliban kay Pacquiao, minaliit din nito ang Pilipinas na isa umanong bilihan ng laman.
“All they have over there (in the Philippines) is Manny Pacquiao and sex stores. What happens when Floyd Mayweather beats him? Does your country go into depression?" dagdag pa ni Carolla.
|
| |
|