Barko ni Gibo, papalubog na - Nograles, tatalon kay Villar
|
| |
TULUYAN ng mawawalan ng puwersa ang pambato ng Lakas-Kampi-CMD na si dating Defense Sec. Gilbert “Gibo” Teodoro, kapag natupad na ang “grand exodus” o malakihang paglipat ng mga miyembro ng lapian sa ibang partido.
Inaasahan na anomang araw ay pangungunahan di umano ni Speaker Prospero Nograles ang mahigit 30 Kongresista, upang kumalas sa lapian ng administrasyon at mag-over-the-bakod sa Nacionalista Party(NP), para suportahan ang kandidatura ni NP presidential bet Manny Villar.
Batay sa isang mapagkakatiwalaang source, nag-ugat ang usapin ng paglipat ni Nograles at ng may 30 miyembro ng Lakas Kampi CMD, makaraang iproklema ni Davao City Mayor Rodrido Duterte ang buong niyang suporta sa kandidatura ni Benigno “Noynoy” Aquino III.
“In the coming days, the Speaker and at least 30 congressmen might finally bolt the administration party,” sabi ng source.
Tumanggi naman ang source na tukuyin kung sino-sino ang maghuhudas kay Teodoro, na pawang mga tapat naman kay Nograles sa Mababang Kapulugan ng Kongreso.
Naniniwala naman si NP Senatorial guest Candidate Gabriela Rep. Liza Maza, na nagpapatunay lamang umano ng ang paglitapat nila Nogreales sa NP mula sa Lakas-kampi-CMD, na papalubog na ang barko ni Teodoro at magtatalunan sa masmalakas na kandidato.
“sinking ship na yung kay Gibo (Teodoro), kaya tatalon sila sa malakas na kandidato, siguro nakita nila na malakas na kandidato si Villar,” ani MAza sa pamamagitan ng telepono.
Pero ang paglipat ng mga Kongresista, kabilang na si Nograles ay matagal na umanong nag-ugat, dahil sa hindi makayanan ng Pamahalaan na maresolba ang mga kaso ng extra-judicial killing sa Mindanao lalo na sa Davao City .
“Nograles and his allies have grown frustrated because all of their concerns are not being addressed by the administration, including the demand for adequate government response to the political killings and summary executions in Davao City ,” paliwanag pa ng source.
Sinisisi din ng source ang pagkakatalaga kay Presidential Consultant for Special Projects Madeline “Bebot” Marfori, bilang “political point man” ng administrasyon sa Davao City, kung bakit tumalon ng NP si Nograles mula sa iningatan Lakas-Kampi-CMD.
“With all these considerations, the Speaker has only one option left and that is to support Sen. Villar who is a competent, experienced and intelligent candidate,” pagdidiin pa ng source.
Pinaliwanag naman ng source na si Villar ang napili ng Sinabi pa ng source na hindi umano naniniwala ang mga kongresista na mareresolba ang political killings at summary executions sa Davao City kung mahalalal man si Gilbert Teodoro ng Lakas Kampi at Sen. Benigno Aquino Jr sa pagka-pangulo.
“Ang administrasyon walang ginagawa sa mga killings at si Noynoy ay kumampi sa human rights violator eh nakakatakot mangyayari sa Davao pag nanalo itong si Nonoy at Duterte. Napakatahmik din ni Gibo sa mga killings eh ,so what's the use of being in Lakas?” diin pa ng source.
|
| |
NP baliw na sa paghahabol kay Aquino
|
| |
NABABALIW na ngayon sa paghahabol ang kampo ng Nationalista Party ni Manny Villar sa 12 porsiyentong kalamangan ni Liberal Party bet Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III sa survey.
Kaya sa paniniwala ni Liberal Party senatorial candidate at Muntinlupa City Rep. Rufino Biazon, desperado na umano ng NP kung bakit ang black propaganda o dirty tactics na ang kanilang tinatakbuhan.
“They are now resorting to dirty tactic or black propaganda to pin down Noynoy’s trust rating. But this move has no effect nor advantage for them (NP),” paniniyak ni Biazon.
Naniniwala din ang Kongresista na hindi maapektuhan ng mga paninira kay Aquino ang desisyon ng mga butante, na matagal na umanong nakapamili, kahit anong pang gawin ng kampo ni Villar.
“At this point of time kasi, nakapag-decision na tao ang mamamayan who are they going to vote and sa tingin mas naniniwala o mas pinagkakatiwalaan nila si Noynoy,” sabi pa nito.
Imbes na makahabol si Villar sa survey kay Sen. Aquino, malaki ang tiwala ni Biazon, malamang madoble pa ang lamang ng pambato ng LP sa NP. “With four weeks left, Noynoy’s lead over Villar would not decrease anymore. Baka nga madagdagan pa and still double digit lead pa rin.”
|
| |
Comelec pinagpapaliwanag sa nawawalang pangalan ng mga first time voters
|
| |
PINAGPAPALIWANAG ng isang militanteng Kongresista ang Commission on Elections (Comelec). Hingil sa mga reklamo na marami sa mga first-time-voters na nagparehistro sa kasagsagan ng voter’s registration extension period ang hindi nakasama sa opisyal na listan ng mga botante sa darating na eleksyon sa Mayo.
Ayon kay Kabataan Rep. Raymond “Mong” Palatino na marami silang natatanggap na reklamo mula sa Quezon City na hindi naisama ang kanilang mga boto, dahil maituturing umano silang “supplement voters.”
“Does this mean that they are not ensured of their right to vote on May 10? The Comelec has some explaining to do,” ani Palatino.
Samantala, muli namang umapila si House Speaker Prospero C. Nograles sa Commission on Elections na ipatupad sa Davao City ang umiiral na total gun ban sa bansa.
Sa katunayan sa Davao City, mismong mga opisyal pa ng barangay at maging mga motorcycle-riding goons na walang takot na kumakalat sa lugar na walang atubiling ipakita sa publiko ang kanilang baril.
Idagdag pa umano dito ang New People's Army (NPA) na malayang umiikot sa mga barangay upang manakot ng mga tao at mga boluntaryong nangangampanaya para sa mga lokal na kandidato, at puwersahang paghingi ng protection money ang grupo ng makakaliwa.
Ibinulgar pa ni Nograles na dahil sa patuloy na pagtanggi ng Comelec na isa ilalaim ang Davao City sa full Comelec control, marami na ang nagbuwis ng buhay, kabilang na dito ang campaign volunteers ng Bantay Party-list group na pinamumunuan ni retired Major General Jovito Palparan, na kilalang anti- communist advocate at kritiko ni Mayor Rodrigo Duterte.
"Ilang buhay pa ang dapat magbuwis bago kumilos ang Comelec? Hanggang kailan pa magbibingi-bingihan ang Comelec sa ating panawagan?," daing ni Nograles.
Na una ng binulgar ni Nograles ang natuklasan umano ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa master list ng comelec na humigit-kumulang sa 40,000 multiple/double at dead registrants sa Davao City at Davao del Sur. kung saan kabilang dito ang mga kapatid at anak umano ni Mayor Duterte.
Sa pagtataya ng PPCRV ay mayroong 3 hanggang 5 milyong multiple/double at dead dead registrants sa buong bansa at ayon kay Nograles, "sapat na ang bilang na ito upang madetermina kung ano ang magiging resulta ng eleksiyon sa darating na May 10 elections.
|
| |
|