Nograles hindi suportado ni Ocampo
|
| |
HINDI suportado ng militanteng Kongresista na tumatakbo bilang Senador sa ilalim ng lapian ng Nacionalista ni Sen. Manny Villar ang posibleng pag-anib ni House Speaker Prospero Nograles mula sa Lakas-Kampi-CMD.
Para kay Makabayan Party at guest candidate ng Nacionalista Party(NP) na si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, magkakaproblema silang kung makikipag-alyansa si Nograles kay Villar.
Tahasan din sinabi ni Ocampo na nasa kabila na kaalyado sila ni Villar, hindi umano nila masusuportahan si Nograles kung sakaliman tumulon ito sa NP, aniya “Sa Makabayan problematic yan, kahit di kami kasapi ng NP. Bukas ang mutual support namin ni Mayor Rodrigo Duterte. Kalaban ni Nogie(Nograles) sa Davao City. Di namin masuportahan si Nograles sa mayoral candidacy niya.”
Naniniwala naman si Nueva Ecija Rep. Edno Joson na ang pressure mula sa lokal na eleksyon ang dahilan ni Nograles sa posible nitong pagtalon sa NP mula sa partido ng administrasyon.
“dahil sa local na laban nila ni Duterte, hindi siya puwede sumama sa mahinang presidentiable at nasa frontrunner kalaban niya,” dagdag pa niya sa pamamagitan ng telepono, “so ultimately all politics is national ang trend at apektado ang laban sa local.”
Ganito rin ang paniniwala ni Quezon Rep. Danilo Suarez na ang maramihang pagkalas ng mga miyembro ng lakas-Kampi-CMD at ni Nograles, inaasahan na rin umano bilang resulta ng papainit na eleksyon sa lokal.
“I think the reason there is local politics. Duterte and Nograles are fighting for Davao City. Since Duterte is with Noynoy (Aquino of Liberal Party), maybe Nograles thinks he has a better chance with Manny (Villar),” ani Suarez.
Ganun paman, tiniyak naman ni Suarez na kung sakaling tuluyan ni Nograles ang pagkalas sa Lakas, “not a loss to the Lakas-Kampi.”
Nanatili naman ang suporta ng mga taga-Iloilo na kaalyado ng Adminitrasyon, si Iloilo Rep. Janette Garin na nangako pa na titiyakin niya na makakakuha ng sapat si Lakas-Kampi-CMD bet Gilbert Teodoro sa kanyang distrito. Habang tiniyak naman ni Passi Mayor Jesry Palmares na makakakuha ng landslide vote si Teodoro sa kanyang nasasakupan na may 47,000 na butante.
“Gibo has a clear platform of government. He is brilliant and exudes a no-nonsense kind of leadership. The very first time I met him, he immediately caught my attention,” ani Palmares.
Matatandaan nitong mga nakalipas na araw naglabas ng hinanakit si Nograles sa kanyang inaanibang partido, maging sa pambato nila na si Teodoro. Giniit din nito na posible na magkaroon ng alyansa sa pagitan nila ni Villar, habang nauna naman sinuportahan ni Liberal Party Standard bearer Sen. Noynoy Aquino ang kalaban nitong si Mayor Rodrigo Duterte. Makakalaban ni Nograles sa pagkaalkade ng Davao City ang anak ng kasalukuyang Mayor.
|
| |
|