Balimbing ngayon eleksyon, hindi dapat iboto - solon
|
| |
HINDI dapat pagkatiwalaan ang mga kandidatong babalimbing ngayong eleksyon.
Ito ang panawagan ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod sa mga botante na suriin mabuti ang kanilang bibilugang kandidato sa balota, partikular na ang mga kandidatong mahilig mag-iwan ng mga kapartido.
Naniniwala si Maglunsod na tangan ng isang kandidatong mahilig bumalimbing ang pagiging oportunista at walang palabra de honor, at tanging ang pangsariling interes lamang umano ang iniisip ng mga ito.
“dapat hindi na natin paniwalaan ang ganoong klaseng mga kandidato, dahil malinaw na oportunista at walang palabra de honor,” ani Maglunsod sa pamamagitan ng panayam sa telepono.
Matatandaan na habang papalapit na ang eleksyon sa Mayo 10, kabila-kabila na ang pagtalunan ng mga kandidato mula sa partido ng Lakas-Kampi-CMD, patungo sa lapian ng oposisyon.
Kabilang sa mga lumundag si dating former Economic adviser Albay Governor Joey Salceda na mula sa lapian ng administrasyon tungo sa partido ng Liberal, inaasahan naman ng KOngresista na titindi pa ang pagbabalimbingan ng mga kandidato habang papalapit ang botohan.
Para kay Maglunsod, malinaw umano na hindi paglilingkod sa bayan ang tunay na layunin ng mga kandidatong balimbing, bagkus ang paglilingkod nila ay “para maproteksyonan ang naghaharing uri na mananatili sila sa poder at patindihin ang pagsasamantala sa masang anakpawis.”
Minungkahi naman ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson na magkaroon na lamang ng iisa partido sa bansa, ito ay upang maiwasan ang pagbabalimbing ng mga kandidato. Mainam umano kung tutularan natin umano ang Japan na may isang party rule at kanya-kanyang faction na lamang sa loob ng partido.
“kahit dalawa pa(party rule) balimbingan pa rin so one party rule na lang, kanya kanyang faction na lang sa loob ng partido. Na parang LDP ng Japan,” ani Joson sa pamamagitan ng telepono.
|
| |
Hello Garci scandal - mauulit ngayon eleksyon - solon
|
| |
NABABAHALA ang isang militanteng Kongresista na muling maulit ang Hello Garci scandal ngayon paparating na eleksyon.
Ang takot ni Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, baka magkaroon muli ng dayaan sa halalan, kapag ipatupad ang manual election sa ilang bahagi ng bansa na hindi maabot ng automated elections.
Ang pangamba ni Colmenares ay nag-ugat matapos na aminin ng Commission on Election (Comelec) at ng Malakanyang na tatlumpong porsiyento ng 2010 elections ay posibleng mano-manong paring ang sistema ng halalan.
Paliwanag ng Kongresista na hindi ginawa ang automated ballots para sa manual counting, dahil dito posible umano na mauwi sa dayaan, pagkalito at kaguluhan ang lugar na masasakop ng mano-manong halalan, na labis na umanong pakikinabangan ng kandidato ng administrasyon.
“Kung noon ay mahirap mag-switch ng balota dahil ang isang manual ballot ay magkaiba, ngayon madali ng i-switch ang automated ballots dahil magkakapareho lang maliban sa shading,” ani Colmenares.
Paliwanag pa ni Colmenares, dahil hindi na magagamit pa ang security checks sa automated ballots kapag ginamit ito sa manual counting, madali na umano madadaya ang resulta ng eleksyon, gamit ang pekeng automated ballots.
“It’s possible that 15 million fake automated ballots, 30% of registered voters, are now being printed,” sabi pa ni Colmenares.
At kung magiging mano-mano umano ang proseso ng bilangan gamit ang makabagong balota, madali umano madadaya ang resulta sa pamamagitan ng “overshading and invalidating the votes of opposition candidates”.
“It is easy to see the candidate “shaded” by the voters considering size and format of the ballots,” dagdag pa niya.
Kaya nanawagan ang Kongresista sa Comelec na kung magkakatotoo ang kanilang pangamba, na hindi lahat ay masasakop ng automated election, mainam umano na ngayon pa lamang ay mag-imprenta na ng mga balota na sukat para sa mano-manong paraan ng halalan.
“A hybrid election counting is more dangerous. We also demand full transparency in the printing of these ballots and other important election documents,” giit pa ng Kongresista.
|
|