BANGAYAN SA PARTIDO NG ADMIMINISTRASYON, LUMALAKAS
|
| |
NAGKAKALASAN at tila-hindi na magkakampi ang mga pangunahing miyembro ng partido ng Lakas-Kampi- CMD, matapos magpasaringan sina SPEAKER Prospero “Boy” Nograles Jr. at administration presidential candidate Gilberto “Gibo” Teodoro Jr..
Buwelta ni Nograles, walang karapatan si Teodoro na tawaging traditional politicians (Trapos) ang mga miyembro ng Lakas-Kampi-Christian Muslim Democrats (CMD) na lilipat sa ibang lapian.
Tinawag pa ni Nograles si Teodoro na isang “hitch hiker” sa makinarya ng Lakas-Kampi-CMD, upang mapagyabong niya ang kanyang pangpolitikang interes.
“Who is trapo? Was he not an NPC (Nationalist People's Coalition) before he became Lakas? I have been a Lakas since I joined politics and I'm still Lakas up to now. So who's the real trapo?” tanong ni Nograles, dating pangulong ng partido ng administrasyon at tumatakbong alkalde ng Davao City.
Pinatitigil naman ni Xavier Manglapus, pangulong ng Lakas-Kampi-CMD si Nograles sa mga banat nito sa pambato ng administrasyon, dahil “Teodoro is doing the right thing.”
“If it is true that Lakas is collapsing, then the blame should be on others that have held the leadership of the party for so long. Obviously this was their fault that a firm foundation was not established,” dagdag pa ni Manglapus.
Pinagtanggol pa ni Manglapus si Teodoro sa pasaring ni Nograles na nagawa umanong lumipat ng dating kalihim ng defense sa NPC, dahil maskomportable umano ito sa Lakas-Kampi-CMD, na tulad din umano ni Nograles sa pag-alis nito sa LDP para lumipat sa partido ng administrasyon.
Sa panig naman ni Teodoro, giniit nito na malalaman lamang umano ang tunay na kasangga ng administrasyon, sa pananatili at pagsuporta sa pambato ng lakas-kampi-cmd.
“Defections are a reality in politics which we have fully accounted for at the beginning of the political exercise. They will allow us to work with our real supporters without having to bear the baggage of those who only pretend to support us. Just like a ship which has been rid of barnacles, it will be a smother ride to an honorable victory,” ani Teodoro.
|
| |
Martial law sa basilan, hindi na dapat - solon
|
| |
UMALMA si Liberal Party (LP) senatorial bet Rufino Biazon sa mungkahing magdeklara ng Martial sa Basilan, matapos kasunod na pinakahuling pag-atake doon na ikinasawa ng labinglimang katao.
“I don't think martial law should be declared. I do not think there is a need because the ASG are not rebels, they are terrorists,” ani Biazon.
Giit ni Biazon na sapat na umano na pairalin ng pamahalaan ang Human Security Act upang masawata ang teroristang grupong Abu Sayyaf.
“In dealing with the terrorist, I think the Human Security Act is sufficient to deal with the asg, which also authorizes warrantless arrests,” sabi pa niya.
Imbes na Martial, naniniwala naman si Gabriela party-list Rep. Luzviminda Ilagan, na masmasusugpo ang mga bandido kung paigtingin pa ang police at military action.“Hindi na kailangan. Dapat tugisin ang mga ASG. All that is needed is police action not Martial Law.”
Sa pagtataya ng Kongresista na posibleng napikon ang ASG sa gobyerno, dahil sa pagpapasikat ng Militar na nagawa nitong pautiing ang bilang ng mga bandido. Idagdag pa umano ang pagyayabang ng Pangulo ng nakaraang State of the Nation Address (SONA) na magagawang buruhan sa Mindanao ang teroristang grupo ng kanyang administrasyon.
“Sa SONA pinagyayabang niya na mauubos na ang ASG. Inuna kasi nila ang yabang. Ngayon bakit hindi nila ma-wipe out?,” sabi pa ni Ilagan. (JOMA)
|
| |
Metro Manila hindi dapat maging kampante sa bombing incident sa Basilan
|
| |
NANAWAGAN si Buhay Party list Rep. Irwin Tieng sa taumbayan na manatiling mapag-bantay sa posibleng pag-atake ng bandidong Abusayyaf Group(ASG) sa Metro Manila.
“we must remain vigilant because terrorist in Mindanao are just a plane or boat ride away from Metro Manila,” paalala ng Kongresista.
Paliwanag ni Tieng, limitado lamang ang dami ng Pulis sa Metro Manila para mabantayan ang bawat kilos ng mga masasang loob na gustong manggulo sa Metro Manila, masmalaki umano ang maitutulong kung papairalin umano ng bawat isa ang pagiging mapagbantay, “vigilance is the price of liberty.”
Mariing naman kinundina ng Buhay Partylist na pinangungunahan ni Bro. Mike Velarde ng grupong El Shaddai ang pag-atake sa mga simbahan, eskuwelahan maging sa mga sibilyan. Umapila naman si Tieng na huwag tignan ang nasabing pag-atake bilang hidwaan sa pagitan ng Kristiyano at Muslim, malinaw umano na isang pag-atake ito sa mamamayan na nagmamahal sa kapayapaan ng Basilan.
“we call for sobriety among all concernd and not to see this issue as being an attack of Muslim against Christians and Muslim,” dugtong pa niya sa pamamagitan ng panayam sa telepono, “ both Christian and Muslim are victims of these attacks.”
Una ng Kinundina ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang pagbomba sa isang simbahan sa Basilan na kinamatay ng 15 katao ng nakaraang Martes.
“The Catholic Church is against any form of violence, harassment, intimidation and threat to human life,” ani CBCP president Nereo Odchimar.
Labis naman kinalungkot ni Basilan Bishop Martin Jumoad ang pagkasira ng katidral dahil sa pag-atake ng ASG, na tinayo noong pang-1970, na puwedeng magkasiya ang may 1,400.
“I am frustrated but God has his way. This is a challenge, this is an eye opener for all of us, for us to pray more and practice to even Love our enemies,” ani Odchimar.
Meanwhile, the Commission on Elections said it was studying to declare Basilan an election hotspot. Commissioner Gregorio Larrazabal said the poll body could put the province under its control even without a petition from local executives.
|
| |
Pinas Malalagay sa Guinness dahil kay Joc Joc - Noynoy
|
| |
MALALAGAY sa Guinness Book of World Records ang Pilipinas kung sakaling manalo pa bilang Gobernador ng Capiz si former agriculture undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante.
Ito ang paniniwala ni Liberal Party(LP) standard bearer Sen. Noynoy Aquino na tanging sa Pilipinas lamang umano mangyayari na manalo ang isang indibiwal na sinasangkot sa katiwalian, laban sa kasalukuyang Gobernador ng probinsiya na si Gov. Victor Tanco.
“Pag dito di mananalo ang kalaban ni Vic Tanco, papasok sa Guinness na only in the Philippines. Ako proud na Filipino. At karamihan ng Pilipino, paniwala ko alam ang tama sa mali,” sabi ni Aquino sa mga mamahayag.
Matatandaan na dinidikit kay Bolante ang umano’y pagiging architect sa pagaganso ng P728 milyon pataba para sa mga magsasaka upang magamit umano bilang pondo sa kampanya ni Pangulong Arroyo noong 2004 election, na napapaulat na may coalition kay Sen. Villar ng Nacionalista Party, bilang cofounder at vice chair ng Ugyon Kita Capiz (UKC).
Sakabila ng ganitong alegasyon kay Bolante, suportado ng may 12 sa may 17 Mayor ng Capiz, kabilang na si Vicente Bermejo ng probinsiya ng Roxas City na dating kaalyado ng Roxas sa loob ng 25 taon ang pagtakbo nito bilang Gobernador ng probinsiya.
Para kay Aquino, malaking insulto umano sa mga taga -Capiz kung si Bolante ay manalo pa sa pagka- Gobernador ng kanilang probinsiya, ganun paman umaasa pa rin ang Senador na mananalo pa rin si Tanco na nangako kukuha ng landslide vote para sa pambato ng LP.
“Siguro mananalo yan (Tanco), sama na (big) budget (ng kalaban) mga 3 times and lamang (kay Bolante). Kung walang magic baka times five,” sabi pa niya.
“So dito walang kapag-a-pag-asa siguro si Jocjoc Bolante at pag nangyari yan (manalo sya), baligtad na yata ang mundo kaya palagay ko imposibleng mangyari,” dagdag pa ni Aquino, “Kung kailangan magha-house- to-house gagawin ko rito pero di kailangan, ang laki ng lamang ni Vic Tanco, sobra ang lamang ni Tanco.”
Tinugligsa din ni Aquino ang pamahalaan sa pagiging double-standard nito pagdating sa hustisya, dahil si Bolante ay tinatamo ang kalayaan habang tumatakbo pa bilang Gobernador, samantalang si NBN-ZTE witness Rodolfo “Jun” Lozada ay nakulong sakabila ng pagsagip nito sa taumbayan sa pagbabayad ng $329 milyon.
“In effect, in his (Bolante) case it is very clear there is a justice system for those allied with the admin and a system for those opposed to the administration. In this particular case justice is not blind,” ani Aquino.(JOMA)
|
| |
|