Paglaya ng 2 ampatuan, dayaan sa ARMM asahan na - solon
|
| |
ASAHAN na ang dayaan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao(ARMM) sa paglaya ni suspended ARMM Governor Zaldy Ampatuan ang pinsan nitong si Mamasapano Mayor Akmad Ampatuan.
Ito ang naging babala ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod, kung sakaling tuluyan ng makalaya at makabalik sa puwesto ang dalawang miyembro ng Ampatuan na sinasangkot sa brutal na pagpatay sa 57 katao kabilang ang 32 mamahayag.
Sinabi pa ng Kongresista na talamak umano na dayaan sa eleksyon ang mga Ampatuan, upang maipanalo ang kandidato ng administrasyon. “ notorious sa dayaan ang mga Ampatuan kaya pinalabas ni PGMA (Pangulong Gloria Macapagal Arroyo) ang dalawang Ampatuan para masiguro ang panalo ng mga kandidato ng Administrasyon.”
Dagdag pa ni Maglunsod, “kawawa ang mga pamilya at biktima ng Ampatuan masaker.”
Hindi rin nagustuhan ni Bukidnon Representative at Liberal Party Senatorial Candidate Teofisto “TG” Guingona sa desisyon ng Department of Justice na ibasura ang reklamo ng murder charges laban sa dalawang miyembro ng prominenteng angkan ng Muslim na may kaugnayan sa pag-masaker ng 57 katao noong isang taon.
Naniniwala si Guingona sa makabubuti sa Pangulong Arroyo na huwag makulong ang mga Ampatuan, dahil hawak ng mga ito ang ilang mabibigat na impormasyon na maaring ikasama ng papalabas na pangulo. Ang mga Ampatuan ay kilalang malapit na ka-alyado ni GMA at sila rin umano ang nagdala ng kamangha- manghang 12-0 panalo para sa administrasyon noong halalan ng 2007. they were credited with the delivery of the fantastic 12-0 count during the 2007 elections.
“As a token of her gratitude, GMA allowed them to run their own private army as part of a containment strategy against Muslim rebels in the south, and run the province of Maguindanao as they saw fit. When someone stood up and said ‘enough’, what to they do? They seek Malacanang’s blessing and gun down their opponents. Now, we are seeing to what extent this administration granted its allies impunity,” batikos ni Guingona.
Nanawagan naman si Maglunsod sa taumbayan na suportahan ang mga prosecutors na umalma sa naging dessiyon ng DOJ, malaking insulto umano sa tunay na hustisya ng bansa ang pagwawalang sala sa dalawang miyembro ng naghaharing uring angkan sa Maguindanao.
“kailangan suportahan sila mga prosecutors tama ang ginagawa nila nakakainsulto ginagawa ng DOJ,” dutong pa niya sa pamamagitan ng telepono, “si (DOJ Acting Sec. Ablerto) Agra talagang bayaran at tuta ni PGMA dapat lang magresign na siya ngayon nakakahiya siya sa judiciary.”
|
| |
| |
Gov. Salceda sa text lang nagpaalam kay PGMA
|
| |
INAMIN ni Albay Governor Jose Salceda na sa pamamagitan lamang ng short messaging system(sms) or text pinadaan niya ang kanyang pamamaalam kay Pangulong Arroyo na iiwan na nito ang Lakas-Kampi-CMD bago siya bumalimbing at lumipat sa Liberal Party.
Paliwanag ni Salceda na sa ibang bansa ang Pangulong Arroyo kung kaya hindi na umano nito nagawang magpaalam ng personal, “Mrs. Arroyo was in transit from New York to Madrid. I sent her a text message that I was moving to the LP. She did not reply. She does not reply unless she agrees with me.”
Naisipan na kumalas ni Salceda Lakas-Kampi-CMD at lumundag sa LP makaraang ibulatlat ni House Speaker Prospero Nograles ang kanyang sama ng loob sa administration standard bearer Gilberto Teodoro Jr..
Sa ngayon bilang chairman ng LP sa Bicol trabaho umano niya na maipanalo sa rehiyon si LP standard bearer sen. Noynoy Aquino, na minsan niyang nagging kaklase sa Ateneo de Manila University.
"My orders are to raise an army for Noynoy in Sorsogon, Masbate, and Catanduanes. Together with Naga Mayor Jess Robredo, we will put up a good fight in Camarines Sur," sabi niya.
Dagdag pa niya, “Voting for Noynoy is good for the country and it is always the right time when you go for what is right. I’m here because I am fighting for something noble.”
|
| |
|