Mga tinatanggihang donasyon ni Noynoy, napupunta kay Villar
|
| |
CAGAYAN DE ORO CITY- Si Sen. Manuel Villar pambato ng Nacionalista Party(NP) ang nagbebenepisyo sa mga tinanggihan campaign donor ni Liberal Party(LP) standard-bearer Benigno “Noynoy” Aquino.
Ayon sa Senador, “Ang iba doon pupunta sa kalaban namin. So pag tinanggihan namin may dagdagan sa kalaban naming but at the same time when you get in bed with them hindi mo kaya sila (pagbigyan).”
Sinabi pa ni Aquino, na nag-iingat sila sa pagtanggap ng donasyon at pagtanggi, dahil tinitiyak umano nila na ang layunin ng donor ay kapareho sa kanilang mga plataporma.
“E di kasi ganoon parati (ang labanan), net gain. Kung sumama sa atin ito, net plus o minus? Pag minus, hindi (tatanggapin),” sabi pa ni Aquino na nanatiling nangunguna sa mga survey.
Tiniyak din umano ng LP na hindi tumataya kay Villar ang mga nais na magbigay tulong sa kanyang kampanya.
“At the end of the day may benefit na maasahan ang salita mo. Pwede tayo magkalaban o magkakampi pero dapat may palabra de honor, walang taksilan,” ani pa ng Senador.
Tumanggi naman ang Senador na pangalan kung sino ang mga tumutulong kay Villar ang umalis na at nais tumaya sa kanyang kandidatura, bagkus sinabi nito na kuntento na ang LP sa tinatakbo ng kanilang kampanya.(JOMA)
|
| |
| |
Noynoy ayaw kay JDV, pero payag kay GDV
|
| |
CAGAYAN DE ORO CITY – mastatanggapin ng Liberal Party (LP) sa kanilang lapian si GDV (Ms. Gina de Venecia), kumpara kay JDV(Jose de Venecia).
Ayon kay Liberal Party standard-bearer Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, masmainam na suportahan si Manay Gina, kumpara sa kanyang asawa na dating House Speaker ng Kongreso.
“Si Manay Gina tanggap na tanggap namin (sa LP). Si JDV hindi naman tumatakbo kaya saan ko siya tatanggapin? Basta uulitin ko si Manay Gina walang problema. Wala kaming issue,” prangkahang sinabi ni Aquino sa mga mamahayag.
Tanong naman kay Aquino ng mga mamahayag kung bakit hindi niya masusuportahan si JDV, “Si Manay Gina kasangga natin, si Manay Gina mahusay na tao, si Manay Gina prangka kausap iyan,” tumatawang sagot ng Senador.
Paliwanag pa ng Senador na si Ms. De Venecia ay matalik na kaibangan ng kanyang yamaong Ina na si dating Pangulong Corazon C. Aquino.
“She had been there helping my mom. Manay Gina is somebody who has always told us the truth whether it’s good or bad,” sabi pa niya.
Tumatakbo bilang Kongresista ng ikaapat na distrito ng Pangasinan si Manay Gina, na dating puwesto ni JDV.
Siya ay tumatakbo sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition ni business tycoon Eduardo “Danding” Cojuangco Jr., tiyuhin ni Aquino, na nagpapahiwatig naman na gustong lumipat sa Partido ng Liberal.
Si Ginang De Venecia ay kaalyado ni Dagupan City Mayor Alipio Fernandez ng LP, pero malapit na kaibigan naman ni Pwersa ng Masang Pilipino bet President Joseph Estrada.
Ms. De Venecia ay stepmon ni PMP senatorial candidate Jose “Joey” de Venecia III, whistle-blower ng $329- million NBN-ZTE deal.
|
| |
2 kongresista nanawagan sa NPC na ituloy ang laban vs Ampatuan
|
| |
NANAWAGAN ang dalawang Kongresista sa pamunuan ng National Press Club(NPC) na pinamumunuan ni NPC president Benny Antiporda na huwag hayaan na basta na lamang bastusin ng Kagawaran ng Hustisya ang kaso ng Ampatuan Massacre.
Umaasa sina Buhay Partylist Rep. Irwin Tieng at Anakpawis Rep. Joel Maglunsod na sa pamamagitan ng pagtutok ng NPC at ng iba’t ibang grupo sa kaso ng Ampatuan Massacre, hindi na mauulit pa ang kalupitan na pagpatay sa may 57 katao, kabilang na ang 32 mamahayag.
“Oo dapat (ipagpatuloy ng NPC) dahil kung hahayaan lang nila ito mauulit at mauulit pa ito,” ani Tieng.sa pamamagitan ng telepono.
“Dapat tuloytuloy ang pagkondena sa pambabastos ng DOJ sa kaso ng ampatuan masaker,” dagdag pa niya, “hindi lamang sa mga media lalo na ang National Press Club, kasama ang mga mamamayan,” sambit naman ni Maglunsod sa panayam sa telepono.
Kaugnay naman nito, tinawag naman ni Maglunsod na demonyo ang mga Ampatuan, para kilalanin nila ang kanilang pag-indorso sa Anakpawis Partlist.
“hanggang ngayon kahit isang lider o miyembro ng Anakpawis hindi nakikipag-usap sa mga Ampatuan at hindi naming kailangan suporta nila mga berdugo at demonyo ang mga Ampatuan sa masang Anakpawis sa Maguindanao,” paglilinaw ni Maglunsod.
Muli naman inulit ni Maglunsod ang panawagang magbitiw sa puwesto si acting DOJ Sec. Alberto Agra, hingil sa umano’y taliwas na desisyon umano nito sa pagpapalaya sa dalawang Ampatuan.
|
|