Desisyon ng DOJ pinababago kay PGMA
|
| |
PINABABAGO kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang naunang desisyon ng Deparment of Justice na linisin sa Ampatuan Massacre ang dalawang miyembro ng naghaharing uring pamila ng Ampatuan sa Maguindanao.
Paliwanag ni Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, may karapata ang Pangulo na baligtarin ang naging ni Justice Secretary Alberto Agra, dahil appointee lamang umano ng Pangulo ang kalihim.
“It’s GMA’s decision not Agra’s decision because the Justice Secretary is just an appointee, he’s the alter ego of President Arroyo,”sabi ni Colmenares.
Sa panibagong testigo na magdidiin umano kina Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan at Mayor Akmad Ampatuan, nararapat umano itong ikonsidera ng Pangulong Arroyo para baligtarin ang naunang desisyon ni Sec. Agra na nagpapawalang sala sa kasong murder sa dalawa.
“So it means malakas talaga evidence that these two are part of the planning. Dapat lang siguro na i- reconsider nila ang nauna nilang decision,” giit pa nito.
Ganun paman, hindi na umano kikakailangan pa na linisin ang Pangulo ang kanyang sarili sa nakatakdang pagpapalaya sa dalawang Ampatuan, dahil hindi naman umano magdedesisyon si Agra kung walang nanggaling nabasbas mula sa kanya.
Pinayuhan naman ni Colmenares ang Pangulo na tulungan sagipin si Agra sa nakaumang na galit ng taumbayan, sa pamamagitan ng pagsibak nito sa posisyon.
“That’s the best thing she could do, Secretary Agra to save her herself from people’s condemnation and wrath,” sabi pa nito.
|
| |
Smartmatic-TIM at kumpanya na magdedeliver ng PCOS, ikulong
|
| |
NAIS ipakulong ng mga Kongresista ang mga may ari ng kumpanya na magdedeliver ng mga Precinct Count Optical Scan(PCOS) machine, na mawawalan ng makina at magagamit sa pandaraya.
Pagdidiin nina Buhay Parytlist Rep. Irwin Tieng at Gabriela Rep. Luz Illagan, kung mapapatunayan na nagkaroon ng kapabayaan sa pagdi-deliver ng PCOS machine, at magamit ang nawalang makina sa pandaraya, nararapat lamang umanong papanagutin ang mga may ari ng kumpanya, maging ang mga Smartmatic-TIM na magdadala ng mga makina sa bawat presinto sa bansa.
“ang pagdeliver ay trabaho nila. Kung magamit mn ang machines sa pandaraya, that’s the time kung sino man ang may kasalanan ang kasuhan,” sabi ni Illagan sa panayam sa telepono.
Dagdag naman ni Tieng, “dapat makulong sila kung mapapatunayan na sangkot sila sa pandaraya.”
Tiniyak naman ni Smartmatic Asia president Cesar Flores na makukumpleto nila ang pagdeliver ng PCOS machine bago matapos ang Mayo 3.
“From now on, every day, there will be ballots leaving for different regions until May 3, when the ballots for the NCR [National Capital Region] will leave the warehouse. It’s going to be 100,000 different movements and operations,” ani Flores.
Tiniyak pa ni Flores na mahigpit na sinusubabayan ng Smartmatic TIM ang mga balota, PCOS machines, at ballot boxes hanggang sa makarating sa mga dapat nitong pagdalahan, partikular na sa mga lokal na oposina.
Nung nakaraang Sabado, dumating na umano sa 5,000 sa Lanao del Sur, Zambonga, Zamboanga Sibugay, Agusan del Norte, Agusan del Sur, at Bukidnon ang mga gagamitin sa eleksyon.
Nakasaad naman sa batas na 3 hanggang 7 araw bago sumapit ang eleksyon, dapat madala sa mga presinto ang mga PCOS machine, para sa testing at seselyo ng mga gagamitin sa makasaysayang halalan.
|
| |
House panel di pinaburan ang pagtatayo ng planta ng bioethanol sa Cagayan de Oro
|
| |
Hindi pumabor ang House Committee on Ecology sa panukalang magtayo ang isang pribadong kompanya ng isang planta ng bioethanol sa Cagayan de Oro City sa dahilang possible umano itong makasira sa kapaligiran at sa mga lupaing ginagamit sa pagsasaka.
“Oo nga at may benepisyo sa ekonomiya ang pagtatayo ng isang bioethanol plant sa isng lugar, nakikita rin ng komite ang posibleng negatibong epekto nito sa kalapit na ilog at sakahan kaya’t napagkasunduan na irekomenda na lang ang paglilipat ng nasabing proyekto sa isang mas ligtas na lugar o sa lugar na idineklara bilang agro-industrial kung saan ito naaangkop,” ani Rep. Belma Cabilao, (1st District, Zamboanga Sibugay), chairperson ng komite.
Agad na ring inatasan ni Cabilao ang Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na iparating sa mga nagsusulong ng proyektong bioethanol plant ang nagging desisyon ng Komite.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Rep. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro, 2nd District), nagsulong ng House Resolution 852 na siyang komokontra sa proyekto, na nagsabi rin na dapat ay magsilbing babala sa mga nagsusulong ng kahalintulad na proyekto, ang nagging desisyon ng Komite.
“Hindi papayagan ng Kongreso na tuluyang masira ang ating kapaligiran at malagay sa kapahamakan ang buhay ng nakararami kaya ang ganyang proyekto ay hindi makakalusot sa tao at sa Kongreso,” ani Rodriguez.
Sinabi naman ni Cabilao na ang sinumang grupo o kumpanya na naglalayong magtayo ng bioethanol plant ay kinakailangang magsagawa ng pag-aaral sa pangmatagan at agarang epekto nito, partikular na yaong negatibong epekto nito, sa agrikultura, anyong tubig, o ilog at sapa, sa mga pinanggagalingan ng tubig na ginagamit at iniinom ng mga mamamayang naninirahan sa lugar, sa kaligtasan nga tao at sa paggamit ng umano’y zero-waste technology.
“Dapat ay siguraduhing bago pasimulan ang bioethanol plant ay sumunod ito sa mga alituntunin para sa kaligtasan, tulad ng paglalagay ng konkretong bakod, engineered moats, upang maalis ang takot ng mga naninirahan malapit ditto tungkol sa kontaminasyon ng kanilang sakahan, ilog, at sapa o dagat at groundwater sources,” ani Cabilao.
|
|