PAG-BLACKMAIL NG MGA NEGOSYANTE, BINATIKOS NI MARCOS
|
| |
BINATIKOS ni Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng Ilocos Norte ang banta ng mga kapitalista na mapipilitan silang magsara ng kanilang mga pabrika kung magbibigay sila ng wage increase sa mga manggagawa ngayong Labor Day, May 1.
Giniit ni Marcos, na isang uri ng pag-blackmail ang ginagawa ng ilang kapitalista, hingil sa pananakot nila na magsasara sila kapag pinilit ang dagdag na sahod.
“Malinaw na ginagawa nilang hostage ang mga manggagawa! Alam nilang kapit-sa-patalim kaya tinatakot nilang magsasara ang pabrika kung ipipilit ng mga manggagawa ang hinihinging dagdag-sahod,” sabi ni Marcos.
Hindi naman makapaniwala si Marcos na hanggang sa ngayon ginagamit pa rin katwiran ng mga negosyante na apektado pa rin sila umano’y financial crisis na nagaganap sa Pilipinas, kaya hindi umano na papanahon na maitaas ang kakapiranggot na suweldo ng mga obrero.
“Kung talagang apektado sila ng financial crisis, at talagang nalulugi sila, eh bakit hindi pa sila magsara ng kanilang negosyo? Ang problema, ayaw lang talaga nilang mabawasan ang kanilang tubo,” pahayag pa nito.
Katwiran ni Marcos, patuloy ang pagtaas ng mga pangunahing pangangailangan ng taumbayan, kaya nararapat lamang umano na masabayan din ito ng pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa na nagpapakahirap sa pabrika para sa kakarampot na kita.
“Paano mo pagkakasyahin ang sahod na P380 bawat araw? Paano na ang singil sa tubig at kuryente? Ang upa sa bahay? Dapat makita naman ito ng mga kapitalista,” paliwanag pa ni Marcos.
Ibinunyag din ni Marcos na sa kasalukuyan, maraming kapitalista ang patuloy na pinagsasamantalahan ang kanilang mga manggagawa tulad ng hindi pagbibigay ng tamang pasahod, walang regularisasyon, hindi pagre-remit ng SSS, walang benepisyo at pagbabawal na magtayo ng union.
|
| |
Noynoy lamang pa rin sa survey
|
| |
NANGUNGUNA pa si Liberal Party (LP) standard-bearer Noynoy Aquino, sa mga pinakahuling survey ng BusinessWorld- Social Weather Stations (SWS) at Manila Standard Today, na pinaniniwalaan ng lapian na pahiwatig umano ng landslide na panalo ng kanilang pambato sa Mayo 10.
Batays sa SWS poll na eksklusibo lamang para sa pahayagang BusinessWorld na isinagawa sa pagitan ng Abril 16 hanggang 19, nasa 12 porsiyento na ang kalamangan ni Aquino sa kanyang pinakamahigpit na katunggali na si Nacionalista Party (NP) presidential candidate Manny Villar o tatlong porsiyentong pagtaas sa naitala niya sa survey na isinagawa noong Marso 19-22.
Sa datus umangat ng isang porsiyento ang pambatong ng LP, habang nabawasan naman ng dalawang porsiyento si Villar na nagtala ng 26 porsiyento mula sa dating 28 porsiyento sa nakaraang survey.
Nanatili naman sa ikatlong puwesto si dating pangulong Joseph Estrada na na nalagasan din ng dalawang porsiyento mula sa 19 porsiyento pumalo na lamang ito ng 19 porsiyento. Kung nabasawan sina Villar at Estrada nagadagdagan naman ng tatlong porsiyento kung kaya nasa siyam na porsiyento na ang kanyang rating pero nananatili pa rin siya sa ikaapat na puwesto.
Ayon sa tagapagsalita ni Aquino na si Edwin Lacierda, nangingibabaw ang sentimiyentong anti-korupsiyon at hindi nasasagot o sadyang iniiwasan ni Villar ang mga isyung ipinupukol sa kanya.
“We hope that we will be able to convince more people in the upcoming surveys with our good news of anti- corruption and delivery of basic services,” dagdag pa niya.
Ayon sa BusinessWorld-SWS survey, may 2,400 rehistradong botante sa buong bansa ang nakilahok sa kanilang survey, nangunguna si Aquino sa lahat ng geographical areas at socio-economic classes.
Nauungusan niya si Villar sa National Capital Region, 35-18; 37-25 sa buong Luzon; 46-25 sa Visayas; at 33- 31 sa Mindanao.
Sa socio-economic classes, malaki ang naitalang kalamangan ni Aquino kay Villar sa ABC classes, 53-22, habang napanatili niya ang kanyang kalamangan sa D, 38-25, at E, 32-31, classes.
Sa Manila Standard Today poll, lumalabas na mas malaki ang agwat ni Aquino kay Villar dahil nakakuha siya ng 38 porsiyento kumpara sa 23 porsiyento na nakuha ng kanyang karibal mula sa NP.
Sa survey ng nasabing pahayagan noong Abril 18-20 na nilahukan ng 2,500 respondents sa buong bansa, iniiwan na nang tuluyan ng LP standard-bearer ang kanyang mga katunggali sa politika nang kanyang dominahin ang rating sa socio-economic classes at mga rehiyon. (JOMA)
|
|