MAZA HITS MERALCO DEAL WITH NOYNOY
|
| |
NACIONALISTA Party and Makabayan coalition senatorial candidate Rep. Liza Maza denounced the alleged deal between Liberal Party presidential bet Noynoy Aquino and the Manila Electric Company (Meralco) to forego the overcharging in electricity rates, if the latter is elected as President.
This developed as the Movement for Better Values (MBV) yesterday picketed the offices of the Meralco and the Energy Regulatory Commission (ERC) to protest recent increases in electricity rates and bared the alleged secret deal between Meralco and the Noynoy Aquino camp.
"Macapagal-Arroyo's legacy of high electricity rates since the approval of RA 9136 or the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) in 2001 and Noynoy's dream for the presidency bodes ill for consumers and the people," Maza said.
"The Noynoy deal with Meralco, if this is true, could be a portent of things to come. The ERC is already sitting on the excessive billings of Meralco proven by the COA audit. Should the deal push through, we are in for bigger electric shocks," Maza added.
Figures from Commission on Audit (COA) Audit Reports of MERALCO reveal overcharges by Meralcio of P8.552 billion and P4.375 billion in test years 2004 and 2007 for a total of P12.98 billion. The years 1987 to 2003, 2005, 2006 and 2008 were not included in the COA audit.
Based on MERALCO'S Audited Financial Statements for CYs 2003 to 2009, the overcharging could reach P15.4 billion.
From a capital base of P441.6-million, Meralco's capital ballooned to P39.2-billion or 8,896% in 21 years or an equivalent of 423.6% yearly gain.
"This far exceeds the 12% returns allowable by law for public utilities like Meralco. Instead of increasing power rates, Meralco should immediately refund consumers and the Noynoy camp should explain their dealings with this company," Maza said.
|
| |
NOYNOY, ISUSULONG ANG PROGRAMA SA KALUSUGAN AT NUTRISYON SA MGA PUBLIC SCHOOL
|
| |
NAIS ni Liberal Party (LP) standard-bearer Sen. Noynoy Aquino na isama ang programa sa kalusugan at nutrisyon sa mga pampublikong paaralan nang sa gayon ay mabawasan kundi man tuluyang maglaho ang nakababahalang bilang ng mga estudyanteng tumitigil sa pag-aaral mula sa mahihirap na pamilya.
“Why are a quarter of our young children (i.e. Grades 1-3 pupils) not able to cope with the rigor of daily schooling and dropping out? One of the reasons for the decline in the rate of school participation is the poor health of pupils,” pagbibigay-diin niya sa pinakabagong talakayan ng Coordinating Council of Private Educational Associations (Cocopea).
“This, in reality, is a health and nutrition problem. And GMA’s rice and noodles distribution are not the answer. The health and nutrition program must be supplemented by feeding program. Thus, an integrated school health intervention, including in-school feeding, should be the response,” ani Aquino.
Iniulat ng Department of Education (DepEd) na noong school year 2008-2009, aabot sa 823,935 mula sa 13,686,643 estudyante o tinatayang 6.02 porsiyento ang huminto sa pag-aaral ng elementarya. Sa high school naman, 503,907 mula sa 6,763,858 mag-aaral ang tumitigil sa pag-aaral, ayon sa DepEd.
Inihayag ng United Nations (UN) na napag-iiwanan na ang bansa ng Tarzania at Zambia sa larangan ng edukasyon at nanganganib na hindi nito maabot ang puntirya ng pagkakaloob ng universal primary education sa taong 2015.
Ani Aquino, tinitingnan niya ang edukasyon na hindi lamang kabilang sa mga pangunahing suliranin ng bansa kundi siyang sentral na estratehiya ng pagkalinga sa tao, pagbaka sa kahirapan, at pagpapalago ng pambansang kagalingan.
Kanyang sinabi na itataas ng kanyang administrasyon ang pondo sa edukasyon sa pamamagitan ng karagdagang P19 bilyon sa regular na P172.8 bilyon na dati nang natatanggap ng DepEd.
|
| |
Dagdag sahod sa araw ng manggagawa, dapat lang - marcos
|
| |
Work stoppage, mass leave, piket-protesta at welga ang magaganap sa mga pabrika kung hindi ibibigay ng mga kapitalista ang karagdagang sahod na hinihingi ng mga manggagawa.
Ito ang babala ngayon ni Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng Ilocos Norte kaugnay sa pahayag ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) na walang salary increase ang mga manggagawa sa paggunita ng Labor Day sa May 1.
Ayon kay Marcos, higit na hindi mabuti ang epekto ng sunod-sunod na welga sa mga pabrika kung ikukumpara ito sa pagbibigay ng dagdag pasahod na hinihingi ng mga manggagawa.
“Hindi naman malulugi ang mga negosyante kung pagbibigyan ang kahilingan ng manggagawa. Ang masamang epekto sa negosyo ay kung maglunsad ang mga mangagawa ng welga. Pareho silang talo! Walang trabaho ang manggagawa, wala ding negosyo ang kapitalista,” paliwanag ni Marcos.
Nilinaw pa ni Marcos na hindi rin nakasasapat ang kasalukuyang sahod na tinatanggap ng mga manggagawa bunga na rin ng patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin.
“Paano mo pagkakasyahin ang P380 na daily wage kung may apat kang anak? Ang upa sa bahay? At ang mataas na singil sa tubig at kuryente? Dapat ikunsidera naman ito ng mga negosyante!” galit na pahayag ni Marcos.
Ibinunyag din ni Marcos na sa kasalukuyan, maraming mga negosyante ang patuloy na pinagsasamantalahan ang mga manggagawa tulad ng hindi pagpapatupad sa minimum wage law, walang regularisasyon, hindi pagreremit sa SSS, walang benipisyo at pagbabawal na magtayo ng unyon.
“Garapal ang ilang mga negosyante, at dapat kumilos dito ang DOLE para makasuhan ang mga kapitalistang patuloy na nagsasamantala sa maliliit na manggagawa,” dagdag pa ni Marcos.
|
| |
DAGDAG NA ANGKAT NG BIGAS, KINUWESTYON NI TG GUINGONA III
|
| |
Mahigpit na tinutukan ni Bukidnon Representative at Liberal Party Senatorial candidate Teofisto “TG” ang National Food Authority (NFA) habang naka-amba ang pamahalaan sa pag-aangkat ng karagdagang bigas dahil umano sa tag-tuyot na dala ng El Niño.
Ito ang naging reaksyon ng mambabatas sa mga ulat na nakahandang mag-angkat ang pamahalaan ng 3.26 milyon metrikong tonelada ng bigas ngayong taon – higit sa 365,000 MT na nauna nang napagpasyahan – para umano makasiguro na mayroon tayong 90-araw na stock sa gitna ng tag-tuyot.
Sinabi ni Guingona na ayon sa mga ulat, ang ating bansa, na ngayo’y kinikilala bilang pinakamalaking mang- angkat ng bigas sa mundo, ay nakatakdang mag-angkat ng 2.9 milyon MT ngunit tinaasan ang bilang dahil sa El Nino.
Nauna nang binatikos ni Congressman Guingona III ang NFA na pugad ng mga ‘buwaya’ sa gobyerno nang kwestyunin nito ang mga polisiya ng NFA sa pag-aangkat ng bigas. Ayon sa mambabatas, hindi lamang ang basehan nh pag-aangkat ngunit maging ang proseso ng bidding ay kaduda-duda rin.
“It is common knowledge in the rice industry that there is big money to be made from rice importation. With this latest development, total imports this year will hit a record high of 3.26 million metric tons,” sinabi ni Guingona.
Kinuwestiyon ng mambabatas ang kagustuhan ng NFA na mag-angkat ng bigas gayung wala namang idinudulot na mabuti ito sa bansa at sa ating magsasaka. Ayon sa kanya ay maraming komisyon na maaring makuha mula sa pag-aangkat ng bigas. Tinukoy din nito ang pahayag ng isang NFA insider na isang maimpluwensyang personalidad at ilang tiwaling opisyal mula sa Department of Agriculture at sa NFA ang kabahagi sa mga malalaking komisyon na ito.
“Common sense shows that these practices of the NFA are disadvantageous to the country. Common sense also shows that such disadvantageous practice would not continue if no one is benefiting from it. So, I guess rice importation is indeed quite profitable for a few people,” pahayag ni Guingona.
Muling inulit ni Guingona ang kanyang panawagan para sa pagbusisi sa papel ng National Food Authority (NFA) sa pag-aangkat ng bigas sabay ng pahayag na kumikita mula dito ang mga buwaya o tiwaling opisyal sa loob ng ahensya ng milyon-milyong dolyar sa mga komisyon mula sa pag-aangkat ng bigas.
“Rice importation could be left to private rice traders and farmers’ cooperatives, while NFA’s role could be limited to ‘logistics provider’,” sinabi ni Guingona.
Sinabi rin nito na ang NFA ay isang malaking kawalan sa kaban ng bayan at dagdag pa sa lumulobong panlabas at panloob na utang ng bansa at aniya’y hindi dapat saluhin ng mga mamamayan ang lugi ng ahensya na ayon sa kanya ay maaring umabot sa P194 bilyon ngayong taon lamang.
|
| |
|