HINDI TAYO IIWAN NG SIMBAHAN – NOYNOY
|
| |
BACACAY, Albay: Sa kabila ng mga kritisismo mula sa isang mataas na opisyal ng Simbahang Katoliko, naniniwala si Liberal Party (LP) standard-bearer Noynoy Aquino na susuportahan pa rin ng Simbahang Katoliko ang mamamayan kapag nagdesisyon silang ipaglaban ang kanilang soberenidad sakaling hadlangan ang kagustuhan nila sa eleksiyon sa ika-10 ng Mayo.
Nilinaw ito ni Aquino sa isang press conference dito noong Lunes, isang araw makaraang ihayag ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales na hindi siya sasali sa people power kahit magkaroon pa ng failure of elections.
“I respect the Cardinal’s opinion. But I understand the Catholic Church will also be watching at events closely. And once it discerns what is right from what is wrong, it will act accordingly like it did before,” aniya.
Noong 1986, ang Simbahang Katoliko sa pamumuno ng yumaong Manila archbishop na si Jaime Cardinal Sin ay sinuportahan ang isang popular na pag-aaklas ng sibilyan at militar na naglagay sa puwesto sa ina ni Aquino na si yumaong dating pangulong Cory.
Nanawagan noon si Sin sa taumbayan na suportahan ang kumalas na sina dating Defense chief Juan Ponce Enrile at noo’y isa sa pinuno ng hukbong sandatahan na si Gen. Fidel V. Ramos mula sa rehimen ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos dahil sa malawakang dayaan noong snap elections noong 1986.
Subalit sinabi ni Aquino na maaaring nagkamali lamang ng kuha si Rosales nang sabihin ng huli na iresponsable ang isang pahayag ng una na umano’y nanawagan ng pag-aaklas.
“I assume he was fed certain quotes attributed to me which may or may not have been correct. And he was reacting to those. If he had heard exactly what I said, I don’t think he would have rendered that opinion,” aniya na nagsabi rin na iiwan niya sa tao ang desisyon kung ang tingin nila ay hinadlangan ang kanilang kagustuhan.
“As we have maintained, this is a people’s campaign. We are but servants of the people, we are the face of the struggles they are waging. Therefore it will be the people who will decide on the appropriate action in case there is cheating. But we are there to defend and uphold the rights of everybody,” ani Aquino.
|
| |
noynoy umapila ng mano-manong halalan
|
| |
HINIMOK kahapon ni Liberal Party (LP) standard-bearer Noynoy Aquino sa Commission on Elections (Comelec) na gawin ang lahat, kabilang dito ang paghahanda sa mano-manong bilangan para matiyak na maisasagawa ang eleksiyon sa ika-10 ng Mayo.
Sinabi ni Aquino na hindi dapat hayaan ng Comelec na ipagpaliban ang eleksiyon para maiwasan ang pagkabasyo ng poder.
“Elections must push through on Monday May 10 as mandated by law. Our people want a new leadership. The risk of elections not pushing through at all becomes much greater with a postponement,” aniya.
“We demand that Comelec begin preparations for a full, manual count and present their contingency plan to the public as soon as possible,” dagdag pa niya.
Ani Aquino, isusulong niya ang pag-iimbestiga sa mga opisyal ng Comelec para mabatid kung sadya nilang minadali o nilampasan ang proseso na nagresulta sa pagkakaroon ng iba’t ibang balakid sa pagpapatupad ng kauna-unang poll automation sa bansa.
“Were steps taken to prevent these problems, or were such steps purposely not undertaken to lead us to the dire situation we find ourselves in today?” aniya.
“My job is to win the votes. Their job is to count the votes properly. If there is proof later on indicating they did not do what they were supposed to do, it behooves me as leader... to take appropriate actions,” dagdag ni Aquino.
Sa kabilang banda, bininigyang-diin ni Aquino na obligasyon ng bawat Filipino na tutulan ang pagpapaliban ng eleksiyon.
Aniya, sa bawat pagkaantala ng eleksiyon ay lalong lalaki ang posibilidad na magkaroon ng iba pang pagkaantala na maaaring mauwi sa krisis sa pagkabasyo ng pamunuan sa Hunyo 30.
Ayon kay Aquino, kahit pa ipinamamarali ng Comelec sa mamamayan na handa sila sa poll automation, ang kanilang pagsusumikap ay nagreresulta lamang sa sangkaterbang kapalpakan sa pagsusuri sa precinct count optical scan (PCOS) machines.
“This belies all their claims of being prepared. They have not come through with their promises to our people. Failure of this magnitude would have led to honorable resignations in other cultures,” aniya.
Hinggil sa pagtutulak na magkaroon ng mano-manong bilangan, kanyang sinabi na mas mahalaga ang integridad ng proseso at ang magiging resulta nito.
“If full manual counting is a practical solution then let us do it no matter how long it takes to finish. Let us set aside partisan politics and work together to find ways to resolve this issue. This is Comelec’s last chance to regain its lost integrity. We are willing to do what we can to ensure the sanctity of our elections and our democracy,” ani Aquino.
|
| |
|