Magundadatu bagong maghahari sa maguindanao
|
| |
COTABATO CITY - Pormal ng dineklarang panalo si Buluan Vice Mayor Esmail "Toto" Mangudadatu bilang bagong gobernador ng Maguindanao.
Upang makatiyak sa kaligtasan ni Mangudadatu sakay ng armored personnel carrier at maraming convoy ng mga supporters ang naghatid sa bagon Gobernador sa kapitolyo.
Naghigpit din ng mabuti ang mga pulis upang matiyak ang siguridad ng bagong gobernador ng lalawigan alinsunod na rin sa safety protocol lalo na at may balitang pasasabogin ang lugar.
Sa huling tally nakakuha si Mangudadatu ng 153,706 habang ang mahigpit na karibal na si Datu Ombra Sinsuat ay merong 141,001.
Inamin naman ni Mangudadatu na hindi siya mag-oopisina sa kapitolyo sa Shariff Aguak na malapit lamang sa bahay ng mga Ampatuan.
Bilang governor elect nanawagan din siya sa kanyang mga constituents para sa kapayaan, na halos isang dekada ring marami sa mga ito ay walang kalayaan.
Aminado rin siya na nakakalungkot isipin na nagbuwis ang mahigit sa 50 katao bago siya naluklok matapos ang nangyaring masaker noong November 23, 2009, kung saan kabilang sa nasawi ay ang kanyang misis at iba pang miyembro ng pamilya.
Kung maaalala nangyari ang malagim na krimen ng utusan ni Mangudadatu ang kanyang misis kasama ang ilang abugado na siya na lamang maghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) upang labanan ang noo'y si Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr.
Nangangamba kasi noong panahon 'yon si Toto bunsod ng banta sa kanyang buhay.
Nadamay sa mga pinatay ang halos 30 mga media practitioners na magko-cover sana sa CoC filing.
|
| |
Kongreso maaga magbubukas ng session
|
| |
MAGSASAGAWA na ang dalawang kapulungan ng Kongreso ng joint session para sa gagawing canvassing para sa presidential at vice presidential candidates.
Sa pagpupulong ng dalawang lider ng Kongreso na sina House Speaker Prospero Nograles Jr., at Senate President Juan Ponce Enrile, napagkasunduan nila na gawin ito ng isang linggong mas maaga.
Base sa unang schedule gagawin pa sana ang pagco-convene ng Kongreso sa May 31 ngunit sa ngayon napagkasunduan na itakda na ito sa May 24.
Layon nito ayon kay Nograles, para maayos umano ang gagamitin nilang rules of procedure dahil aasahan na daw ang mahaba habang debate rito.
Kasunod nito, tiniyak ng lider ng Kamara na bago ang June 30, ay makakapag-proklama na sila ng bagong presidente at bise presidente ng Republika ng Pilipinas.
|
| |
Noynoy hindi kikilalanin ang bagong chief justice
|
| |
HINDI kikilalanin ni Sen. Noynoy Aquino ang tinalagang chief justice ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Sinabi ni Aquino na manumpa siya sa barangay kapitan bilang pagsisimula ng kanyang tungkulin na maging susunod na Pangulo ng bansa.
Ayon sa incoming president, hinihintay na lang niya ang opinyon ng kanyang mga abogado ukol sa plano niyang manumpa sa barangay kapitan ng kanyang barangay sa Tarlac.
Taliwas naman ito sa tradisyon ng mga nagdaang pangulo ng bansa na nanumpa sa chief justice ng Korte Suprema.
Napag-alaman na nanindigan si Aquino na hindi manunumpa kay incoming Chief Justice Renato Corona na itinalaga ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Giit ni Aquino, hindi nakasaad sa Konstitusyon na kailangan niyang manumpa sa Punong Mahistrado, na una na ring inamin ng Malacañang.
Sa kabila nito ay tiwala naman si Aquino na hindi pang-aaway sa kanyang administrasyon ang pagtalaga ni Arroyo kay Corona kungdi para umano ito sa personal na interes ng outgoing president.
|
|