Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Comelec pikon na kay koala bear
 
Manila, Philippines- Napikon na ang Commission on Elections sa mga alegasyong ipinupukol sa
makasaysayang  automated elections.

Batay sa bintang ng isang witness nagkabilihan umano ng boto ang ilang kandidato para manalo sa national
election.



Pero giit ng comelec  walang laman at pawang hindi makabuluhan ang mga ing whistleblower na tinaguriang
“koala bear.”

sinabi ni  Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, sapat na ang kanilang narinig at dapat malaman nito
kung kailan dapat huminto sa mga mapapanirang pahayag.

Ang nasabing witness ay lumantad na nag-aakusa sa Comelec at Smartmatic ng pandaraya nitong
nakaraang halalan.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng nasabing usapin sa kamara kung saan
dumagsa ang mga opisyal ng gobyerno na pawang nagsipagtatalo noong eleksyon.
 
Trabaho ng comelec na babalam dahil sa pagdinig sa kongreso
 
Manila, Philippines- dahil sa ginawang pagdinig ng mababang kapulungan ng kongreso naipagpaliban ang  
pag-poproklama ng mga nanalong Party-list dahil sa pag-attend ng mga opisyal ng Commission on
Elections sa hearing hinggil sa pandaraya sa automated eleksyon.


dahil dito nabitin ang mga partylist na mga nanalo sa nagdaang eleksyon dahil nakasaad sa batas na
tanging ang Comelec ang magsisilbing National Board of Canvassers sa lahat ng national level positions
maliban sa posisyon ng pangulo at pangalawang pangulo.

Ayon kay Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, nakatakda sanang iproklama ng komisyon ang mga
nanalong Party-list ngayon linggo.

Ang mga mananalong Party-list ay uukopa ng isang puwesto sa kamara.



Samantala, magpapatupad ng  Commission on Elections ng isang Special Elections sa Mayo a-bente osto,
araw ng biyernes para sa mga lugar na idineklara ang Failure of Elections.

sinabi ni COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal sa isinagawang press briefing sa komisyon  
partikular na magkakaroon ng special elections ang mga bayan ng Lumba Bayabao, Lumbaca Unayan,
Marogong, Masiu, Sultan Dumalondong, Tubaran at Bayang sa Lalawigan ng Lanao Del Sur

Kabilang rin ang barangay Upper at Lower Mahayahay sa Maluso, Basilan at dalawang barangay sa Iloilo at
isa sa Western Samar.

Nabatid na idineklara ang Failure of Elections sa ilang bayan sa Lanao Del Sur matapos hindi sumipot sa
mismong araw ng halalan ang mga aakto sanang Board of Elections Inspectors.

Habang na-postponed naman ang eleksyon sa Brgy. Generosa at Guimbal sa Iloilo at Brgy. Buenas Aires sa
Pagsangjan, Western Samar matapos magkapalit-palit ng mga balota na gagamitin sana sa halalan.

Batay sa Omnibus Election Code, binibigyan lamang ng tatlumpung araw ang poll body para mai-reschedule
ang halalan sa mga lugar na idineklara ang Failure of Elections.
 
 
 
 
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine