Pangulong makakapagkatiwalaan para sa naiwang pamilya sa Pilipinas
|
| |
TAPOS na ang eleksyon? Hindi pa. Marahil tapos na ang botohan pero ang kabuoan ng eleksyon ay nagsisimula pa lamang sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang Kamara at Senado.
Sinabi ni Senate Majority floor leader Juan Miguel Zubiri na araw ng Lunes (May 24) magbubukas ang sesyon ng Senado at Kongreso para mapag-usapan kung anong mga rules at guidelines ang dapat pairalin sa canvassing.
Araw naman ng Martes(May 25) uupo sa iisang lamesa ang dalawang kapulungan ng Kongreso para mapagkasunduan kung ano ang gagamitin nilang rules at guidelines sa gagawin nilang canvassing para sa pagkapangulo at bise president.
Miyerkules, saka pa lamang sisimulan ng pinagsamang komite o Joint Committee ng House at Senate para isa isahin nang busisiin at bilangin ang mga balota at makapagdeklara na ng panalo sa pagkapangulo at bise presidente bago sumapit ang ika-30 ng Hunyo na itinakdang araw ng pagtatapos ng lahat ng elected position kabilang na ang Pangulo.
Sakabila na naging matagal ang proseso ng pagboto gamit ang makabagong paraan ang Precinct Count Optical Scanner(PCOS) machine, naging mabilis naman ang resulta na sa loob lamang ng isang araw may naihalal ng mga lokal na opisyales at milyon na kaagad ang nabilang sa mga tumatakbo sa national position, pero hindi lahat naging masaya sa naging mabilis na resulta.
Kabilang na dito ang sumusunod kay Sen. Noynoy Aquino na dating Pangulong Joseph Estrada, may mali sa sistema ng pcos machine ang ginigiit ng napatalsik na Pangulo. Kabilang na dito na sinisilip nila ang petsa ng election result na inilabas ng pcos machine na imbes na May 10 ang petsang nakasaad sa result, ika-28 ng Abril ang sinasabi ng PCOS na nagsimula ang botohan, dahil ditto nagmimistulan tuloy na ilang araw bago magsimula ang botohan may resulta na kung sino ang mananalo.
Ang isa pang hinain ni dating DENR Sec. Lito Atienza hindi tugma ang manual counting sa electronic counting result, dahil dito gumugulong na ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagdinig ng dayaan sa kauna-unahang makabagong halalan.
Dumagdag pa sa ingay ang paglabas ni alyas “robin the Kuala bear” na sinasabi na isang kandidato ang nagbayad ng milyon piso para matiyak ang kanilang pagkapanalo sa puwesto, pero para sa chairman ng suffrage and electoral reform committee na si Makati Rep. Teddy Locsin hindi dapat paniwalaan si kuala bear dahil puro lamang kuwento wala naman ebidensyang maipakita.
Dahil dito sinabi ni Zubiri hindi na tatanggapin pa sa canvassing committee ang mga istilong kuala bear na may alegasyon pero wala namang ebidensyang ipapakita. Hindi na rin nila bibigyan pa ang istilo rin ni Sen. Francis “kiko” Pangilinan at gamitin sa bilangan ang salitang “noted.”
Umaasa ang lahat ng Pilipino, saan ka man pananig ng mundo ngayon na roon batid ko na malayo ka man pero malapit ang iyong paningin sa Pilipinas, lalo na kung sino ang maiiwanan mong pangulo na lubos mong pagkakatiwalaan para sa kinabukasan ng iyong pamilya sa Pilipinas.
Ganun din kami dito sa PIlipinas, nagdadasal na sana ibigay na ng Maykapal ang pinuno na kanyang pinili na mamumuno sa kanyang sambayanang Pilipinas, upang ang tunay na demokrasya at katiwasayan manumbalik sa lupang ipinangako sa mga Pilipino.
Dalangin ko din na sana ang susunod na Pangulo ay gumawa ng paraan para hindi na kailanganin pang iwan ng mga magulang ang kanilang mga anak at asawa sa pilipinas para makahanap ng kakaunting pag asa sa ibang bansa.
Sana sa tuwing tayo ay mananalangin isama natin si “LuzViMinda” (Luzon,Visayas, Mindanao) sa ating pakikipag-usap sa maykapal, minsan ng napatunayan sa EDSA 1 ang kapangyarihan ng rosaryo at panalangin para sa katiwasayan at kapayapaan ng ating sambayanan.
Walang ibang tutulong sa Pilipinas kundi ang Pilipino, walang ibang pugad ang Pilipino kundi ang Pilipinas.
|
| |
| |
| |
| |
| |
| |
|