Apila ng ampatuan hindi ok sa korte
|
| |
Tinanggihan ni QC RTC Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis Reyes ang kahilingan ng kampo ni Maguindanao massacre suspek Zaldy Ampatuan na itago sa publiko ang kanyang medical records dahil sa kawalan nito ng merito.
Sa inilabas na dalawang pahinang kautusan ni Judge Reyes, sinabi nitong hindi maaring iginiit ni Zaldy Ampatuan ang physician-patient privilege dahil akusado siya sa kasong criminal.
Ayon sa huwes, hindi umano maaring maibigay ang naturang pribilehiyo dahil sa kasong sibil lamang ito maaring magamit hindi sa kasong criminal kung kaya ang medical records ni Ampatuan ay hindi maituturing na konpidensiyal.
Matatandaang hiniling ng abogado ni Zaldy Ampatuan na si Atty. Redemberto Villanueva sa korte na itago sa publiko ang kanyang medical records matapos na magkaroon umano ng ‘media circus’ sa medical at psychiatric evaluation ng dating gobernador.
Samantala, inatasan rin ni Judge Solis-Reyes si Zaldy Ampatuan na bigyan ang korte ng kopya ng resulta ng kanyang medical examination noong Mayo a-20
Ibinasura din ng korte ang kahilingan ng prosekusyon na ilantad ang pagkatao at kwalipikasyon ng manggagamot na tumingin sa dating gobernador.
|
| |
| |
| |
| |
| |
| |
|