Noynoy easy lang - Zubiri
|
| |
Umapila ang National Baord of Canvassers kay Liberal Party (LP) standard bearer Sen. Noynoy Aquino na huwag magmadali sa kanyang proklamasyon bilang susunod na pangulo ng bansa matapos manguna sa bilangan para sa presidential elections.
Ito ang mensahe ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri matapos na hilingin ni Atty. Jose Cadiz abogado ni Aquino na iproklama na ang senador bilang bagong pangulo dahil sapat na ang nakuhang boto nito nang sa ganon ay ang vice presidential race na lamang ang atupagin ng canvassing body.
Ayon kay Zubiri ayaw nila ng partial proclamation sa halip ay isahang pagproklama na lang dahil kailangan dito ang quorum ng buong miyembro ng mataas at mababang kapulungan ng Kongreso para pagtibayin ang committee report ng joint Congressional canvassing committee.
Mahirap aniyang ma-doble pa ang mahabang proseso ng proklamasyon dahil paalala nito bibigyan ng tig-tatlong minoto na magsalita ang lahat ng dadalong mambabatas upang ipaliwanag ang kanilang boto.
Kampante ang NBoC na matatapos nila sa Lunes ang canvassing ng limang natitirang CoCs na kinabibilangan ng Davao, Bacolod, Mt. Province, Eastern Samar at Lanao del Sur upang agad na bumuo ng committee report.
Sa araw ng Martes magpapatawag na ng joint session ng Kongreso at dito pagdebatehan ang committee recommendation kabilang ang mga issues na iginiit ng magkabilang kampo tulad na lamang ng usapin sa null votes na sinasabing makakaapekto sa vice presidential race bago pagbotohan ang proklamasyon ng susunod na pinuno ng bansa.
|
| |
| |
| |
| |
| |
| |
|